Chapter 29

353 14 4
                                    

(Shi Min Ju's POV)
Hating gabi na at hindi pa ako makatulog. Nakatitig lang ako sa mukha ng prinsepe. Hinawakan ko ang ang kanyang sugat.

Nagulat ako ng ginalaw nya ang kanyang kamay dahilan para umayos ako ng upo at tumingin sa kanya. Dahan dahan nyang minulat ang kanyang mata at tinignan ang paligid. Nakatingin lang sya sa akin.

"Bakit ako nandito?" mahinang tanong nya
"Halos mamatay ka na dahil sa patuloy na pagdugo ng braso mo" sabi ko naman sa kanya. Mukhang naalerto sya sa sinabi ko. Tinignan nya ang braso nya at agad agad na tumingin sa akin. Natahimik ang paligid.
"Ikaw yung estranghero na nagligtas sa akin. Tama ba?" mahina kong tanong
"anong ibig mong sabihin?" tanong nya. Kinuha ko ang itim nyang damit at ipinakita ito sa kanya
"sa totoo lang . . " napabuntong hininga nya.
"wag ka ng magsinungaling" sabi ko sa kanya. Tumango sya
"Oo ako nga" natahimik ang paligid. Tumayo ako.
"bakit hindi ka pa tumakas?" sabi ko sa kanya at tumalikod ako sa kanya. Naiiyak na ako ng mga oras na yon. Sa tingin ko napakawalang kwenta kong pinuno
"dahil nakita kong masaya ang grupo nyo" mahinang sabi nya
"dapat umalis ka na lang" sabi ko sa kanya at akmang lalabas na ngunit. .

"AHHH!!" Sigaw nya. Lumingon ako. Pinilit nya pala tumayo. Napakunot ako ng noo at agad na tinulungan sya.
"sabi ko na mahal mo na ako eh kasi imbis na hayaan mo ako eh nag alala ka" ngiting sabi nya. Binitawan ko sya
"Niloloko mo ako prinsepe!!" inis na sabi ko sa kanya
"Mahal din naman kita" ngiting sabi pa nya habang hawak ang braso nya.

Tumalikod ako sa kanya.

"papabantayan na kita sa mga kasama ko" sabi ko sa kanya at tuluyan ng lumabas ng aking silid.

Baliw talaga . .

Pero hindi ko maiwasang hindi ngumiti :)

(Rhian's POV)

Kinaumagahan, patago akong nagtungo sa silid ng dating hari. Wala na ring tumutuloy sa kwartong dahil naniniwala sila na nagmumulta pa ang dating hari dahil hindi pa nya tanggap ang kanyang pagkamatay. Wala parang nagbago sa kwarto ng hari dahil na rin sa walang pumapasok dito kundi ang hari ng kasalukuyan.

May isang mabahong amoy akong napansin. Hindi sya natural na amoy lang na kahit ilang ulit lang linisan hindi mawala ang amoy. Tumingin ako sa lapag. May isang itim na bakas aabot hanggang dating higaan ng hari. Sinundan ko ito at umabot ang itim na bakas hanggang sa pader. Hinawakan ko ito,b magaspang na madulas ang bakas. Hindi ko mawari kung ano yun. Kinutkot ko ang itim at naglabas ako ng isang puting panyo para makakuha ako at mapag aralan yung na iyon.

Nakarinig ako ng yabag mula sa malayo. alam kong may paparating kaya agad agad akong kumaripas ng takbo palabas ng silid.

(Shi Min Ju's POV )

Malamig ang umagang iyon. Nagsisimula na sa pag eehersisyo ang mga bata kasama ang kanilang mga magulang. Nakatanaw lng ako sa kanila habang nasa itaas ng puno. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti mula sa narinig ko sa prinsepe kanina halos hindi ako makatulog sa nabanggit  nya sa akin.

Pumitas ng mangga sa puno pinunasan gamit ang aking damit. Mula sa malayo, tanaw ko ang aking silid na binabantayan ng dalawa sa aking kasama para hindi makatakas ang prinsepe. Nilibot ng mata ko ang buong silid. Nahuli ko na nakatanaw sa labas ng prinsepe. Ngumingiti dahil sa nakita nyang masaya ang mga bata. Paano kaya kung hindi naman talaga sya masama? Paano kung mali yung inaakala ko? Pero kasi kasapi pa rin sya sa palasyo. Kapatid nya pa rin ang hari. Pamilya nya ang pumatay sa mga magulang namin. Kasalanan nya rin. Nakatitig lang ako sa kanya. Nagulat ako ng nakatitig rin sya sa akin sabay na ngumiti.

Iniba ko ang tingin ko sa ibang bagay pero nakikita ko pa rin sya sa gilid ng mata ko. Umakyat pa ako sa itaas ng puno para hindi ko sya  makita. Kita ko ang buong lawak ng kagubatan. Mahangin at tahimik ang paligid tila ba walang panganib naghihintay sa amin. Konting layo lang sa amin ay may mga nakaputi akong nakita. Agad agad akong bumaba ng puno at tinawag ang kaisa-isang katiwala ko sa grupo namin. 

"Bantayan ang buong paligid natin. May mga tao sa hindi kalayuan, wag sasabihin sa buong grupo lalo na sa mga babae at sa prinsepe. Kailangan maging handa tayo." bulong ko sa kanya

"opo pinuno" sabi nya sa akin.

Mag isa akong pumunta kung saan ko nakita yung mga lalaking nakaputi. Tahimik akong nagmamasid sa kanila. May hawak silang isang malaking tela na bilog at naghuhukay sa ilalim ng lupa. 

"sa tingin ko sapat na ito." sabi ng isa. Naka anim sila na hukay at magkakalayo sa bawat isa. Mga isang bloke bawat butas. Nilagayan ulit nila ng damo para hindi ito halata. Hindi kaya may binabalak na naman ang palasyo sa grupo namin. Mabilis rin silang umalis. Bumalik agad ako sa grupo namin. Napabuntong hininga ako at malalim na nag isip. Dapat siguro ay hukayin namin ang mga binaon nila sa lupa para malaman ko kung ano iyon.

Kinagabihan, naging alarma kami sa mga pagsalakay. Nakarinig ako ng may paparating malapit sa amin. Humawak kami sa aming sandata at naging handa. 

Mula sa malayo ay may isa kaming naaninag na kabayo at may mga dala ito sa kanyang likod. Pinunto namin ang aming sandata sa direksyon nya. Nagtaas sya ng kanyang sandata.

ANG AMING PINAKA PINUNO!

(The Tribe Leader's POV)

Nakarinig na ako na aatake sila ngayong gabi kung saan walang kaideya ang aking mga kasamahan. 

Nagnakaw na ako ng mga sandata na magagamit namin sa pakikipaglaban sa palasyo. Wala na akong takot sa mga mangyayari sa amin o sa akin. Ang gusto ko lang ay maitigil na ang kasamaan ng palasyo at maging pantay pantay na ang pakikitungo sa bawat isa at tama ang distribusyon ng pagkain at mapalaya na sa dynastiya ang isang makalumang parte ng korea.

"Mahal ko,

May mga bagay akong hindi masabi sayo dahil alam ko na hindi ka rin naman sasang-ayon sa akin. Patawarin mo ako kung sa mga panahong magkakaroon ng digmaan ay wala ako sa tabi mo o kaya wala ako para magbantay sayo kapag nasugatan ka. Gusto ko lang sabihin sayo na ikaw ang pinakamagandang bagay na dumating sa akin. Ikaw ang nagsilbing inspirasyon sa akin at gumabay sa mga madidilim kong araw. 

Salamat sa pagmamahal mo. Patawad pero marami pa akong hindi nasasabi sayo dahil sa kailangan ko tong itago para sa prokteksyon mo na rin.

Hinihiling kong sa muli nating pagtatagpo, isipin na lang natin  na hindi tayo magkakilala.

Gusto kong mamatay sa mga bisig mo .

Mahal na mahal kita, General Ji.

Rhian."

Iniwan ko ito sa higaan namin habang mahimbing syang natutulog.


My Royal Bride (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon