Kabanata V

76 19 0
                                    

Sa paglipas ng ilang buwan, taon ay nagsimula ng ligawan ng binata ang babaeng bumihag sa kaniyang puso na sa panaginip lang nagsimula. Ang babaeng nagpatibok sa kaniyang puso sa loob ng maikling panahon.

Ang babaeng gumulo sa kaniyang isipan at nagpumilit pumasok sa kaniyang panaginip. Ang babaeng nagpatunay sakaniya ng salitang “Destiny. Natutuwa na nga ang dalawa sa tuwing inaalala ang mga pangyayari sa nakaraan.

Sobrang naging special sa kanila ng parke kung saan nagsimula ang lahat. Madalas nga sila na dumadalaw dito lalo na kapag may occasion silang icelebrate.

Nakagawian na nga nila ang linisin ang parke sa tuwing sila ay pupunta. Gusto kasi ng dalawa na maging malinis ang lugar na special para sa kanilang dalawa. Dito  kasi nabuo ang pagmamahalan nila na hindi nila inaasahan.

Halos tatlong taon na ngang magkasintahan ang dalawa. Naging mahirap man ang mga pinagdaanan nilang dalawa bago sagutin ng dalaga ang binata,ngunit hindi sumuko si Andrew sa panliligaw sa dalagang si Coleen. Doon napatunayan ni Coleen na tunay ang nararamdaman ni Andrew para sa kaniya. Kalaunan ay niya na rin ito at naging maayos naman ang kanilang naging relasyon sa loob ng tatlong taon.

Naging masaya ang dalawa at bihira ang magtalo. Naging mas kilala pa nila ang isa't isa, kung ano ang gusto o ayaw nila.

Nakangiting tinitigan ng binata ang papalapit na dalaga. Nang makalapit na nga ito ay hindi niya pa rin iniwas ang kaniyang tingin sa dalagang nasa kaniyang harapan. Wala siyang masabi sa taglay na kagandahan ng kaniyang kasintahan. Dati ay sa panaginip, ngayon ay nayayakap at nahahawakan na niya ito.

“Huwag mo nga kong titigan,”nakakunot noong saad ng dalaga. Nagsusungit man ito pero alam niya sa sarili niya na gusto lamang nito ng lambing.

“Pasensiya na mahal, hindi ko kasi mapigilan ang mapatitig sa sa iyo, hindi kasi ako makapaniwala na minahal mo ako.” Malapad ang mga ngiting gumuhit sa labi ng binatang si Andrew.

“Bakit naman? Nagagandahan ka nanaman sakin no? Alam mo naman ang ganda ko talaga,” gumuhit na rin ang malapad na ngiti sa mga labi ng dalaga.

“Pfttt. sino nagsabi sayong nagagandahan ako sayo? Assumimg ka nanaman mahal,” malakas na tumawa ang binata habang nakahawak pa sa kaniyang tiyan. Sumama naman ang hilatsya ng mukha ng dalaga. Bigla naman nakaramdam ng kaba ang binata siguradong nagtatampo na ang kaniyang kasintahan.

“Ewan ko sayo,”tumalikod na ito at maglalakad na sana ito palayo sa binata.

Nagulat naman ang dalaga sa biglaang pagyakap ng binata mula sa kaniyang likuran. Ibinaon pa nito ang ulo sa kaniyang balikat. Alam niya sa kaniyang isip na nawawala na ang kaniyang tampo sa kasintahan dahil sa pagiging malambing nito.

Panandaliang hindi ito nakagalaw dahil sa kanilang posisyon. Hinigpitan pa ng ni Andrew ang yakap kay Coleen. Palihim na lang din napangiti ang dalaga. Ganito ang nagustuhan niya sa binata, hindi nito hinahayaan na makaramdam siya ng tampo at agad siya nitong sinusuyo at nilalambing.

Kakawala na sana ang dalaga sa yakap ng binata ng mapatigil siya sa tinuran ng binata.

“Hayaan mo sana akong yakapin ka kahit sandali dahil hindi ko alam kung anong magiging resulta ng susunod kong gagawin. Baka hindi na kita ulit mayakap pang muli. Huwag mong kakalimutang mahal kita ha. Hindi natin alam kung ano ang susunod na mva mangyayari, hindi natin hawak ang ating buhay, at ang bawat oras na kasama kita ay napakahalaga.” tumulo na lang ang mga luha ng binata sa balikat ng dalaga.

Hindi naman maintindihan ng binata ang pagiging emosyonal niya. Bigla na lang kasi siyang nakaramdam ng kaba.

Hindi naman alam ng dalaga kung bakit may kakaibang kaba ang kumakawala sa kaniyang dibdib. Mas rumagasa pa ang kaba sa dibdib ng maramdaman ang mga luhang pumatak sa kaniyang mga balikat.

Nanatili lang sila sa ganoong posisyon at hindi na rin napigilan ng dalaga ang mapaluha dahil nararamdaman niya ang lungkot. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman, feeling niya may mangyayaring masama. Ayaw niya man maging negatibo ay hindi niya ito maiwasan. Bakit bigla na lang ganito ang sinasabi ng kaniyang nobyo.

Ilang segundo lang din ay bumitaw na ang binata sa kanilang yakap. Naramdaman na lang ng dalaga ang paglipat nito sa kaniyang harap.

Pinahid nito ang mga luha sa kaniyang mga mata at hinalikan siya sa noo. Napangiti na lang ang dalaga sa mga gawi na ginagawa ng binata.

Isa pa ito sa minahal ng dalaga sa binata, marunong rumespeto at sobrang maalagain nito sa kaniya. Sa tuwing mag kasama sila ay kakaibang saya ang dala ng binata sa kaniyang buhay. Ang pagiging maalagain nito,maunawain , mapagmahal na kasintahan ang hinahangaan ng dalaga. Ito ang nagbigay ng kulay sa kaniyang buhay.

Alam niyang marami siyang pagkukulang sa kanilang relasyon. Pero nandito pa rin ang lalaki sa kaniyang tabi at patuloy na inuunawa ang mga kamalian niya at kaniyang mga pagkukulang. Ang lalaking suportado lahat ng desisyon niya sa buhay at ang taong pumipigil sa kaniya sa tuwing siya ay may mali.

Mas napaluha pa ang dalaga sa sunod na ginawa ng binata.

Bigla na lamang itong lumuhod sa kaniyang  harapan habang bitbit ang isang pulang kahon na naglalaman ng isang makinang na sing-sing. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa gulat sa ginawa ng kaniyang nobyo.

Hindi alam ng dalaga kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Sobrang umaapaw ang saya sa kaniyang puso. Ang kaninang kaba ay napalitan nang saya.

“Can you be my wife? Will you marry me my only sunshine?” nakangiting saad ng binata at kinuha ang sing-sing sa lagayan.

Hindi naman agad nakasagot ang dalaga dahil na rin sa pagkabigla. Hindi niya inaasahan na aayain na siya nito ng kasal.

Ilang sandali lang inabot ng dalaga ang kamay sa kasintahan at marahang itinango ang kaniyang ulo, nangangahulugang pumapayag siya sa alok sa kaniya ng binata.

Hindi mawala sa mga labi nila ang ngiti, isinuot na ng binata ang sing-sing sa daliri ng kasintahan. Agad na tumayo ang binata at mahigpit na niyakap ang kasintahan.


“Mahal kita ,Julliene Coleen Arcena

“Mahal din kita ,Andrew Luis Montereal






Itutuloy...

--
Artasia_Aquila❤️

DREAMS (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora