Lee❤️❤️

4.4K 117 6
                                    

Chapter 46
Keen's PoV




Salamat at uwian na rin, wala na si Psycho, wala ng malas sa buhay ko.

Pagkarating ko sa bahay ay walang tao, malamang nagtatrabaho silang lahat, kaya magluluto na lang ako ng hapunan namin.

Nagbihis muna ako at magluluto na ng maramdamang kong gusto ko ng ice cream. Umalis ako para lang makabili ng ice cream.


-ice cream store-

Pagkarating ko doon ay nag-order na ako


"Vanilla ice cream please" sambit ko at ilang oras kong hinintay ay dumating na rin.

Fav ko to!! Pagkarating ko sa bahay ay naglaro lang ako ng games sa phone ko at ilan oras dumatin na sina mama at papa.



Kinabukasan....


Pagmulat ng mata ko ay 6:30 ang kauna-unahan kong nakita. Napatayo ako at dali-daling naligo at nagbihis. Buset bat ngayon pa?!!



Agad na akong lumabas ng bahay ng maisipan kong nakalimutan ko ang bag ko kaya bumalik ulit ako at tumakbo.

Pagkatapos ay may lumapit sa akin na sasakyan, walang iba kundi si Psycho, kainis.... Bagay niya talaga ang pangalan niya.


"Sumakay ka na, male-late na tayo" sambit niya.


Wala naman akong magawa. Pilit kong binubuksan ang pinto sa likod ng sasakyan pero naka-lock

"Sabog ka ba?! Pano ako makakasakay kung nakasarado ang pinto?" Naiinis kong tanong


"Tanga ka ba?? Sa passenger seat ka uupo babae ka!" Sigaw naman niya at dali dali akong sumakay sa tabi niya.


Tunog lang ng sasakyan niya ang naririnig ko. Ang sakit pa sa tenga dahil pangrock siya at wala man akong maintindihan.


Qt pinatay ko ito na dahilan ng kinagalit niya


"Hindi ka man bastos.." Sarkastiko niyang sabi


At umirap lang ako. "Wala ka man naiintindihan, eto na lang" at linagay ko ang phone ko.


Playing: exo forever

At huminga ako ng malalim, may toyo mode. "You could be my always star!!" Kanta ko at nabigla si Psycho "You could be my moonlight na na na na na na na na na forever!!"


At pinatay niya ang kanta. Sayang di ko narinig si Baekhyunie~~

"Ang dami kong naintindihan" sarkastiko niyang sabi

Oo nga naman Korean ehh kaya wala siyang maintindihan kahit naman ako..


At umirap na lang ako at naging tahimik ang lahat. Pagkarating namin sa school ay hawak hawak niya ang kamay ko, lahat naman ng babae sa akin nakatingin na parang kakainin na nila ako sa titig nila, pati si unicorn, yung schoolmate ko na paiba-iba ang kulay ng buhok araw araw, ang baduy pa niyang manamit. Eewww..


"Alam mo ayos lang na bitawan mo na aki, baka maubos ako dito sa kakatitig ng mga babae mo" sambit ko at umirap ako

Tiningnan naman niya ako.  "Sige, you're welcome" at umalis siya.


Pagpasok ko sa room salamat at wala pa naman si prof kundi baka mamatay ako sa kaba.

-
-
-
-

*ring~~*

Lumabas ako ng room at may nakita akong babae na kamukhang-kamukha ni Psycho, lumabas naman si Psycho at yinakap siya ng babae, ahhh babae lang pala niya


"Kuya!" Sigaw ng babae

Ahh ehem! Kapatid pala..

"Bat nandito ka Lee??" Tanong ni Psycho


"Gusto kong mameet si Aila!" Sigaw naman niya, ano raw ako??

"A-ako??" Tanong ko na lang bigla kahit ako hindi makapaniwala

At tumango si Lee

"H-hi!" Bati ko na lang

"Hi! Ako nga pala si Lee" masayang sambit ni Lee

Sabay kaming apat na naglunch, ako, si Psycho, si Lee at si Zirco.


Pagdating namin sa cafeteria, umalis si Zirco para mag-order at nagcr naman su Psycho.


"Alam mo palagi kang kinukwento ni kuya sa akin, ang sabi niya kakaiba ka daw!" Sigaw ni Lee sa kilig

At tumawa naman ako.  "Oo! Dahil hindi ako bulag gaya ni unicorn!" Sambit ko na lang


"Hindi! Ang ibig kong sabihin, matigas ang puso mo sa kuya ko! Ayos yan!" Sigaw na naman ni Lee at nag-thumbs up pa.

At bigla na lang dumating sina unicorn, nakakasilaw siya para siyang christmas light.


At umupo siya sa upuan na malapit sa amin

"Speaking of.." Mahinang sabi ni Lee at umirap.


"Uyy nandito pala ang mga ipis sa bahay namin!" Sigaw naman ni unicorn at sa tingin ko ay nakatingin siya sa akin at tumawa siya kasama ang kaibigan niya



"Haay balita ko nagkalat na raw ang mga ahas sa campus natin! Hinahanap ko pagtingin ko nasa harap na pala!" Sambit ni Lee sabay tingin kina unicorn. "Kaya paminsan-minsan magingat ka ha, nanunuklaw ehh"

Magaling pagdating dito si Lee ha?? Ang wild niya..

"Pinariringgan mo ba ako??" Tanong naman ni unicorn kay Lee


"Bakit natatamaan ka??" Pabalik na tanong ni Lee sabay irap

Go Lee!!!

At wala ng nasabi si unicorn

Ilang oras dumating sina Zirco at Psycho


"Nandyan na ang mga pagkain, bantayin niyo ha baka kainin ng iba!" Wika ni Lee, kitang kita naman na naiinis na si unicorn


"Namimikon ka ba?!" Pasigaw na tanong ni unicorn na dinig na ng lahat


"Bakit napipikon ka?? Kung ano ang 'mga' kulay ng panlabas mo yun naman ang kadiliman ng loob mo, umalis ka nga! Ayaw ko ng christmas light dito nakakasilaw!" Sigaw naman ni Lee

Natawa naman ako ng kaunti

"Are you insulting me?!!" Galit na galit na tanong ni unicorn


"No, I'm just describing you bi*ch!" At tumayo si Lee sa upuan at hinila ako sumama naman ang dalawa.


Kakaiba si Lee!!

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now