Kabanata III

118 25 2
                                    

Sa pagsapit ng dilim kasabay ang pagpikit ng mga mata ng binata. Muling nasilayan ang imahe ng isang dalaga na laging gumugulo sa kaniyang isipan. Ang babaeng ito ang patuloy na pumapasok sa simple niyang buhay.

Paglalim pa lang ng kaniyang pagtulog ay tumambad sa kaniya ang pamilyar na kapaligiran. Walang iba kundi ang maliit na playground kung saan nagsimula niyang makita ang dalaga. Maraming bagay ang hindi niya maipaliwanag, kung bakit ang panaginip ay nangyayari sa kasalukuyan.

Sa mga nakalipas na araw ay hindi nawala sa isipan ng binata ang dalagang sa panaginip lang niya nasilayan. Sa tuwing sasapit ang gabi ay nagmamadali na ito sa pagtulog, umaasa na makita muli ang dalaga. 

Ngayon ay umaasa ito na makita ang dalaga sa kaniyang panaginip. Nagdarasal na masilayan na ang mukha ng dalaga upang ito ay tuluyan niya ng makilala. Tanging ngalan nga lang nito ang nalalaman niya sa dalaga.

Nakatayo lamang ang binata malapit sa duyan. Ilang minuto lang siya nanatiling nakatayo kung kaya't napagdesisyunan naman nito munang umupo sa damuhan. Wala pa rin dito kahit ang anino ng dalagang lagi niyang napanaginipan.

Hindi niya mawari kung bakit sa tuwing natutulog siya ay laging sumusulpot ang babae sa kaniyang panaginip. Sa bawat paghimbing ng kaniyang tulog ang playground ang nagiging laman ng kaniyang panaginip.

Hindi man maunawaan ang mga nangyayari ay pinipili niya pa rin na magpatuloy at kalimutan ang takot.

Ngayon ay nangingibabaw sa binata ang saya sa tuwing nakikita ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit iba ang kaniyang nararamdaman sa tuwing nakikita niya ito sa kaniyang panaginip. Bigla na lang bumibilis ang tibok ng kaniyang puso na parang may nagkakarera sa loob nito.

Ilang araw na nga rin nito hinahanap ang dalaga sa kanilang paaralan, ngunit lagi naman nabibigo ang binata. Muli pa nga itong bumalik sa kung saan niya nasaksihan ang muntikang pag-amin ng dalaga, umaasa na makikita niya ito roon. Paulit-ulit lang siyang nabibigo sa paghahanap sa dalaga.

Humiga na muna siya sa damuhan at na pangiti ng maalala ang kalokohan kaniyang ginawa noong magkausap ang dalaga at ang lalaking gusto nito.

Nagmumuni-muni lang muna ang binata hanggang sa siya ay tuluyan ng antukin. Hindi niya naman namalayan na unti-unting pumipikit ang kaniyang mga mata. At sa pagpikit ng kaniyang mata ay ang biglang pagdating ng dalaga kay tagal niya ng hinihintay.

Sa huli, hindi niya nasilayan ang mukha nito. Nawala ang pagkakataon niya na makilala pa ang dalagang nagpapagulo sa kaniyang puso at isipan.

Ringggggg...Ringggggg..

Nagising siya sa malakas na tunog ng kaniyang alarm clock.

Napakunot na lang ang noo niya ng maalala niya na nakatulog siya sa kaniyang panaginip.

“Maaari rin palang antukin sa panaginip.” He said. Napailing-iling na lang ito at inayos ang sarili.

Nakaramdam naman  siya ng lungkot ng maisip na hindi niya nakita ang babae sa kaniyang panaginip.

Nakakaramdam siya na parang may kulang sa kaniyang araw. Tinatamad tuloy siya na bumangon sa kaniyang higaan. Gusto niya na lang ulit ang matulog, nagbabakasakali na masilayan na niya muli ang mukha ng dilag.

Tamad na tamad naman itong bumangon at parang tinakasan ng enerhiya para gumalaw.

“Peste! Baka dumating siya kaso tulog lang ako. Bakit kasi ako natulog?” Patuloy pa rin ito sa pakikipag-usap sa sarili niya. Para na itong nababaliw habang kausap ang kaniyang sarili.

Napabalikwas nang bangon ang binata at inis na sinabunutan ang kaniyang buhok. Inis na inis siya sa kaniyang sarili dahil sa pag-iisip niya ng kung ano-ano.

Napilitan na lang siyang mag-ayos ng sarili dahil inalala niya rin ang kaniyang pag-aaral. Ayaw naman niyang bumagsak ang mga grado niya dahil siguradong mapapagalitan siya ng strikto niyang ina.

Julliene Coleen's POV

Isang panaginip, kakaiba ito sa lahat ng mga panaginip na aking naexperience.

Hindi ko inaasahan kung ano ang nakita ko sa panaginip ko.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos sa aking pagtulog ay lagi kong napapanaginipan ang isang playground na matatagpuan malapit kung saan ako nakatira.

Nagtataka na nga ako kung bakit yun lagi ang nasa panaginip ko. Hindi naman ako madalas tumambay doon simula nung bata pa ako. Hindi rin naman kasi ako palalabas noong ako ay bata. Napaka weirdo lang na mapanaginipan ko ito.

Ang mas weirdo pa ay ang huli kong naging panaginip. Nasa playground ako at may lalaki akong nakita na natutulog sa may damuhan.

Nilapitan ko pa ito at natawa naman ako sa hitsura nitong lalaki. Nakanganga pa kasi ito at tulo pa ang laway. Mukhang sarap na sarap pa nga ito sa pagtulog.

Ang weird talaga panaginip na nga ito ay may natutulog pa akong nakita.

Napakunot na lang ang noo ko ng bigla kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Napahawak na lang ako sa aking kaliwang dibdib. Dinama ko ang aking dibdib at sobrang bilis talaga ng pagtibok nito. Napatitig ako sa mukha ng lalaki at hindi ko na maiwasan na mas titigan pa ito.

Sa pagtitig ko sa mukha ng lalaki ay mas lalo pang bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko alam pero napangiti na lang ako sa hindi malamang dahilan.

“Sino ka ba?”

Ngayon ko lang naranasan ang ganito kabilis na tibok ng aking puso. Hindi kasi ganito tumibok ang puso ko sa tuwing kasama ko si Cade. Alam ko na may gusto ako kay Cade, pero bakit hindi ganito ang aking nararamdaman.

Tinitigan ko lang ito ng mabuti. Matangos ang ilong, may makapal na kilay, mahaba ang pilikmata at manipis ang mga labi. Sa isang salita lamang ay guwapo ang binata. Hindi ko maitatanggi na ang mga ganitong uri ng lalaki ang aking tipo.

Hindi gaanong malaki ang katawan nito pero mahahalata na ito ay matangkad. Pero higit sa lahat ang  nagugustuhan niya sa isang lalaki may takot sa Diyos.

Hindi niya inalis ang tingin sa mukha ng binata animo'y sinasaulo ang hitsura ng kaniyang lalaking kasalukuyang natutulog.

Sana makita kita at makilala pa.

Umupo na lang ako sa tabi ng binata na natutulog sa damuhan. Habang tumatagal ay hindi ko na napigilan pa na haplusin ang mukha ng binata. Parang may enerhiya kasi na humihila sa akin na haplusin ang guwapong mukha nito. Napangiti na lang ako habang patuloy na hinaplos ang mukha ng binata.

Nang magising ako ay hindi na maalis ang ngiti sa aking mga labi. Naging masaya ako nang makita ang binata. Hiling ko rin na sana ay muli kaming magkita at hindi lamang sa isang panaginip.


“Sino ka ba?Iba ang epekto mo sa aking puso.”

Napatulala na lang ako sa kisame ng aking kwarto at muli na lang akong napangiti.







Itutuloy...

-Artasia_Aquila❤️

DREAMS (COMPLETED)Where stories live. Discover now