Kabanata II

180 29 0
                                    

Sa muling pagsapit ng gabi ay muli ng ipinikit ng binata ang kaniyang mga mata. Muling naglakbay ang sarili sa kakaibang mundo, sa mundo kung saan imahinasiyon ang uumiiral.

Sa paghimbing ng kaniyang pagtulog napunta nanaman ang binata sa isang pamilyar na lugar walang iba kundi sa playground. Ang playground kung saan niya nakita ang dalagang umiiyak. Ang dalagang hindi niya kilala ng personal ngunit iba ang epekto sa kaniyang pagkatao. Ang dalagang nagpagulo sa kaniyang isipan.

Nakatayo lang ito malapit sa pwesto ng duyan. Napili niya naman dito na pumwesto at maupo muna sa duyan kung saan una niyang nakita ang dalaga.

Umaasa at naghihintay lang siya sa maaaring mangyari. Umaasa siya na muli niyang masisilayan ang dalaga. Hindi niya na nga maintindihan ang kaniyang sarili, wala na siyang ibang inisip pa kundi ang muling makita ang dalaga maging sa panaginip o sa realidad.

Palinga-linga pa siya sa kaniyang paligid, naghihintay na may masilayan. Sa ilang minuto niyang paghihintay nakarinig siya ng mahinang paghikbi ng isang babae.

Dahil sa katahimikan ng buong lugar ay rinig na rinig niya ang mahihinang
paghikbi nito. Napatayo agad ang lalaki at napakunot ang kaniyang mata.

Dahil sa kuryosidad ng binata ay napagdesisyunan niya na hanapin kung saan galing ang mumunting paghikbi. Nilibot niya na ang buong playground at nagtagumpay nga siya na mahanap ang pinanggagalingan ng mahinang paghikbi.

Nagulat pa ito ng makita niya ang nakatalikod na isang pamilyar na pigura ng isang babaeng tandang-tanda niya na kahit sa maikling panahon niya pa lang itong nakikita. Hindi niya pa nakikita ang mukha nito ngunit kilala niya na ang likuran ng dalaga.

Ilang beses niya pa lang itong nakikita ngunit parang matagal niya na itong kakilala. Hindi man niya ito kilala ng personal, pakiramdam niya matagal na silang magkakilala nito. Naniniwala nga ang binata na tinadhana silang magkita ng dalaga. Nararamdaman niya ang kakaibang koneksyon sa dalaga.

Naniniwala siya na magkakaroon ng pagkakataon na muli silang magkikita.

Excited naman ang binata na lapitan ito ngunit napatigil ito ng makitang may kasama ito. Isang lalaking matikas ang pangangatawan, matangkad, chinito, at sa isang salita guwapo ito. Higit na mas lamang ito sa kaniyang kagwapuhang taglay.

Napasimangot na lang at napatigil na siya sa kaniyang pwesto. Hindi niya balak na maka-istorbo sa dalawa.

Alam niyang panaginip lang ito at hindi niya alam kung makikita ba siya ng dalawang taong nasa 'di kalayuan. Ngunit, gusto niyang masiguro na hindi siya makakaabala sa dalawa. Mahahalata kasi sa dalawa na magkasintahan ito.

Patuloy niya na lang pinanuod ang mga sumunod pa na mga pangyayari. Sinadiya niya na ring marinig lahat ng pinag-uusapan ng mga ito. Inisip niya na isa lamang itong panaginip kaya ayos lang ang makinig siya sa usapan ng iba.

Hindi rin ito makapaniwala na nagagawa niyang makinig sa may usapan nang may usapan.

"Mahal kita,Cade!" wika ng babaeng madalas niya makita sa kaniyang panaginip.

"Kaibigan lang ang turing ko sayo ,Coleen. Mahal ko ang kaibigan mo," saad ng lalaki at may bahid na ng inis sa tono ng pananalita nito.

Napangiti siya sa kaniyang sarili dahil ngayon alam na niya ang pangalan ng dalaga. Hindi man siya sigurado atleast may kaunti na siyang nalalaman tungkol sa dalaga. Unti-unti niya na itong makikilala.

Hiling niya lang sana na masilayan niya na ang mukha ng dalaga.

"Pero-- mahal kita," sigaw nitoumiiyak na ang dalaga.

Bigla naman nakaramdam ng awa ang binata para sa dalagang nagtatapat ng kaniyang nararamdaman sa ibang lalaki.

Gustuhin man niyang matuwa dahil nalaman niyang wala pang kasintahan ang dalaga ay hindi niya magawa. Ang sama naman niya tao kung ikatutuwa niya ang nangyayari sa dalaga.

DREAMS (COMPLETED)Where stories live. Discover now