Chapter 4 - Not A Cheater

302 14 1
                                    

Chapter 4

Sofia Ris POV

Kailan ba ako tatantanan ng pag-ibig na 'yan. Naiinis na ako ha. As far as I could still remember this subject is Philippine history and not about love.

This class is really boring. Kung ano ano nalang ang naiisip ng teacher namin.

"Maari ko ba kayong tanungin kong anong pumapasok sa isipan ninyo kapag naririnig ang salitang 'Love...'?"

Naghiyaan naman ang mga kaklase ko. Mukhang kinilig pa. Basta 'pag love talaga ang topic nabubuhay agad ang dugo nila.

Kinuha ko nalang ang phone ko at nag laro ng zuma. Kung pwede ko lang tirahin ng bola ang mga mahaharot na kaklase ko. Ginawa ko na.

"Sige nga binibining Ashley, maari mo bang ibahagi sa buong klase ang iyong nalalaman sa salitang aking nabanggit. Ano ba ang Pag-ibig para sa iyo?"

Napangiwi ako.

Ipatokhang ko kaya itong prof namin sa mga Guardian? Tss.

Ipinagpatuloy ko ang paglalaro ng Zuma. Hindi ko talaga gusto ang topic.

"For me love is fashion, dress, catwalk, make ups and everything about beauty," sagot nito. Ashley pala ang pangalan ng girlfriend ni Brian. Nilingon niya muna ito bago binalik ang atensyon sabprof namin. "Dahil kasi sa ganda ko kaya nabihagi ko ang puso ng honeybee ko, ser. Hindi kagaya ng iba diyan, ang boring na tingnan boring pa kasama."

Ohh.

Napataas ako ng kilay.

Nagpaparinig pa ata ang gaga. At ano raw? Make up? Mga pampagaganda? GGSS ang hitad. Nilingon ko si Rihanna. Nakayuko lang ito at hindi kumibo.

"Napakagandang sagot," puri ng prof namin sa kanya. "Tama nga naman na dapat kaaya-aya tayo sa mata ng ating mga sinisinta. Ito'y hindi lang para sa sarili natin kundi para na rin sa nakikita nila. Maari rin tayong makapagbigay inspirasyon sa iba kahit sa simpleng bagay na yaon. Nagagalak akong marinig mula sa'yo ang mga iyon binibining Ashley."

Ngumiti naman itong si Ashlelong sa kanya. If I know binigyan lang ng buhay nito ang sagot niya.

Nagtaas naman ng kamay si Rihanna sa tabi ko. Hindi rin papatalo? Aba ayos 'to. The battle of past and present.

"Ikinagagalak kong malaman ang iyong kasagutan binibining Rihanna. Maari mo na itong ibahagi sa buong klase."

Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.

"Love for me is about letting go. Letting go not because you are giving up but because that someone is no longer happy being with you. Masakit man isipin but if it is the right thing to do, then you have to set that person free. It's like... making someone happy."

Making someone happy?

Pero bakit maraming umiiyak dahil sa love?

Naghiyawan naman ang mga kaklase namin. Ang lakas makahugot din kasi ng babaeng ito. For sure it's from her own experience.

"Napaka makabuluhan ang iyong sinabi binibining Rihanna. Tama nga naman, ang pag ibig ay hindi lang pag-angkin kundi ay pagpapalaya sa taong minamahal mo.  Kahit pa ay ikaw mismo ang masasaktan sa desisyon mo. Magaling. Sang-ayon ako sa iyong turan, binibini."

Napansin ko naman na nakatitig si Brian sa kanya. Hindi niya seguro aakalain na ganun ang sasabihin ng kaibigan ko. Agad din naman ito nag iwas ng tingin sa kanya pagkatapos.

Is there a chance between the two of them?

Para kasing nasasaktan ito sa sinabi ng kaibigan ko. I don't know the real story ha, ang alam ko lang ay pinagpalit niya ito sa ibang babae. Tapos itong si Rihanna, bilang isang sensitive na nilalang ay syempre nasaktan talaga.

My Love From 70'sWhere stories live. Discover now