Kabanata IV

114 23 1
                                    

Lumipas ang ilang linggo mas naging madalas ang pagsulpot ng dalaga sa panaginip ng binatang si Andrew. Napatunayan na niya na ang lahat ng nagaganap sa kaniyang panaginip ay nangyayari rin sa realidad.

Hindi nga ito makapaniwala sa mga pangyayari sa nakalipas na ilang linggo sa kaniyang buhay. Ngunit hindi niya mawari kung bakit ang panaginip lang sa dalaga ang nangyayari sa realidad. Samantalang ang iba niya naman na panaginip ay hindi nangyayari sa realidad.

Natutuwa man siya na ang panaginip tungkol sa dalaga ang nagiging totoo, mas nananaig pa rin sa kaniya ang pagtataka kung bakit ito nangyayari sa realidad. Labis na naguguluhan ito kahit na ano pa ang gawin niya para unawain ang nga nangyayari.

Hindi rin siya makapaniwala na magkakilala na sila ng dalaga. Sa bilis ng mga pangyayari sa loob ng ilang linggo naging magkaibigan na ang dalawa. Madali silang nagkasundo dahil sa pagkakaparehas sa maraming bagay.

Naalala niya pa noong una nilang pagkikita ng personal. Hindi niya nga alam kung anong ang kaniyang gagawin dahil sa pagkataranta at hiya sa dalaga.

Flashback

Napagdesisyunan ng binatang si Andrew na puntahan ang parke kung saan niya laging napapanaginipan ang dalaga. May kung ano kasing nagtulak sa kaniya na dalawin ngayon ang parke na ito at umaasa na rin itong tuluyan niya nang makikita ang dalaga.

Nasilayan na niya ang maganda nitong mukha kung kaya't hindi na siya mahihirapan pang mahanap ang dalaga.

Nang makarating na ang binata sa parke ay tumayo ito sa pinaka gitna bahagi ng parke. Ipinikit nito ang kaniyang mga mata upang lasapin ang sariwang hangin na tumatama sa kaniyang balat.

Walang katao-tao sa lugar kung kaya't napakatahimik ng buong lugar. Tanging maririnig lang ang huni ng mga dahon na sumasabay ang paggalaw ng malakas na hangin.

Nakapikit itong umikot-ikot na parang isang batang ngayon lang nakalabas ng kanilang tirahan. Dahil sa sarap sa pakiramdam ng ginagawa ay hindi man lang  naramdaman ng binata ang presensiya ng taong padating na kanina pa siya pinagmamasdan at inoobserbahan ang kaniyang ginagawa.

Hindi naman natiis ng bagong dating na tumayo na lang at panoorin ang binata. Napangiti na lang ito habang nakatingin sa gawi ni Andrew. Unti-unti na itong lumapit sa pwesto ng binata at ginaya ang ginagawa nito pag-ikot.

“Woahhhhhh,” hindi napigilan ng bagong dating ang mapasigaw dahil sa kaligayahan. Ngayon lang niya naranasan ang ganito. Sobrang gaan ng kaniyang pakiramdam.

Naidilat naman ng binata ang kaniyang mga mata. Hindi inaasahan ang mga ngiting sumalubong sa kaniya mula sa taong hindi niya inaasahang kaniya rin masisilayan. Ang babaeng matagal niya ng gustong makilala.

Ilang buwan na rin ang nakalipas simula ng makita niya ang dalaga sa kaniyang panaginip. Namangha siya sa taglay nitong ganda.

Hindi naman malaman ng binata  ang gagawin, kung babatiin ba ito o nginitian.

Natataranta na ito at sa huli napagdesisyunan niya na suklian ang matamis na ngiti ng dalaga. Hindi niya rin naman alam kung anong sasabihin sa kaharap kaya sa ngiti niya na lang ito idinaan.

Hindi niya napigilan mapatitig sa maganda nitong mukha iniisip na sana hindi lamang ito isang panaginip. Kung isa lang itong panaginip ay ayaw ma niyang magising pa.

Gusto niyang makilala pa ang dalaga ngunit inabutan siya ng hiya. Tumigil na silang dalawa sa pag-ikot at parehas pang habol hinga.

“Hello,” bati ng dalaga kay Andrew.

“Ha? Hi,"hindi pa rin makapaniwala ang binata na abot kamay niya na ang babaeng sa panaginip niya lang nakilala at ang babaeng unti-unting bumihag sa kaniyang puso.

DREAMS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon