Chapter 7 - TV

238 11 1
                                    

G/N:  Mahal mo parin ba? 😁

HAHAHAHAHA.. 😝

---

Chapter 7

Sofia Ris POV

Ilang taon na rin ang nakakaraan simula ng iniwan kami ni daddy. Puno pa ng tawanannat lambingan sila ni mommy ng mga panahon na yun.

Ang ideal ng pamilya namin.

Kung magtatalo man silang dalawa, yun ay dahil lang sa 'kin. Sa pagiging spoiled ko.

Si mommy kasi may pagka-strict, si daddy naman hindi. Kaya mas nagkakasundo kami dati.  Binibigay niya ang mga gusto ko.

"Dad, don't forget my white and brown food ha," sabi ko sa kanya. White at brown food ang tawag ko sa mga chocolates na pinapabili ko sa kanya. Favorite ko kasing pasalubong. "Tapos  mga human size po na stuff toys, dad."

"Syempre naman. Ang baby ko talaga. Ikaw kaya ang paborito kong anak."

Ginulo niya ang buhok ko saka pinisil ang pisnge. Lagi niyang ginagawa sa akin 'yon kapag natutuwa siya. Umupo muna ito sa sofa habang inaayos ang gamit niya. May business meeting daw kasi silang dadaluhan abroad.

"Dad naman, ako lang kaya ang nag iisa niyong anak," nakanguso kong sagot para pigilang ngumiti. "Isa pa, I'm no longer a kid na dad.  I'm already 13 diba po. May crush na nga po ako eh."

"Really? May crush na ang baby ko?"

"Yes, dad. Atin atin lang 'to ha?" Nilagay ko ang hintuturo ko sa bibig ko at hinanaan ang boses. "Actually may crush din siya sa akin. Nanligaw pa nga pero hindi ko siya sinagot baka kasi magalit si mom. Quiet ka lang dad ha, baka malaman ni mom. "

My Love From 70'sWhere stories live. Discover now