Chapter 20

482 15 3
                                    

Isang malamig at magandang umaga ang sumalubong sa aming dalawa ni Heneral Ji. Nakaupo ako sa kama habang nag aayos ng aking suot.
"Magandang umaga" sabi ni Heneral Ji mula sa likuran ko at niyakap nya ako. Ipinatong nya ang kanyang ulo sa aking likod at ramdam ko rin ang init ng katawan nya.
"Hindi maganda sa Heneral na uuna pang gumising yung asawa nya" pabirong sabi ko
"Sana. . Hindi ka na bumalik kay Prinsepe Dominic. Bumuo na lang tayo ng masaya at maayos na pamilya" ramdam kong nakapikit pa sya habang sinasabi nya iyon.
"Heneral Ji. Kailangan na nating bumangon at maligo at mag ayos. Sayang ang kagwapuhan ng Heneral kung mabaho sya at irresponsable sa sarili" pabiro kong sabi
"Alam kong kahit ano naman itsura ko, ako pa rin naman mamahalin mo eh" sabi nya sa akin. Humarap ako sa kanya at humiga sa mga hita ko. Hinaplos ko ang kanyang malambot na buhok.
"Hindi naman mahalaga yung nakaraan , ang mahalaga ikaw." Sabi ko sa kanya. Natahimik lang sya habang pikit pa rin ang kanyang mata.
"Kaya maligo ka na Heneral Ji. Baka maisipan kong maghanap ng mabangong Heneral" natatawang sabi ko. Napamulat sya at napabangon. Tumingin sya sa akin at kumunot ang noo.
"Kailangan ng Heneral ang tulong ng kanyang Asawa. Paliguhan ang Heneral" makulit na sabi sya
"ANOOOO!?" Sabi ko.
"WAHAHAHA LADY JI! DAPAT MONG PAGSILBIHAN ANG IYONG ASAWA, HA HA HA HA" makulit na sabi nya at niyakap ako ng mahigpit. Kiniliti nya ako sa aking tagiliran
"HENERAL JIII!" Natatawang sabi ko.
"WA HA HA HA" sabi nya

(Dominic's POV)
Naglalakad lakad ako malapit sa tinutuluyan ni Rhian at Heneral Ji. Naririnig ko ang tawa ni Rhian at parang may pait sa aking dibdib.

"Alam kong dapat ako ang gumagawa nun" bulong ko sa sarili ko

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Namimiss ko na si Rhian. Namimiss ko na. Nakarinig ako ng Gong. Hudyat na nasa Himpilan na ang hari. Alam kong isang taon na rin ang nakalipas pero lungkot pa rin ang nararamdaman ko.

(Rhian's POV)
Nasa himpilan kami. Kausap ang Hari.

"Kailan balak maisagawa ang paghuli sa isang rebelde?" Tanong ng hari
"Sa susunod po na linggo kamahalan. Kailangan po muna namin magmasid sa lugar nila at mapagplanuhan ng maayos ang gagawin namin" sagot ni Heneral Ji
"Kung ganon man. Maiiwan pala ang iyong asawa sa palasyo?" Sabi ng hari
"Isasama ko po sya kapag po nakapag isip na po kami ng paraan. Magaling po sa pakikipag laban si Lady Ji" sabi naman ni Heneral Ji
"Mabuti kung ganon. Nais ko rin na ipatingin ang mata ni Lady Ji sa pinakamagaling na doktor ng palasyo" sabi ng hari
"Salamat po kamahalan" sabi ko
"Gusto ko rin na makausap ng masinsinan si Heneral Ji. Kaya ang lahat ng tao dito sa aking himpilan ay kailangang lumabas" sabi naman ng Hari
"Opo kamahalan" sabi namin.

Tumayo ang hari at dumaan sa likod ng kanyang trono. Isa isa na rin kaming lumabas. Naiwan ang asawa ko sa loob.

Lumabas na ako at nakita kong naghihintay pala si Prinsepe Won Dok sa labas ng himpilan.
"Lady Ji!" Sabi nya. Nagbigay galang naman ako sa kanya
"Nais kong imbitahan kayo ni Heneral Ji sa klinika ko para matignan ko ang sugat mo" sabi nya. Natahimik ako.
"Hindi ko maipapakita ang sugat ko sayo hanggang wala si Heneral Ji sa tabi ko" mahinang sagot ko
"Talagang asawang asawa mo sya no" ngiting sabi nya
"Sya kasi nagpapalakas ng loob ko. Lalo na sa nangyari sa akin" sabi ko naman
"Kung ganon naman. Maari ba kitang yayain na lang maglakad lakad sa palasyo?" Sabi nya
"Sa tingin ko, wala namang masama" sabi ko

Pumunta kami sa parte ng palasyo na puro puro at bulaklak na nakaharap sa lawa ng palasyo. Mahangin dito at malamig ang simoy ng hangin.

"Ang bilis ng panahon at isa ka ng ganap na doktor" mahinang sabi ko sa kanya
"Naging inspirasyon kita sa pangarap kong maging doktor" sabi nya naman. Napatigil ako sa paglalakad. At pinanuod ko sya maglakad
"Ano?" Natatawang sabi ko sa kanya
"Dahil sa katigasan ng ulo mo noon. Naging inspirasyon ko ang pagiging malaya" sabi nya at pumitas ng isang rosas
"Hindi ako makapaniwala. Ang lakas na rin ng loob mong magsalita" sabi ko at hinabol ko sya ng lakad. Binigay nya sa akin yung rosas.
"Maraming salamat sayo" sabi nya. Napatingin ako sa kanya.
"Puro ka kalokohan Prinsepe Won Dok" sabi ko
"Magkita na lang tayo sa klinika ko" sabi nya at naglakad palayo.

My Royal Bride (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon