SP

2K 35 64
                                    

*

"Deym ! Takte , late na ako !"

Halos lumipad na ako palabas ng office para lang makaabot ako sa pupuntahan ko .

"Hey , Miss Lim ! Get back here ! May ibibigay pa ako sayo before you go !"

Linsyak na buhay . Late na nga ako , me ibibigay pang work tong boss kong halimaw ? Ano na naman kaya ang kailangan nya ! Lintek ! ! !

Bumalik ako sa office at humarap kay Sir Greg .

"Yes , Sir ?" walang gana kong sagot .

Ngumiti ito at mya iniabot na sobre sa akin . "Here you go . Minsan lang ako magbigay ng gift checks kaya ayusin mo ang pag spend nyan ."

Lumawak ang ngiti ko . Alam na ! "Ah e , Sir , salamat po ? Teka , hindi naman po siguro bawas ito sa sweldo ko , hindi po ba ?"

Tumalim ang mga mata nito at mukhang may usok na agad na nagmumula sa ilong nya .

"Ay joke lang po , sige po hindi na ako magsasalita ." at kumaripas na ako ng takbo . Baka mamaya e saltikin na naman ito at may iutos na namang bago , mahirap na .

Ngumiti ako nang makalabas ako ng office . Unang una kong ginawa ay ang tawagan si Karina .

"Hello , Karing ? Set na ba ang place ? Dapat maganda , sasapakin kita pag hindi umubra ang pagka creative mo !" sabi ko sa kabilang linya .

"Oo gaga ! Ako nga itong busy pero ako pa ang pinakiusapan mong gumawa nito , kaloka ka ! May bayad ito ha !" sagot naman nito .

Ngumiti ako kahit hindi nya ako nakikita . "Oo na ! Shunga neto . Alam mo naman na may date ako ngayon e ! Shempre dapat extra special !"

"Sya oo na , gumora ka na at baka kanina ka pa gustong kulamin ng boyfriend mo dahil ang bagal mo kumilos ! Oi nga pala , nakalimutan ko bumili ng bulaklak . Ikaw na bumili ah ? Ewan ko ba naman jan kay Chester , napaka arte , kelangan talaga parang ikaw pa rin ang nanliligaw sa kanya !"

Tumawa ako . "Baliw ! Alam mo namang may kasalanan pa ko dun sa batang yun e , kaya kelangan ako ang susuyo ! HAHA ! Sya sige na , bye na . . . Late na talaga ako . Mapepektusan na ako neto e ."

"Ok , sige . . . Nga pala , may fitting tayo bukas ng gowns ok ? Wag mong kalimutan !"

Matapos magpaalam ay ini-end call ko na agad . Badtrip na yan , bukas na pala agad ang gown fitting na yan ! Bakit kasi napapayag pa ako ni Karina na maging maid of honor sa kasal nila ni Sir Greg e , yan tuloy mapipilitan pa yata akong mag gown . . .

Sumakay na ako sa taxi para makaalis na agad ako . Kahit hindi ko aminin at kahit mag deny pa ako , nae-excite ako sa magiging date namin ni Chester .

Nang makababa ako sa harap ng florist's shop , nakita ko na sakto namang kalalabas lang ni Bev galing sa katabing coffee shop . Hindi nya yata napansin ang pagbati ko sa kanya dahil mukhang busy sya sa pakikipag tawanan sa kasama nyang lalaki . Nagkibit balikat na lang ako at pumasok na ako sa loob .

Dahil may kasalanan pa ako kay Chester , I'm sure galit yun sakin kaya dapat may peace offering ako . Pumili ako ng bouquet of white and red roses na pinakamaganda sa flower shop para ibigay sa kanya . Tapos bumili na rin ako nung mga mamahaling chocolates na inimport pa daw kung saang bansa . Kahit mejo napapa gastos ako , hinayaan ko na lang kasi nga baka lalo magtampo at magalit yun sakin pag nagkataon .

Habang naglalakad ako , nag ring ang cellphone ko . Hirap na hirap tuloy akong kunin yun sa bulsa ng jeans ko kasi ang laki laki nitong bouquet na hawak ko , badtrip .

"Hello , Kuya Baste ? What's up ? ? ?" bati ko sa tumatawag na si Kuya Baste .

"Hoy , ipinapatanong ng Ate Lizelle mo kung makaka attend ka daw sa christening ni baby Claire next week ? Umoo ka agad at I-clear mo ang schedule mo ! Dahil pag nagkataon , mahuhusay ka sa Ate Lizelle mo pag hindi ka um-attend !" yun agad ang bungad nya .

The Ice Breaker [COMPLETED]Where stories live. Discover now