"Geallan!" Dock tried to reach for her but she immediately took a step back and the next thing she knew she fell in the pool with a huge splash.

Parang may dumaang anghel nang matahimik ang lahat habang ang lahat ng mata ay nakatuon sa kanya. Walang kahit isa mang gumawa ng ingay. Lahat ay nagulat sa nangyari.

"Geallan." Umupo si Dock at inilahad ang kamay sa kanya. Tinitigan niya iyon nang ilang sandali bago sinalubong ang mata nito. Nasa mukha nito ang paghingi ng paumanhin. Sa halip na abutin ang kamay ng binata ay tinalikuran ito ni Geallan. Palangoy niyang tinungo ang hagdan para doon umahon.

"Are you okay, Brielle?" Salubong sa kanya ni Jufred, ang pinsan niya, panganay na kapatid ni Lyca, nang makahon siya. Ibinalabal nito sa kanya ang puting roba.

"Thank you, Kuya Jufred." Malalaking hakbang niyang tinungo ang banyo sa loob ng bahay. Humarap siya sa salamin. Para siyang basang sisiw. Sinapo niya ang kanyang mukha. Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng kulay. Kung sa kahihiyan o dahil sa hindi maipaliwanag na emosyong lumulukob sa kanya ngayon ay hindi niya alam.

Si Dock! Si Dock ba talaga 'yon? Halos isang taon na rin simula nang umalis ito. Hindi na rin niya inaasahang magkikita pa sila. Pinilit niyang alisin ito sa sistema niya.

Their sudden break up has been the most painful experience she had. She got so comfortbale within her routine with him and it doesn't feel like it will ever break, but it did, and it shattered her into a million pieces. But thankfully, she'd got a solid support system- the people who are always there to make her feel loved and appreciated, every second of everyday. Mga bagay na hindi niya naramdaman sa kinagisnang pamilya. Ipinadama sa kanya ni Dock pero saglit na panahon lang at ang naging kapalit ay sakit.

Hindi niya ito napaghandaan. Totoong hindi niya napaghandaan ang muli nilang pagkikita.

"Brielle?" Boses ni MM ang gumambala sa malalim niyang iniisip.

MAKAILANG ulit siyang humigit at bumuga ng hininga bago tuluyang lumabas ng pool area. Nasa isip niyang umaktong hindi nag-e-exist si Dock, pero sa pag-apak pa lang niya sa labas ng pinto ay hinanap na agad ng sutil niyang mata ang kinaroroonan ng binata. Tila sumirko ang puso niya nang magtama ang mata nila ni Dock. Nabitin ang kasalukuyang pag-inom nito ng alak na nasa baso nang makita siya habang kausap nito si Falcon sa may gilid ng pool.

She immediately drew her gaze away from and walked toward the table with poise and elegance. Para saan at nag-training siya ng walking kung hindi niya gagamitin. Pero halfway na siya sa mahabang mesa nang napamura siya nang bigla siyang matapilok. Naramdaman niyang nag-init ang mukha niya lalo nang muli niyang sulyapan si Dock. Shit naman talaga! Ang epic ng nangyayari sa kanya ngayon. Kanina pa siya napapahiya.

Tumuwid siya ng tayo at inayos ang kulot na buhok saka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi pa naman siya nagdalawang isip na hilain ang damit at high heels na suot sa closet ni Mhelanie. Pinahiram muna siya ng hipag dahil nabasa ang damit at flats niya. She made sure to showcase her figure to the max in this white button down bodycon midi dress. Syempre gusto niyang ipakita sa hinayupak na 'to na maganda ang epekto ng ginawa nitong pang-iiwan sa kanya; that she is better now than before. Gusto niyang ipakita rito na hindi siya naapektuhan sa ginawa nito kahit ang totoo ay durog na durog siya nang mga panahon na 'yon.

Tumabi siya kay Lyca na nakaupo sa mahabang mesa kasama ang asawa. Aware siyang may matang nakamasid sa kanya. Mula sa gilid ng kanyang mata nakita niya kung paanong tapikin ni Falcon ang balikat ni Dock bago lumapit ang mga ito sa parehong mesang kinauupuan nila. Tumabi si Falcon kay Mhelanie habang si Dock ay tumabi kay Wilson sa mismong harapan niya. Nagyuko siya ng ulo. Alam niyang nakatingin ito sa kanya at naiilang siya.

Fatal Attraction 2: Get WildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon