Don't Touch Him❤️❤️

Começar do início
                                    

"Ano bang ginawa ko ha?! Ba't hindi mo pa tanggapin na mas angat talaga sayo si Zirco?!! NAKAKAINIS KA NA!!" Sigaw ko kaya nakatanggap ako ng malakas na sampal galing sa lalaki o Neil


"Huwag na huwag mo akong pangungunahan. At... Huwag ka na ring umiyak dahil isave mo yan para mamaya sa fiancé mo" at umalis na sila. Si Zirco, nasaan si Zirco?!

Ilang oras ay bumalik ulit sila at ngayon sampo na yung mga lalaki. May hawak na phone si Neil at tiningnan ako. Pagkatapos bumalik ang tingin niya sa phone at pinipindot- pindot ito at itinapat niya ito sa tenga niya

"Hi Zirco, nice to hear your voice again..."

Tumigil ang mundo ko sa narinig ko. Zirco...

"H'WAG MO SIYANG IDAMAY DITO!!!" Sigaw ko kaya linagyan ng tela ang bibig ko. Sinubukan kong kumawala pero wala talaga.

"Gusto mo siyang marinig?? O sige, pagbibigyan kita" biglang sambit ni Neil na ikinatahimik namin. Inalis niya yung tela sa bunganga ko at bigla akong sinabunutan.


"Ah-ahhh!!!" Sigaw ko sa sobrang sakit.

"Keen... Love wait for me. Wait for me okay. Nandyan na ako.." Sambit ni Zirco mula sa kabilang linya.

"Zirco please h'wag kang pumunta dito... Please Zirco, hayaan mo na ako!!!" Sigaw ko at paghikbi lang ni Zirco ang narinig ko.

Pero bago pa may sabihin si Zirco biglang inalis ni Neil ang phone at itinapat sa tenga niya.

"Ooppss!!! Tama na~ ang sweet naman.. Tatagal kaya yan?" At bigla siyang humalakhak.   "Bibigyan kita hanggang 10:00 Zirco, o kung hindi. Sa sementeryo ka na lang magpaalam sa kanya... See you~" at sa tingin ko pinutol na niya yun linya.

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa hawakan ako sa baba ni Neil at inangat ang ulo ko.

"Ang sabi ko, mamaya ka na umiyak. Pag wala na ang fiancé mo" at humalakhak silang lahat sa sinabi ni Neil

-
-

9:50 na.

Napangiti ako sa iniisip ko. Mukhang hindi siya darating, mas mabuti na yon.

"Naku!! Mukhang hindi ata siya magpapakita!" Pananakot sa akin ni Neil ng nakangisi. Nainis ako sa kanya kaya nginisian ko lang siya

"Kill me then" cold kong sabi sa kanya na nakangisi pa rin. Bigla siyang nagseryoso at sinampal ako ng malakas.   "I SAID KILL ME! YOUR DAMN SLAP CAN'T KILL ME IDIOT" sigaw ko sa kanya at sinampal ako ulit.

Masakit ehh!!

"Don't you dare me, Keen. Baka seryosohin ko ang sinasabi mo" nakatitig siya sa akin habang binitawan ang mga salitang yon.

Pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita, may biglang sumigaw sa labas. Nagulat ako dahil pati sila?

"KEEN!!!!"

Biglang nataranta yung mga lalaking kasama ko sa kwarto dito.
"Let out the beast, boys.." At sa sinabi ni Neil, nagsilabasan sila pero natira si Neil. Tiningnan niya ako na ang lapad ng ngiti sa labi.  "Mukhang dito na ang katapusan ni Zirco ahh?? Hindi ka ba nag-good bye sa kanya? Tsk tsk tsk..."

"No. I won't let you. I WO'NT LET YOU!!" Sigaw ko sa kanya at may tumakas na luha sa mga mata ko. Damn! What should I do?

"Boss, nauubos na yung mga bata natin" biglang sulpot ng isang kasamahan ni Neil.

Napamura siya at umalis na sa kwarto at pinagbantay ang kaninan lalaki. Bakas sa mukha ng lalaki na natatakot siya. Kaya napangisi ako na ikinakunot ng noo niya.

"Looks like there is a kitten who's scared here..." Bulong ko na tama lang para marinig niya.  "What do you think?"

Nginisian niya ako at lumapit ng bahagya.  "Pinariringgan mo ba ako?" Itinaas niya ang kamay niya kaya napapikit ako pero walang dumapo sa mukha ko. Binuksan ko ang mata ko at doon ko nakita na nakahandusay na ang lalaki

"Don't touch our diamond" tumingin ako sa lalaki at familiar an mga mata niya. Tanging mga mata niya ang nasisilayan ko dahil naka-face mask siya.  "You will be fine, princess..."

Tumulo na naman ang mga luha ko. Ang boses na yun, nararamdaman kong magiging maayos ang lahat kapag narinig ko ang boses na yun. "Kuya Hanse..."

Niyakap niya ako at hinalikan sa noo bago inalis an tali sa kamay at paa ko. Lumabas kami ng kwarto na yun na pasikreto at doon ko nasilayan na nasa abandonadong building kami.


"Hide somewhere princess. I need to help them" at bago pa ako makasagot umalis si kuya. Inikot ko ang paningin ko at pumasok ako sa isang maliit na kwarto at ang laman ng kwartong yun ay mga gamit na nakabalot ng puting tela. Naisipan kong magtago sa isang upuan at ngayon nakahiga na ako sa parang sofa at nakatakip na rin sa tela.

Maya-maya ay may biglang pumasok na isang lalaki. Tinakpan ko ang bibig ko dahil nagsimula na akong umiyak at panay ang hikbi ko.

Palapit ng palapit sa akin ang lalaki at bigla niyang itinaas ang tela.

"Gotcha..."

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora