“At this hour?” kunot noong tanong ng babae.

“Yes.” Tipid na sagot ng huli.

“Why?” tanong muli ng babae. “We can call him and fetch the item for tomorrow? What’s with the sudden rush?” puno ng kuriosidad na tanong ng babae bago naupo sa harap ng table ni Mr. D

“A big offer came in and it’s a good deal.” Paliwanag ng doctor bago sinimulang isiwalat ang naging pag-uusap nila ni Madison Beech, ang babaeng isa ngayon sa pinaka-iniingatang costumer ng kompanya.

“What do you mean?” tila naguguluhang tanong ng babae.

“I’ve talked to a possible costumer who are willing to pay twice and even thrice the usual amount of the robots here.” Paliwanag ng lalaki na syang mas nagpagulo sa babae.

“Then? What is the connection of this prospect buyer to buyer 804?” tanong ng babae, humihingi ng suporta sa ideyang tumatakbo sa isip nya ngayon.

“She wants Mr. Montrose.” Pagkukumpirma ng doctor na sya namang ikinagulat ng babae.

“Isn’t it an act of betrayal to buyer 804’s part?” hindi makapaniwalang tanong ng babae dahil hindi niya inaasahan na maski ang kanilang mga buyer ay isasama na rin nila sa kanilang experiments at maski sa kanilang business.

“We won’t let him know.” Tila walang paki-elam na tugon ng lalaki.

“We won’t let him know?” hindi makapaniwalang tanong ng babae. “How can we do that kung sya ang pag-eeksperimentuhan mo? How can you execute this plan discreetly?” sarkastikong tanong ng babae. “You must be kidding me, Cley.” Usal ng babae na sinundan ng mahinang pagtawa.

“We’ll call him again later after the team we’ve said get experiment 124AC. We can simply play a trick on him para mapapunta sya rito sa office then, we can trap him inside and do our plan.” Plantsyado nang pahayag ng lalaki na umani naman ng di pagsang-ayon sa babae.

“Hindi ko naisip na aabot tayo sa ganito, Cley.” Pahayag ng babae. “I lured him to get here, yes. But I only introduced him to MAC in able for him to satisfy his needs which is our goal here and also for us to get in to business, to gain money. A total win-win for both of us but, what’s this?” hirap magpaliwanag na usal ng babae.

“I didn’t anticipate this to happen too, Jeca. But, what can I do? It is a big deal. I can’t say no. It worth hundreds of millions or even billions.” Maaliwalas ang bukas ng mukha ng lalaki nang kanya itong iusal.

“Billions for us but what about buyer 804?” muling tanong ng babae, tila pilit ipinapa-intindi sa lalaki na mali ang kanyang gagawin.

“A better life with his new owner?” patanong na sagot ng lalaki, tila nauubusan na ng pasensya dahil sa kakulitan ng babae.

“But—“ hindi na natapos ng babae ang dapat nyang sasabihin ng tumayo mula sa pagkaka-upo ang lalaki.

“No more buts, Jeca. I already said yes. There is no turning back now.” They man said before going out of his office.

---

[ the current day from Kean’s last POV ]

Kabadong napatakbo ang babae ng makarinig ng putok ng baril sa kwarto kung saan naroroon si Kean.
Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay isa pang putok ng baril ang umalingawngaw. “CLEY!” hiyaw niya bago nagmamadaling tumakbo palapit sa kinaroroonan ng lalaki.

Napahinto ang babae dahil sa gulat at napatutop na lamang sa kanyang bibig ng makita na bumagsak ang katawan ni Kean sa sahig, duguan at walang malay.

For Sale: Bed Warmer (COMPLETED)Where stories live. Discover now