"Get Off."

Ma awtoridad nya akong inutusan. Binabawi ko na yung gorgeous at yung mabango at pogi, may sinabi bakong mabango at pogi sya?? Umayos naman na ako ng pagkakaupo. Bigla syang tumayo at bumaba ng bangka.
Pagtanaw ko sa likod ko nakabangga kami sa batuhan sa may isla.

Isla...

Nasa isla na pala kami!

Wala po bang nakadinig ng panalangin ko? Kahit isang santo lang po!

Kanina lang kinilig ako kasi ang hot nya at ang bango tinawag ko pa syang gorgeous man!!!

Katapusan ko na!

"I said Get Off!"

Dahil aa takot ko lumundag ako ng bangka causing me haft feet wet.

Medyo na tapilok sa tubig. Nakatapak ako ng coral. Hindi naman iyon napansin ni Dame kasi nakatalikod na sya. Hinubad nya yung life vest at inilapag sa may tabing bato ganun din ang ginawa ko. Masakit ang pagkakatama ng paa ko sa corals. Marahil ay nasugatan ito ng bahagya kaya mahapdi ang bawat pag hakbang ko. Pinilit kong maglakad ng ayos kasi maya maya naman katapusan ko na.

Naglakad na sya papunta sa may gubat which is malilim at madamo na hindi na mabato at mainit.

"Talk."
Sounds familiar. Talk daw? Anong sasabihin ko?

Nakarating na kami sa may lilim. Hindi pa sya humihinto sa paglalakad kaya ganun din ako.

Galit ba sy kasi hindi sinabing may kapatid ako? O galit sya kasi napahiya sya??

"Look, akala ko sinabi na nila Mama na may mga kapatid ako kaya hindi nako nag abalang aabihin pa yon sa--"

"That's not what I meant."

Kumunot ang noo ko sa tinuran nya. Ano ba sinasabi niya?

"That's not? Then what?"

Humarap sya sa akin. Nag iba na ang aura nya, kung kanina'y Possessive at cute ngayon nakakatakot at seryoso na sya. Kung dati normal na yung seryoso at pagiging bipolar nya.

Ngayon ibang iba na yung dati. Seryoso at mukhang papatay sya ngayon. Galit lamang ang nakikita ko sa mga mata nya.

Unti unti syang lumalakad palapit sa akin.

Hindi ako umaatras kahit nakakatakot sya ngayon. Bigla nya nalang hinawakan ang kanang kamay ko at itinaas.

"I mean this!"

Nakita ko yung Bracelet. Napuno na ba sya kaya nya tinatanong kung bakit nasa akin to?

"First time we met; you're wearing that! Who are you? Are you a spy? Ginagamit mo ba ang relasyon natin para makapag manman sa Uther?"

Dun na ako nagulat.

Uther?! Myembro ba sya ng brutal at bayolebteng grupong iyon?
Kaya ba kanina nung binabantaan nya ang kuya ko parang totoo

"Myembro ka ba ng Chain Dragon?"

Nang ngingitngit na ang kanyang mga ngipin at bumabain na ang kuko nya sa wrist ko. Nasasaktan ako.

"Kaya ba may tama ka ng bala?"

Pati ba naman iyon? Sinipa nya yung sugat ko at napaluhod nalang ako sa sakit.

"Admit it! Or I'll kill you here and make it look like an accident."

Doon na ako tinakasan ng dugo.

Papatayin nya talaga ako.

At wala man lang akong kalaban laban.

Nararamdaman ko namamasa na ang pisngi ko.

Yung na bubog at na tapilok sa coral na mga paa ko yung gunshot sa binti ko, yung init ng panahon, yung mga tanong na nabubuo sa isip ko, yung kuko ni Dame na bumabaon sa pulsuan ko.

Siguro.

Sandali na lang....

At magwawakas na....

Ang buhay ko.

Naglabas sya ng baril at itinutok sa ulo ko.

Wala akong ibang nakikita sa mata nya.

Hindi awa.

Hindi pagpapatawad.

Ni hindi man lang ako nakapag salita.

Hindi ko nadepensahan ang sarili ko.

Mula sa fiancée ko.

Mula sa kalaban ko...

Sa masasamang taong tulad nya.

Myembro ng Uther na pumatay sa kapatid ko.

He's Nerd, I'm NotWhere stories live. Discover now