C'est la vie (Jicheol story)

28 0 0
                                    

*Third person's PoV*

"Welcome back Woozi"

Dala dala ang kanyang bagahe masayang sinalubong ni Woozi ang pamilya at kaibigan niyang sumundo sa kanya sa airport.

Galing ng USA si Woozi dahil dun siya nag aral at nag training para maging isang professional Singer. Matagal ng pangarap ni Woozi ang maging singer kaya ng makakita siya ng chance ay kinuha na niya ito.

~~~~~~~~~~~~~~~~~
*Kring Kring Kring*

"Yeoboseyo?"

"Nabalitaan mo na ba?" sabi ng nasa kabilang linya

"Ang alin?"

"Bumalik na si Woozi"

"Ah! Hmm Ne nabalitaan ko nga" walang ganang sagot nito sa kabilang linya.

"Wala ka bang balak mangamusta? Matagal mo din siya hinanap at hinintay."

"Magpapakita din ako sa kanya pag hindi na ko busy sa trabaho ko. Sige may gagawin pa ko tatawagan na lang kita mamaya Gyu" sabi nito at binaba na yung call.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kasalukuyang nag aayos ng gamit si Woozi sa kwarto nita ng makita niya sa loob ng maleta niya ang isang picture frame.

"It's been a long time Cheol" sa hindi maipaliwanag na dahilan nakaramdam ng lungkot si Woozi ng titigan niya ang picture nilang dalawa ni Cheol.

Pinahid muna ni Woozi yung luhang pumatak sa mata niya bago niya ito nilagay sa desk na malapit sa kama niya at tinuloy ang pag liligpit ng gamit.

______________________________________

|•Kinabukasan•|

"OW LADYYYY*

Isang malakas na sigaw ng kaibigan ni Woozi ang nag pagising sa kanya.

"Augh Seungkwan what the?" iritang pag rereklamo nito sa kaibigan pero tinawanan lang siya nito.

Kasama ni seungkwan ang dalawa pa nilang kaibigan na si Jun at DK. Ang tatlong childish sa magkakaibigan.

Ng araw na yun ay nag yayang mag mall sila DK dahil na miss daw nilang ka bonding si Woozi pero ang totoo my isa pang dahilan bat nila ito niyaya dahil gusto nilang magpalibre.

Kasalukuyang nag lalaro sa arcade ang magkakaibigan ng biglang makaramdam ng gutom si Seungkwan.

"Guys I'm hungry" may pagkamaarteng pagkakasabi nito.

"Kelan kaba hindi na gutom?"Asar sa kanya ni Jun kaya naman na uwi ang dalawa sa Hampasan.

Natigil lang ang mga ito ng biglang mag ring yung cellphone ni DK. Nagpaalam muna si DK na lalabas muna siya para sagutin yung tawag. kaya naman natira na lang ang tatlo si Woozi na ang nag awat sa dalawa dahil naghampasan pa din sila ng umalis si DK.

"Para paring kayong bata Kelan ba kayo mag mamature?" Woozi

"Pssh" sabay na sabi na lang ng dalawa.

"Kamusta na kayo ni Cheol? " out of nowhere na tanong ni Jun na nagpatigil kay Woozi.

Medyo matagal bago makasagot si Woozi sa tanong ni Jun.

"Amm hindi pa kami nag uusap eh" akward na sagot na lang nito.

"Napaka ano mo kakauwi lang ni Woozi kahapon tas yan agad tinanong mo my gad Jun SO , SO GENIUS" may pagka sarcastic na sabi nito kay Jun kaya naman nagtawanan sila maliban kay Jun.

SVT SHIPS AuWhere stories live. Discover now