Fangirl's Happiest Day

Magsimula sa umpisa
                                    

Nangiti si Philly. Umiling. "Hindi kaya," sagot nito. "Minsan nga akala ko, in love na ako kay Ram Gonzales. Pero habang tumatagal, natatanggap ko naman na isa lang akong tagahanga at siya ang idol ko. Pero kahit malinaw sa akin 'yon, kinikilig pa rin ako sa kaniya."

"So, sa tingin mo, hindi 'love' ang nararamdaman ko? Paghanga?"

"Depende. Kasi iba naman ang meaning ng 'in love' sa 'love.' Kasi ako, hindi man p'wedeng ma-in love kay Ram pero p'wede ko pa rin siyang i-love."

Mayamaya ay may kumatok sa pinto at bumukas iyon. Ang mommy nila. "Ghelo, narito na ang inihanda mo," sabi nito sabay lingon na may sinisenyasan na tumuloy.

"Feliz compleaños, Señorita Philly!" Bumungad ang isang kumpol ng balloons at birthday cake na kapuwa dala ng isang --

Napasinghap si Philly pagkakita sa sumilip na may dala ng mga iyon. Inalalayan siya ni Ghelo na maupo.

"Zorro?" halos magkasabay na nasabi ng magkapatid.

Natawa si Philly na naiiling. Napakamot-ulo naman si Ghelo na todo ang pagkakunot-noo, nakatitig sa naka-Zorro costume na walang iba kundi ang inutusan niyang mag-organisa ng surpresang ito na si Malik. Sumagi sa isip niya ang pag-uusap nila sa opisina:

"Ready na lahat, Sir Ghelo. May maganda na po akong tema para sa surprise birthday throw ninyo sa kapatid ninyo."

"May I know what?"

"Alam ba ninyo, sir, kung sino ang favorite hero ni Philly?"

Bahagya pa niya itong tinaasan ng kilay dahil sa pagtawag sa first name ng kapatid niya na para bang close friends ang mga ito. Tumango siya saka sumagot, "Of course, I know everything about my sis. It's--"

"Zorro," sabay pa nilang sabi.

Tinapunan niya ng nagtatanong na titig ang kausap.

Ngumiti ito na naiilang saka nagpatuloy, "Nag-stalk kasi ako sa Facebook ng kapatid ninyo at nabasa ko na paborito niyang character si Zorro. Kaya ang plano ko, gamitin natin iyon. Since sabi ninyo, sir, na hindi na ninyo gusto ang idea na pakiusapan si Ram, or i-invite natin siya as talent dahil parang kaplastikan kaya..."

Bumalik siya sa kasalukuyan.

Job well done, Malik! naibulong ng isip ni Ghelo habang nakatitig siya sa ngiting-ngiti na si Philly.

"Happy birthday, Phinas," bati niya.

"Happy birthday, 'Nak." Hinalikan ito sa magkabilang pisngi ng mommy nila.

Binitiwan ni Malik -- a.k.a. Zorro -- ang lobo at hinayaan iyong lumipad sa mababang ceiling ng silid na iyon. Sinindihan nito ang kandila sa birthday cake habang kumakanta ang lahat ng "Happy Birthday to You."

"Make a wish, Señorita," sabi ni Malik.

"Una sa lahat, thank you, Kuya Ghelo. Sana 'wag kang mapagod sa pag-aalala mo sa amin ni Mommy. And to you, Zorro. Salamat sa effort."

Pumikit si Philly saka ngumiti. "Thank you, God. Wishing for more happy birthdays with Mommy and Kuya. And, sana i-surprise din ako ng idol kong si Ram tulad ni Zorro. Promise, hindi ako aatakehin sa puso." Nag-blow ng candle.

Between the Stars (RE-WRITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon