[56] Shots Of Margarita

Magsimula sa umpisa
                                    

Tch. Close lang kayo kaya mo yan sinasabi. Pfft!

"So, kailan ang kasal?"

Muntikan na akong mabulunan sa iniinom ko. Ano raw? Kasal?!

"Kuya!" saway ko sa kanya. Tumawa naman siya.

"Ano?? You're not getting any younger, Crystal Gail. Mahuhuli ka na sa byahe," saka niya tinignan si Fifth na hinihilot ang sentido niya. "Ikaw din, Fifth. May ipon ka na rin naman diba? May trabaho ka at kilala pa ng parents namin. Oh, what are you waiting for? Grab our precious Crystal, bro."

Fifth's eyes met mine and I don't know why I felt myself blushed.

"We'll get into that...soon."

Umiwas ako ng tingin at uminom nalang sa drinks ko. Magtithree months pa lang kaming magkakilala  tapos heto kami't pinag-uusapan na ang pagpapakasal. Oh dear Lord!

"Yun! Yan ang manok ko."

Inirapan ko si Kuya Louis. "Kumain ka na nga lang dyan, Kuya. Daldal mo!" Saka ako tumayo at nagpaalam muna na pupunta sa powder room. Pumasok agad ako sa cubicle at dun nagmukmok.

Parang may maling nangyayari, pero hindi ko alam kung ano yun. Hindi ako mapakali. Ayoko ng ganito.

Lalabas na sana ako ng cubicle nang may marinig akong maiingay na babaeng pumasok. May isa pa dun na pamilyar ang boses. Kaya napaatras ako.

"Crystal, ang swerte mo. Bakit magkasama kayong maglunch ni Mr. Lee?"

"Ano ka ba! Lagi kaya silang magkasama. Hinahatid pa nga siya pauwi ni Mr. Lee eh."

"Weh? Totoo?"

"Yeah..."

"D*mn! You're one heck of a lucky girl!"

Bumuga ako sa hangin at napangiwi nalang sa inis. Ganito ba talaga sa office? Nagchichismisan sa restroom? Tch.

"Teka, totoo ba yung balita na pinakilala ka raw ni Mr. Lee sa parents niya?"

Natigilan ako. May ganun bang balita? Wala naman akong narinig na ganun.

"Oo, pero sa Mama lang ni Kurt. Nasa US kasi ang Dad niya eh. At ayun nga, natutuwa ako kasi ang bait-bait niya sa akin. Sabi nga ni Kurt, isasama niya raw ako one time sa US kapag dadalawin daw niya ang Dad niya."

What the...?

Napatayo ako at 'di na napigilan na lumabas ng cubicle. Napatigil tuloy sila at napatulala sa repleksyon ko sa salamin. Saka ako lumabas ng restroom.

Ano ba ang nangyayari? Parang last week, nakita ko pa si Kurt na may kahalikang ibang babae, tapos ipinakilala naman niya itong secretary niya sa magulang niya? Sino ba talaga?

9PM na kami umalis ni Fifth sa office. May tinapos kasi kaming trabaho. We were holding each other hands as we got out of the building. Dumiretso kami sa parking lot kung saan nakapark ang kotse niya.

Pinatunog niya ang alarm saka niya binuksan ang pinto sa passenger's side. Pero bago pa man ako makapasok ay may nahagip ang tingin ko sa kabilang gutter.

Si Kurt kasama ni Crystal na magkahawak din ang kamay...

Saglit na nagtama ang paningin namin ni Kurt pero ako ang unang nagbawi ng tingin at pumasok na sa loob ng kotse. Sumisikip ang dibdib ko. Geez, ano bang nangyayari sa akin?

"Baby love, hindi ako uuwi ngayon," Fifth said as he got inside the driver's seat.

"Bakit?"

"My Mom will arrive tonight from SoKor. I'll stay with her in the hotel for tonight."

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon