Chapter 10 - Ulan

182 10 0
                                    

G/N: 😀 🌧☔

---

Chapter 10

Sofia Ris POV

Hindi na virgin si Alessandro.

Kung status seguro sa Facebook ang relationship niya malamang comflicated ang nakalagay dun. Totoong napaka komplikado ng love life niya.

Akala ko ba conservative ang mga tao noong unang panahon? May buntisan palang nangyayari. Sumakit ata ulo ko.

Pero kung hindi si Alessandro ang totoong daddy ng batang ipinagbubutis ni Perla.. sino kaya yun?

"Grabehan naman ng kwento ng love life mo, Alessandro," komento ni Rihanna. "Sobrang pagmamahal na 'yan."

Ngumiti ng mapait si Alessandro sa kanya. Ang lungkot ng mga mata nito.

"Ang labis pag-ibig ay hindi magandang pag-ibig," tugon niya.

"I agree," biglang singit sa usapan ni tadhana ng walang forever. Pero hindi na ito tunog nagloloko ngayon. Seryoso at parang nagbabala pa ito. "Ang pagbibigay ng sobrang pagmamahal ay delikado," dugtong niya. "Kaya wala talagang forever sa love."

Walang forever sa love.

Mas bitter pa nga ang isang 'to.

"Hey.. walang forever," tawag ko sa kanya. " Pwede bang paalisin mo na kami at ibalik mo na si Alessandro kay Mahalina? What do you need ba?"

Ilang segundo bago ito sumagot.

"Alessandro," salita uli nito. Ang lalim ng boses niya ha. Napaangat naman ng tingin si Alessandro at naging alerto ito. "Tandaan mo, hindi ako makakapayag na makakabalik ka sa irog mo. Dahil si Mahalina ay walang balls. Mahina siya at ayaw maniwala sa 'yo. Tama lang na nagkahiwalay kayo. Walang forever sa mga taong sumusuko. Kaya nandito ako para sa inyo."

What the? Is she really for real?

Walang balls daw?

I just hope this is not a sort of prank.

"Ano ba ang iyong pakay tadhana?" Napakuyom ng kaliwang kamao si Alessandro. Mukhang nagpipigil ito ng galit niya. "Ako'y gusto ng umuwi upang makasama na si Mahalina. Nais ko na siyang mayakap at maipaalam sa kanya ang katotohanan. Sabihin mo sa akin ang iyong nais, tadhana. Ako'y nakikisusap sa 'yo."

"Na ah. Wala kang dapat gawin Alessandro. Ang lahat ng ito'y nakatakda na sa iyong palad."

"Iyan ay isang kasinungalingan!" sagot agad nito. Napalunok ako sa biglang pagsigaw nito. Mukhang sasabog na itong si Alessandro ah. Mygad. Lumapit naman si Rihanna sa akin at humawak sa akin. Dalawa na silang nakahawak sa akin. "Kung ako lamang ang kailangan mo, ako na lamang din ang dapat mong pakialaman. Nakikiusap akong 'wag mong idamay sa gulo ang mga binibini."

"Alessandro. Alessandro. Alessandro."

Naramdaman kong mas humigpit pa ang hawak ni Alessandro sa 'kin pero hindi naman ganun ito kasakit.

"FYI lang ha. Hindi pa kayo nagkakakilala ng babaeng hawak mo ay nakatakda na kayong magkitang two."

What? Kami ni Alessandro?

Nakatinginan kami ni Alessandro pero ako na ang unang umiwas at tumingala. I don't have any idea of where the hell that crazy tadhana ng walang forever is hiding. She seems enjoying this. Arg! Kainis.

"Hey!" Hindi ko mapigilang magsalita. Dinamay ako sa usapan eh. "Ano naman ang kinalaman ko sa d'yan, aber? Anong ibig mong sabihin? Stop toying us!"

My Love From 70'sWhere stories live. Discover now