Prologue

2 0 0
                                    

Prologue

Hingal na hingal ako habang binabagtas ang napakalawak na daan.

Hindi ko alam kung bakit ako nandito at lalong kung anong lugar ito.

Dito na lang ako pinadpad ng mga bisikleta ko pagkatapos kong umalis sa bahay namin sa takot na baka bugbugin na naman ako ni Tito Jun.

Nilibot ko ang buong lugar.
Maganda dito.

Tahimik at maraming puno.

Palubog na pala ang araw.

Dali dali kong pinadyak ang paa ko sa pedal at tinahak ang daan na tinahak ko kanina.

Kahit sampung taong gulang palang ako ay meron na akong ideya sa paligid ko. Matalino nga raw ako sabi ng teacher ko.


Mas binilisan ko ang padyak dahil baka abutan akong gabi sa daan ngunit di ko maiwasa na mapatingin sa isang batang napakaganda na may suot na asul na bistida. Tumigil ako sa tabi ng palaruan kung nasan ang bata kasama ang mga kaibigan nya.

Meron syang mahaba't tuwid na buhok na kulay kayumanggi at meron syang maputing balat. Matangos rin ang ilong nya. Mas matangos pa sa akin at may maganda sya mga mata na kapwa kulay itim.

"Yra! Dito tayo sa swing!" Sabi nung isa nyang kaibigan sa magandang bata.

Yra pala ang pangala nya. Kasing ganda nya.

Sa tingin mas matanda ako sa kanila ng ilang taon lang

"Hahahahah! Tignan mo si Etoy oh! Hahahaha" sabi nila at tinuro ang isang batang lalaki na nasa itaas ng monkey bars at parehong nakataas ang kamay sa ere.

"Wahhhh! Ako si Tarzan!" Sigaw ng batang Etoy ang pangalan

Nagtawanan naman ang mga batang babae na nasa swing kasama yung magandang bata na ang pangalan daw ay Yra.

Napangiti ako. Sa tingin ko ito yung sinasabi ng mga kaklase ko.

Crush

Tama!

Lagi kasi akong inaasar na bakla kasi daw wala akong crush dahil hindi ko naman alam kung ano yun.

Pero ngayon mukhang alam ko na.

Si Yra ay crush ko.

"Ikaw ang taya Tarzan!" Sigaw ni Yra at lahat sila'y nagsitakbuhan at nagtago

Napakamot na lang ng noo yung Etoy at tumalikod.

Sinundan ko kung saan nagtago si Yra. Kailangan ko syang makilala

Nasa medyo dulong bahagi na kami ng palaruan ng tumigil si Yra at nagtago sa ibaba ng isang malaking puno.

Sinundan ko sya at tumabi sa kanya.

*tug tug tug tug*

Hala?!

May sakit kaya ako sa puso? Lumakas ang tibok ng puso ko

Hinawakan ko ang dibdib ko at tumingin sa nagtatakang mga mata ng batang katabi ko.

Walang iba kundi si Yra.

"S-sino ka?" Tanong nito

Di ko mapigilan ang ngiti na pilit kumakawala sa mga labi ko

Mas maganda sya sa malapitan.

"Ako si Vincent Portugal! Vince na lang!" Sabi ko at inilahad ko ang kamay ko sa kanya habang nakangiti parin

Sya na ma'y nanatiling nakayingin sakin nang may pagaalinlangan

Kinakabahan ako.

Matakot kaya sya sakin

Baka tumakbo sya

Ngunit pilit kong ipinagsawalang bahala ang mga ideya na pumapasok sa isip ko.

Ngumiti si Yra at hinawakan ang kamay ko

"Ako naman si Yra Centeno"

Di ko mapigilan na matuwa dahil sa wakas nakilala namin ang isa't- isa

Lumipas ang panahon at nanatili kaming magkaibigan.

Lagi akong pumupunta sa lugar nila pagdapit hapon na para makipaglaro sa kanila.

Lahat sila ay naging kaibigan ko.

Ngunit ang saya na dulo ng paglalaro ay naudlot.

Hindi dahil sa lumalaki na kami at nagkakaisip kundi dahil kailangan na naming umalis.

Umalis ako ng lugar namin at di ko nagawang magpaalam kay Yra.

Sapilitan kasi akong dadalhin ni Tito Jun sa Maynila nang mamatay si Nanay.

Wala akong nagawa.

Ngunit naiwan ko naman ang puso ko sa lugar na iyon.

Kay Yra.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Name Is Vincent PortugalWhere stories live. Discover now