Chapter 3 - Campus Queen

293 15 2
                                    

Chapter 3

Sofia Ris POV

Kanina pa ako pa lakad dito sa kwarto. I'm still thinking about what happened kanina. Ano ba ang ginawa ko? Baka nakapatay na ako.

"Yeah, nakapatay ka nga Sophia Ris. Humihinga pa nga 'yong tao diba?"

Baliw na ata ako.

Kinakausap ko na ang sarili ko.

Si mom nalang daw kasi bahala sa lalaking nasagasaan ko. Kinakausap pa kasi niya ang private doctor namin. Sabi naman niya, wala naman itong sugat sa katawan. That's why I have nothing to worry about.

Hindi na ako makatiis kaya naman pinuntahan ko na sina mom sa kabilang kwarto. Papalabas na ang doctor namin at nakita kong nag paalam na ito agad sa kanya.

"Mom," tawag ko sa kanya. "Ano ang sabi ng doctor? Is he okey? Am I going to jail? Mawawala na ba ang social life ko? Party? Music and school? Hindi na ba kita makakasama kailaman?"

Naghihisyerya na talaga ako dito.

Hindi ako sanay sa mga ganitong pangyayari.

Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Isa pa ayoko maging kriminal. Imagine mo nalang na magkaka record ako at hindi ako matanggap sa trabaho agad dahil nga kriminal ako.

May sariling business pala kami.

Ba't ko nga ba inaalala 'yon?

Tumawa naman si mom habang tinitingnan ako. Napasimangot nalang ako dahil kanina pa ako natataranta dito tapos siya tatawanan lang ako.

"Relax, sweetie, " nakangiti niyang sabi. "I told you not to worry. The doctor said that he is fine. Wala naman daw siyang bali at sugat. We will just wait him to wake up."

Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Thank goodness," sagot ko naman. "Akala ko talaga kung napano na siya."

Pumasok agad ako sa kwarto niya at tiningnan ito. Mahimbing itong natutulog. Nakasunod naman si mom sa akin.

"Palagay ko hindi naman siya masamang tao." Lumingon naman ako kay mom ng nakakunot nuo. "Don't get me wrong, sweetie. Nararamdaman ko lang na mabait ito. If ever he is a bad guy or what, we have our security team para seguraduhin ang safety natin. We have nothing to worry. He is in our territory."

Hindi naman 'yon ang iniisip ko.

Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nasa madilim na parte siya ng lugar na 'yon. Isa pa sa napansin ko ay ang kanyang suot.

He is wearing dirty white barong at itim na trouser.

Para siyang sinaunang tao na umatend sa isang party. Ganitong ganito 'yong mga nakikita kong kasuotan dati sa mga picture na pinakita sa amin ng history teacher namin.

Kulang nalang kabaong dahil nakatuwid itong nakahiga.

But I won't deny the fact that this guy is the definition of TDH and V. Tall, Dark, Handsome and Vintage.

"I hope he is, pero mom hindi ba kayo nagtataka?"

"Nagtataka saan?"

"Kung ano ang ginagawa niya sa madilim na lugar na 'yon." Tinuro ko naman ang suot niya. "And look what he is wearing.  Sobrang makaluma. Baduy. Kulang nalang kabaong sa kanya."

Pinandilatan naman niya ako ng mata pagkasabi ko nun. Totoo namang kulang nalang kabaong sa lalaking ito.

"Sofia Ris" sita nito sa 'kin. Nagpeace sign lang ako. "Hindi dapat ganyan,  ha? Malay mo umatend lang ng party o baka biktima ng masasamang tao at iniwan siya dun. Tapos nagkataong napadaan tayo."

My Love From 70'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon