Chapter 9

497 18 0
                                    

Nasa kalagitnaan na ako ng paglilinis ko ng paliguan. Napakalaki tsaka napaka kapit nung lumot neto. Kaya nadudulas ako. Idagdag mo pa yung ang layo nung balon sa paliguan! Haaysss...

"Nakitulog lang naman ako ah!? Tsaka wala naman akong ninakaw!" Inis kong sabi at nagkiskis ng lapag. Binuhusan ko ng tubig ang may sabon na sahig at lumipat sa ibang parte para maglinis.
"Gusto mo ng tulong?" Boses ng isang lalaki sa likod ko. Lumingon ako.
"Oh! Di ba ikaw yung nalaglag sa puno?" Gulat na sabi ko. Napangiti sya.
"Haha.. Oo ako nga" sabi nya at hinubad nya ang hanbok nya. Kulay black ang panloob nya na gawa sa silk. Di katulad sa panloob namin parang tela lang ng panyo. Makapal naman pero parang makati. Tinaas nya ang sa binti at braso ng mahabang panloob nya.
"Hwag na po!" Sabi ko pero nakababa na sya bago ko pa mapigilan.
"Hayaan mo ako" sabi nya.

Kumuha sya ng pangscrub at sumabay sa akin. Napangiti ako.
"Hahaha ngayon ko lang to nagawa" sabi nya
"Ha? Eh kasi nga prinsepe ka" sabi ko at nagpatuloy sa gawain ko
"Hmmm.. Ano bang masaya sa pa giging prinsepe dito sa inyo? Kasi parang napakatraditional yung ginagawa nyo" sabi ko sa kanya
"Hmmmm.. Culture na rin? Pero kung ako tatanungin mo mas gusto ko na nasa labas ng palasyo katulad ng kapatid ko" sabi nya
"Pwede naman ah?" Sabi ko
"Walang kahit anong transportasyon dito bukod sa kabayo. Mga isang araw bago makarating sa syudad. Walang bus dito o kahit ano kaya ayun. Lungkot no?" Sabi nya
"Hmmm.. Hindi naman pero kung ako tatanungin mas maganda na nandito ka kasi walang polusyon, walang maingay at higit sa lahat may gumagalang pa rin sayo" sabi ko.
"Anong masaya dun? Wala na ngang gyera pero parang ganun pa rin eh. May mga mahihirap pa rin" sabi nya
"Hindi naman kasi mawawala yung mga taong mas nakakababa sa atin" sabi ko
"Sabagay. Kwentuhan mo naman ako kung ano meron sa syudad!" Sabi nya
"Sige uhmmm. ."

"RHIAN!" Boses ng isang babae mula sa likuran namin. Nilingon ko ito. SI LADY HA! Nanlalaki ang mata nya at halatang galet na galet. May kasama rin syang mga tagapagsilbi.
"Kunin ang prinsepe" sabi ni Lady Ha. Lumapit naman agad ang mga tagapasilbi at hinawakan ang prinsepe. Prinsepe nga talaga sya.
"BITIWAN NYO AKO!" Sigaw nya pero mapilit pa rin ang mga tagapag silbi
"Sabing BITAW!" Sabi nya
"Won Eu Dok!!" Sigaw ng isang lalaki. Tinignan ko naman ito. Si Jeong Do. Nagbigay galang kami sa kanya. Lumapit sya sa amin. Nagulat ako ng sampalin nya ang mahal na prinsepe.
"Wala ka na ba talaga sa pag iisip mo?!" Sabi nya
"Bakit ikaw! Nasa katinuan ka ba? Ano bang masama sa ginagawa ko?" Sagot ni Won Dok
"Wala ka talagang galang!" Sabi ni Jeong Do at aambahan na sana ng sampal si Won Dok ng . .

"Patawad po kamahalan, kasalanan ko po" sabi ko. Nagulat ako ng hawakan ako sa braso ni Jeong Do. Nanlilisik ang mga mata nya. Halatang galit sya sa akin.
"Pahirapan ang babaeng to. Wag bibigyan ng hapunan" sabi ni Jeong Do at itinulak ako.

Nagwalk out sya. Kasunod nya si Prinsepe Won Dok na dala ng mga tagapagsilbi. Tinignan lang ako ni Lady Ha at sumunod na rin sa mga prinsepe.

Tumayo ako. Kinuha ko ulet yung pangkiskis. Ramdam kong tumulo na ang luha ko.
"Hindi ko naman alam na ganito yung trabaho na gagawin ko" sabi ko at humikbi habang patuloy lang ang ginagawa ko.

Natapos ang ilang oras. Nahiga na ako sa kwarto ko. Hinubad ko yung madumi kong suot. Haayss..  "Hindi naman sya ganun sa bahay ah! Makaasta naman sya! Naging prinsesa rin naman ako!" Inis na bulong ko. Nagulat ako ng may pumasok na naka hood sa kwarto ko. Napabalikwas ako at kumuha ng bagay na mahahawakan.
"Sino ka!" Sigaw ko. Tinggal nya ang hood.
"Won dok? Este. . Prin. ." Sabi ko
"Nakatakas ako" sabi nya at tumingin muna sa paligid bago isara ang pinto ng kwarto ko at unupo. Nagsign sya na umupo rin ako
"Hindi ka papakainin. Alam ko yun. Kung ano sabi ng kapatid ko, talagang masusunod" sabi nya. Tinitigan ko sya
"Bakit?" Sabi nya. May nilabas syang mga supot galing sa damit nya
"Wala. Bakit ang bait mo" sabi ko. Napangiti sya
"Nung una kitang nakita parang may kakaiba sayo kaya ayun" sabi nya
"Kakaiba?" Sabi ko at binigay nya ang maliit na supot sa akin. Tinapay pala yun. Pero mukha syang hopia eh. Teka. . Sabi ko at kumagat
"Mooncake!" Masayang sabi ko. Nakita kong nagulat sya bahagya at ngumiti.
"Oo, mooncake nga yan" sabi nya at ngumiti.
"Maiiwan na kita, baka makahalata silang wala ako sa kwarto ko" sabi nya at tumayo na. Sinuot na nya ang hood nya at dahan dahang lumabas.

(Jeong Do's POV)
Nasa himpilan ako ng hari. Pinatawag nya ako

"Hindi ka na ba talaga magtatagal dito?" Sabi ng Hari
"Opo kamahalan, kailangan ko na rin bumalik ng mga tauhan ko sa gallery namin" sabi ko
"May isang salita ka nga, naalala ko nung nagpasya kang umalis ng palasyo"
"Ama, patawad po" sabi nya
"Alam kong may gusto ka ring patunayan katulad ng kapatid mo" sabi nya
"Hindi po dahil dun" sabi ko
"Kung ganon, para saan?" Sabi nya
"Para po mabuhay pa rin ang kultura natin. At ang naigawa ng mga ninuno natin" sabi ko. Nakita kong ngumiti kamahalan.
"Nga pala, uuwi na rin ang kapatid mo dito" sabi ng hari
"Kailan po kamahalan?"
"Hmmm.. Kaya may rason pa para manatili ka rito" sabi ng hari

(Rhian's POV)
Kinagabihan nakaupo lang ako sa harap ng quarters namin. Dinadama ang simoy ng hangin. Nakarinig ako ng mga yabag ng paa. Napatayo ako. Lumabas rin ang isang alipin na tulad ko. Nakatitig sya sa akin.

"Hi?" Bati ko. Ngumiti sya
"Okay lang ba kung tatabi ako sayo?" Sabi nya
"Ah.. Oo" sabi ko at umupo na rin. Umupo na rin sya sa tabi ko. Nagbuntong hininga sya
"Napakalamig ng panahon" sabi nya
"Oo nga eh" sabi ko at tumingin sa kalangitan
"Ikaw lang yung bumaba ng pwesto para maging alipin? Lahat kasi ng nagtatrabaho kay Prinsepe Do puro tagapag silbi nya. Hindi tulad mo, nandito ka sa amin" sabi nya
"Okay lang! Sanay naman ako sa mga ganito" sabi ko
"Hindi halata, marunong ka mag salita ng korean kahit Hindi ka korean. Marunong ka magbasa. Hindi katulad ko o namin, wala lang kaming alam kundi magsilbi sa mga kamahalan" sabi nya
"Hmm.. Gaano ka na ba katagal dito?"
"Simula pa nung pagkapanganak ko. Sa totoo lang, gusto ko makalabas dito sa palasyo. Sabi nila iba na yung buhay sa labas. Sa syudad. Nakakulong parin kasi kami sa nakaraang sibilisyasyon" sabi nya
"Buhay ang kultura nyo. Ang ganda nga nun eh"
"Walang maganda sa pagiging alipin" sabi nya
"Alam ko na. . Pero teka ano nga ba ang pangalan mo?" Sabi ko

(Lady Ha's POV)
"Kamahalan, kailangan na pong bumalik ng ilan sa empleyado natin. May mga ilang customer ang nagtatanong sa pagbubukas ng art gallery natin kamahalan" sabi ko. Nasa silid aklatan ang prinsepe at nagsusulat
"Inaasahan akong magtatagal ng mahal na hari" sabi ko
"Maari naman po kayong maiwan dito kamahalan" sabi ko.
"Ipadala mo na lahat ng empleyado pabalik ng Seoul. Maiiwan ka rin dito" sabi ko
"Opo kamahalan. Bago po sumikat ang araw, wala na po sila dito" sabi ko
"Makaalis ka na" sabi ng prinsepe.

Nagbow ako.

"Sandali, hinihiling rin ng mahal na hari iluto yung soup na hinanda noong nakaraang pagdiriwang" sabi nya
"Opo masusunod po kamahalan" sabi ko.

Dahan dahan akong lumabas. Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung paano ko kukunin yung mga pagkain na inihanda para sa hari. Ni hindi ko alam kung sino yung nagluto noon. Pumunta na ako ng Quarters para makapaghanda ang mga empleyado para sa pag alis nila bukas.

(Rhian's POV)
Nagising ako sa tunog ng isang makina. Parang yung tunog ng bus na yun. Napabalikwas ang sa hinihigaan ko. Lumabas ako para kumpirmahin kung yung bus nga ba iyon. Tumakbo ako sa hallway.

Nakita kong umaandar na yung bus palabas ng palasyo. Tumakbo ako
"Sandali! Sandali! Naiwan pa ako!" Sigaw ko habang tumatakbo papuntang bus
"Sandali!" Takbo ko pa. Masyado na rin akong late at nakalabas na sila ng gate. Napaupo ako sa sahig.
"Ano ba naman yan! Bakit ako naiwan dito! Ayoko na dito eh" naiinis na sabi ko
"Nakalimutan kitang sabihan" boses ng babae sa likod ko. Lumingon ako. Si Lady Ha. Nakahanbok pa rin sya. Hindi sya kasama? Tumayo ako.
"Sabihin nyo na lang po yung daan paalis. Mag cocommute ako" sabi ko. Natawa sya.
"Isang araw para marating mo ang bundok na yon" sabi nya at tinuro nya ang bundok na halos di ko pa matanaw kasi madilim
"Isang buong araw para maakyat mo iyon at isang buong gabi para bumaba" sabi nya
"Ha? Sasakyan po! Marunong naman po akong magdrive"
"Hindi uso ang sasakyan dito. May mga kabayo pero baka makagat lang rin sya ng mga ahas sa gubat o kaya makain ka ng mga lobo" sabi pa nya
"Eh paano po ako makakauwi?"
"Maari namang sumabay ka sa amin ng prinsepe" sabi nya
"ANO PO????!!!"

My Royal Bride (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon