Living with you❤️❤️

4K 108 3
                                    

                  Chapter 79
Keen's POV



"Keen!!!!!" May biglang sumigaw. Napatayo naman ako dahil sa sobrang lakas. Nakita ko si kuya James na talon ng talon sa kama ko habang si kuya Hanse nasa tabi ko nakaupo sa upuan. Siya pala yung sumigaw -_-


Tiningnan ko yung oras at 8:00 palang.  "Ang aga pa ehh...." Reklamo ko sabay higa. Pero hindi ako makatulog dahil galaw ng galaw yung kama ko. Kaya tumayo na lang ako.




"Maligo ka na and eat your breakfast lilipat ka na" sambit ni kuya Hanse. Nanlaki naman ang mga mata ko. Hindi ko pinahulata na nabigla ako pero ng makalabas yung dalawa sumigaw ako na nakalagay ang mukha ko sa unan.   "Hindi ko kaya!! Hindi ko kaya!!" Sigaw ko.


"Naririnig kita!" Sigaw naman ni kuya Hanse mula sa labas ng room ko. Bumangon na ako at naligo na.  Pagkatapos kong maligo nagsuot ako ng crop top at black pants with matching black shoes, o diba ganda? Makikita mo ba naman ang ex mahal mo! Bumaba na ako para kumain at.... Bacon ang ulam =_=



Uminom na lang ako ng kape at pagkatapos pinababa ko na ang maleta ko.  Bago ako umalis nagpaalam muna ako kay mama


"Hindi ka pala masusundo ni Zirco dahil may pinuntahan siya kaya ang kuya mo na lang ang maghahatid sayo" sambit ni mama, mago-opo na sana ako ng bigla siyang sumigaw. "WAG na wag kang tatakas! Kasabwat mo yung kuya mo diba? Kapag tumakas ka, kukunin ko ang car mo" tumango na lang ako at tumakbo sa takot. Nasa sasakyan na yung luggage ko at nandoon na rin si kuya. Sumakay ako sa kotse at linagay ang seat belt.

-
-

Ilan oras ay nakarating kami


"Hindi naman bahay to eh!" Sigaw ko kay kuya. "Mansion na to! Pano kami magkakasundo ni Zirco niyan? Sa bagay dapat pa akong humiwalay sa kanya dahil may fiancé na siya."


"Oo iwasan mo siya. Wag na wa mo siyang tatawagin na Zirco, call him JinJin, no skinship, formal dapat ang paguusap niyo" at tumango na lang ako sa payo ni kuya. Bumaba na ako sa kotse at kinuha yung maleta ko. Tapos yung magaling kong kuya iniwan ba naman ako.


Pumasok ako sa loob at ang ganda at malaki. "Buset!!!!" Sigaw ko dahil naiimagine ko si Zirco este JinJin na kasama ko siya dito.  "Sana di ka na lang umuwi sa Pilipinas! Edi sana hindi matutuloy yung kasal. Ang kapal mo kasi eh! Akala mo iisipin ko na mas lalo kang naging gwapo, well totoo naman pero hindi yung  sobrang gwapo kasi makapal ang pagmumukha mo! Nakakainis ka! Natalo mo pa ako sa business ikaw pala ang CEO ng buset na branch na binibenta niyo!! Sana si Noya na lang!!!!" Sigaw ko at napa-pikit

Pero bigla na lang....


"Makapal ako...?" May biglang bumulong sa akin mula sa likod. Napatalon naman ako sa bigla. S-si Zirco este si JinJin, topless!! Juice Ko help me!!!





"Wag mo ngang gawin yon!" Sigaw ko sa kanya pero hindi ko magawang tingnan yung mata niya, eto kasing mata ko sa hpanhdehsal nakatingin ;)



"Like what you see?" Biglaan na tanog ni JinJin.



"What?? Ikaw tinitingnan ko? Huhu makapal" saad ko sabay irap


"Pero gwapo naman, diba?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, narinig niya kaya?  "Oo narinig ko. Gwapo naman ako ehh makapal nga lang. Hindi mo ba ako ic-congrats dahil first ang branch namin?" Tanong niya na sa tingin ko inaasar niya ako.   That's it!!! Hanggang diyan na lang ang kakapalan niya



"Ikaw, ic-congrats ko?! Whu! MANIGAS KA!" Sigaw ko sa kanya at dinala ang maleta ko at umakyat na. Madami ring kwarto sa second floor, may pangalan pa ahh. Yung banda sa dulo yung guest room, yung katabi ng guest room yung kwarto ko and yung katabi ng kwarto ko yung kwarto namin ni JinJin, wait what?! Namin?! No!! Pumasok na lang ako sa kwarto ko, hindi ako matutulog sa kwarto kasama ang lalaking yan. Pagpasok ko sa kwarto king size bed ang nakita ko, good.



Habang inaayos ko ang gamit ko may naririnig akong kausap ni JinJin. Sumilip ako at si.... Khim.



"How are you? Linalandi ka ba niya? That bi*ch sana ako na lang ang ipapakasal sayo" sambit ni Khim, akala ko anghel ang babaeng to ehh, anghel na natubuan ng sungay pala siya.




"Ayos lang ako babe, and hindi niya ako linalandi, nasa kwarto na siya at nananahimik, don't worry hindi na maibabalik ang nararamdaman ko sa kanya" wika ni JinJin sabay halik kay Khim. Hindi ko na kayan marinig ang mga pinaguusapan nila tungkol sa akin kaya sinara ko na ang pinto at umiyak na lang. Masyado naman sila..... Hayaan mo Zirco Jin Avero, hindi ko ring hahayaan na magbalik ang nararamdaman ko sayo..

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now