Chapter 10

1.2K 36 15
                                    

Wilson "Baste" Torralba --------------->

(Jae Hee)

*** 

May isang oras at kalahati na kaming walang imikan ni Chester . Nasa isang sulok sya ng office at nakahiga sa carpeted floor habang ako naman ay nakatulala at nakatitig sa ceiling na nakahiga sa sofa bed .

Kanina , naisip ko na tawagan si Kuya Baste o kung sino mang pwede para matulungan kami . Napagalitan ko pa si Chester kasi hindi nya lang naman dala  ang peste nyang cellphone . Ang kaso , walang signal at di kami magkarinigan ng ayos ni Kuya Baste . Ang nangyari tuloy , nalowbatt ang cellphone ko sa kakaredial ng numero ni Kuya Baste to no avail yet again .

Kaya heto kami ngayon , no hope of going home tonight . Sa palagay ko ay hindi pa inaabutan ng antok si Chester dahil pabiling-biling ito sa kinahihigaang sahig . Kaya naisip kong kausapin ulit ito kasi baka natuluyan na ang pagtatampo nito sakin .

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya . Siniko ko sya ng marahan .

“Oy . Tulog ka na ba ?” tanong ko .

Hindi naman ito umiimik tapos nakatalikod pa sakin habang yakap yakap ang sarili nya .

“Oyy .” sinundot ko ang tagiliran nya .

Napakislot ito tapos dahan-dahang humarap sakin . Namumula ang mga mata at ilong nito .

“Anyare sayo ?” nagtataka kong tanong .

Umisod ito palapit sakin at nagulat ako ng yumakap sya sakin habang nakahiga pa rin sya . Tapos bigla na lang narinig ko ngumawa . As in iyak talaga !

“Hoooy ! Bat naiyak ka !” natataranta kong tanong habang hinahawakan sya sa balikat .

Suminghot-singhot ito . Tapos paputol-putol at pasinok-sinok na nagsalita .

“Akala ko kasi Kuya , nagalit ka talaga sakin at di mo na ako kakausapin e ! HUHU . Natatakot na nga akong magstay dito kasi baka bukas pag nakita nila tayo , bangkay na tayo . . . Tapos pinagalitan mo pa ako kanina dahil lang hindi ko dala ang cellphone ko . . . HUHU . . .”

Napanganga ako sa sinabi nya .

“Chester , hindi ako galit sayo . Saka bakit mo naman naisip na mamamatay tayo dito ? Wala namang masama na nakulong tayo dito , maliban na lang sa hindi tayo makakauwi . I’m sure bukas ok pa tayo . Ano ka ba . . .” pag aalo ko sa kanya . Pero ang totoo , kanina ay natakot din akong makulong dito . Ayaw na ayaw ko sa lahat yung naiistuck sa isang lugar na alam mong wala kang kawala pag may nangyaring masama . Pinalakas ko lang ang loob nya dahil ayoko na pareho kaming matatakot .

Ni-cradle ko ang ulo nya at ipinatong sa binti ko . Hinagod ko ang likod nya ng palad ko .

“Wag ka ng umiyak . Para ka namang bata e . Malaki ka na Chester . Ok lang tayo dito .”

Suminghot na naman ito . “Kuya . . . kwentuhan mo  ako .” bigla ay sabi nito .

Napatawa ako . “Sige na nga .” Pero bago pa ako makapagsimula , may naalala akong topic na gusto kong itanong sa kanya . “Chester , yun palang lalaki noong isang araw , nung birthday mo . . . Yung Tristan ? Tunay bang boyfriend mo yun ?” Mejo alanganing tanong ko .

Hindi agad ito umimik . Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita ito .

“Hindi ako BAKLA if yan ang naiisip mo , Kuya . At hindi ko sya boyfriend .” sabi nito . 

Ako naman ang natahimik . Hindi ko kasi alam kung anong susunod kong sasabihin . Mejo awkward kasi e tanungin ko ba naman kung boypren nya yun . Tsk .

The Ice Breaker [COMPLETED]Where stories live. Discover now