Good bye??❤️❤️

3.9K 102 6
                                    

Chapter 62
Psycho's PoV

-
-

*ring~!!!!!*


Hindi muna ako sasabay kay Keen, tumawag na naman kasi si Irene, gusto niya akong makausap.


"Psycho, una na ako" saad ni Keen at binigyan ako ng halik sa pisngi. Ngumiti naman ako sa kanya, at ayun umalis na siya.


Pumunta ako sa likod ng school at doon ko nakita si Irene


"Sweet naman...." Sambit niya at lumakad papalapit sa akin


"Ano na naman bang gusto mo?" Tanong ko sa kanya


"Well as you know, nandito si Zirco sa Pilipinas. Hindi ko naman minamadali pero... Kailangan talaga. Malapit ng umalis si Zirco papuntang LA kaya gusto ko na makipag-break ka na kay Keen, at kapag nangyari yun, masasaktan si Keen at hindi na siya pwedeng bumalik kay Zirco dahil may dyosa na siya, ano??" Wika ni Irene na may smirk


"H-hindi. T-teka, nagbibiro ka ba?? Pero mahal ko na si Keen, mahal ko siya ng tunay! Hindi ko siya kayang iwan!" Sigaw ko na may kaunting luha sa gilid ng aking mga mata


"Mahal?! Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?! Psycho, this is just our game!! You will break the relationship between you and Keen!" Sigaw ni Irene at ngumisi.   "O gusto mong tumira sa daan kasama an mga pulubi?"


"Oh please Irene!!! Kahit konti umintindi ka naman! Mahal na mahal ko ang girlfriend ko!! Kaya please Irene tama na! Wag mo na kaming pahirapan pa!" Sigaw ko at umalis na na umiiyak.



I won't leave Keen.....


Pero bigla na lang....

"Okay!!! Okay!!! Ayaw mo na?!" Sigaw ni Irene na malayo sa akin kaya sumisigaw.  "Then h'wag! Ako na lang! Ako na mismo ang kikilos! Pero h'wag mo akong sisisihin kapag nagsisi ka ha?" Sambit niya na ramdam ko an pag-ngisi niya mula dito


"Anong binabalak mo?"


"Haha. Let's see.." Wika niya at umalis



Keen's PoV



Grabe.... Nakakabingi. Nakakabingi ang katahimikan.


Naglalakad ako ngayon pauwi dahil sabi ni Psycho may importante siyang gagawin. Napa-ngiti naman ako ng naiisip ko kung pa'no niya ako pasayahin, pakiligin araw-araw at kung paano niya ako protektahan. Pero napaisip rin ako... Paano kung mawala siya? Paano kung hindi na siya bumalik?

Aishh!!! Kung ano-ano kasi iniisip ko. Akala mo naman iiwanan ka non. Pagkarating ko sa bahay ay dumaretso agad ako sa kwarto at nagkulong. Kinuha ko ang laptop ko at pumunta sa news and updates sa school namin. Nung nandun na, ang una kong nakita ay si Zirco at si Khim na bumisita sa school.


'Zirco visits Santiago University with his gorgeous girlfriend, Khim' 

Siguro sikat si Khim sa LA. Ang ganda niya at mukhang modelo pa siya kagaya ni Zirco. Pagkatapos  scroll down lang ako ng makita ko ang unfamiliar name na 'Irene'


"Who is she?" Tanong ko sa sarili ko.


Tiningnan ko ang article at mukhang 2 days ago pa 'to.

'Irene the queen of the campus, is dating with 'Psycho' '



Tumigil ang mundo ko ng mabasa ko ang mga salitang binitawan ng mga members ng news club na to. Nagtataka naman ako, sweet si Psycho sa akin at ayaw niya akong mawalay sa kanya. Dahil na-curious ako kinuha ko ang phone ko at id-deal na sana ang number ni Psycho ng tumawag siya.


"P-Psycho?"

"Keen, nasaan ka?"

"Nasa bahay na 'ko"


Kinakabahan ako baka makipag-break siya sa akin


"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya sa akin


"Okay"

At ibinaba ko na ang phone ko. Nagbihis muna ako bago ako lumabas ng bahay.


"Ma?!" Sigaw ko


"Nandito ako anak!" Sigaw naman ni mama sa kusina. Dumaretso ako doon at nakita ko siya na nagb-bake.

I hugged her from her back while I close my eyes.

"May pupuntahan lang po kami ni Psycho" saad ko

"Sige. Bastat mag-ingat ka ha?"

At hinalikan ko siya sa pisngi at umalis na. Ng pagkalabas ko ay nandoon na ang sasakyan ni Psycho. Pumasok ako sa loob at hindi man lang niya ako binati. Seryoso siya. Pinaandar niya ang kotse niya at habang ako ay nakaupo lang sa passenger seat na tahimik.



"Ba't mo ako gustong makausap?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot at tiningnan ko siya na nag-aalala. Pero hindi siya nakatingin sa akin, nakatingin pa rin siya sa daan.   "Psycho?!" Sigaw ko na naiinis. Hinarapan niya ako at mukhang nagagalit siya


"May problema ba tayo?" Biglaan niyang tanong

Naguluhan naman ako sa tanong niya.  "What a question Psych? Tinawagan mo ako at gusto mo akong makausap, ngayon magtatanong ka na kung may problema tayo? Pwes oo, meron nga. Bumisita ako sa news and updates ng school at nakita ko ang isang article na si Psycho is dating with the queen of the campus" sambit ko na may inis sa pananalita ko


"At maniniwala ka naman?! Alam mo Keen, wala ka lang talagang tiwala sa akin, ba't ako makikipagdate sa kanya kung nandyan ka naman?!" Naiinis na tanong ni Psycho


"That's my point! Nandito naman ako ehh! Todo support tayo sa isa't-isa, but sh*t Psycho hindi ko pa rin makuhang magtiwala sayo dahil madalas ko ng napapansin na sa kinikilos mo ay may tinatago ka sa akin. Ano nga ba yun Psycho...? Kanina, umalis ka. Saan ka ba pumunta?" Tanong ko sa kanya na may luha na sa mata.




At kitang kita ko na galit na galit siya sa akin. Hinarapan niya ako at tinitigan. Nag-aalala ako baka ma-aksidente kami.


"Wala akong tinatago sayo Keen, kaya please, manahimik ka na muna" naguguluhan ako kaya hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya. Ng tumingin ako sa harap ko may truck na na paparating sa amin



"Psycho!!!" Sigaw ko at....

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now