Chapter 31

770 22 14
                                    

A/N : Hehe , itong UD po na ito ay mejo late ang time frame . Kasi hindi ko naipost ito nung exact date na dapat nun ko ipopost . Quota na si Lappy ko that time at nag overheat kaya pasensya kung mejo late nga ang time frame nito . :D

-----------

Nakatulala ako habang nakatitig sa sandamakmak na pagkain sa hapag kainan na nasa harapan ko ngayon . Nandito ako sa mansion ng mga Wang . At ready na kami sa aming Noche Buena . Masaya ako at kinakabahan at the same time dahil first time kong magspend ng Noche Buena kasama ang pamilya ng Tatay ko . Sa 23 years kasi ng buhay ko , tanging ang pamilya ni Nanay ang parati kong kasama sa mga ganitong klase ng okasyon . Buti nga at hindi nagtampo sa akin si Lola nang sabihin ko sa kanyang inimbita ako ng Kuya ko na dito sa kanila mag spend ng Christmas . Sabi nya sakin , naiintindihan nya naman daw ako ; basta wag ko lang daw munang sasabihin ang koneksyon ko sa pamilya ni Tatay kay Tito Bogs kasi daw malaki rin ang galit nito kay Tatay . Kasi nga , nasaktan daw si Nanay at malaki din ang hatred nya sa ginawa ni Tatay kay Nanay .

“Kain na , Ice . Wag kang mahihiya dito , tayo-tayo lang naman .” sabi ni Mrs . Wang . Hindi ko naman kasi kayang tawagin sya na “Mama” o kaya “Tita” . Nahihiya ako e .

Ngumiti ako bago tumango . Iniabot naman sa akin ni Kuya Andy ang bowl ng pasta .

Halos mag umapaw ang pagkain sa pinggan ko . Napakarami ! Paano ko naman makakain lahat ng ito ? Pero nahihiya naman kasi akong tanggihan ang lahat ng inilagay ni Kuya Andy sa pinggan ko . Para kasing tuwang-tuwa sya na pagsilbihan ako .

“Kain ng kain , bro . Special ang Christmas na ito dahil kasama ka namin . Alam mo bang kalimitan e hindi kami nags-spend ng Christmas dito sa bahay ? Lagi lang kami pupunta sa ibang bansa kasi feeling namin , boring dito . Pero nga dahil nameet ka na namin , gusto ka naming makasama . Para na rink ay Papa . I know matutuwa sya kung nandito sya .” sabi ni Kuya Andy .

Ngumiti ako . “Thanks , Kuya . Salamat po , Mrs . Wang . Special din po para sa akin ang Christmas na ito . Dahil po nakasama ko kayo .”

Tumawa si Mrs . Wang . “Ice , isa pang Mrs . Wang , kukurutin na kita talaga sa singit ! Sinabi nang gayahhin mo na lang si Andy , tawagin mo akong Mama .”

Nagkamot ako sa batok . “Eh nahihiya po talaga ako e .”

Ngumiti ito . “Ok , for now , pwedeng kahit Titan a lang muna if talagang hindi ka pa sanay .”

Napatango na lang ako . “Ok po , T-tita .”

“Good ! Kain lang ng kain ! Marami pa tayong food ok ?”

Tumango lang ako . Pero ang totoo , wala akong gana kumain . May ilang araw na akong hindi makakain ng ayos dahil sa nangyari sa fireworks display . Ilang araw na rin akong balisa at hindi makatulog . Naiirita kasi ako . Ano bang pumasok sa utak ko at ginawa ko yun ?

Alalang alala ko pa ang reaction ni Chester noon e .

*FLASHBACK*

“Hoy ! Bakit di ka nasagot ! Type mo nga syang halikan no !”

Ang ingay ! Naiirita na ako ha ! Kanina nya pa sinasabi yan ! At nad-distract ako sa mga labi nya ! Ampula masyado ! Kaya nang humarap na sya sakin ay hindi na ako nagdalawang isip pa . Ginawa ko na lang ang itinutulak ng isip ko . Hinila ko ang kwelyo ng damit nya at hinalikan ko sya . That shut him up . Sabay naman sa paghalik ko ay syang pagsisimula ng fireworks display kaya feeling ko ay walang nakakita sinoman sa ginawa ko dahil malamang lahat ng tao ay nakatingin sa kalangitan ng oras na iyon .

Naramdaman ko ang pagkabigla nya sa ginawa ko . Ako naman , parang naengkanto . Ang lambot ng labi nya e . Nakahalik na kaya tong batang to ? Bakit parang napakalambot ng labi nya na parang sa baby ? Ang lakas ng pintig ng puso ko , parang sasabog . Feeling ko mabibingi ako e ! Parang tinatambol sa lakas .

The Ice Breaker [COMPLETED]Where stories live. Discover now