Breaking Up❤️❤️

4.3K 220 3
                                    

                  Chapter 89
Zirco's POV


"Sabi ko na nga ba ehh" saad ni Khim na patuloy bumabagsak ang mga luha


"I'm sorry Khim, Keen needs me" sambit ko at umalis na ng bahay at pinuntahan si Keen.


Pagdating ko, tumakbo ako papasok at hindi naka-lock yung pinto. Nagsimula na akong mag-alala dahil naka-on yung mga ilaw



"Damn!! Keen!!!" Sigaw ko pero walang sumagot. Tumakbo ako sa room niya at binuksan ang pinto na walang pag-aalinlangan.


"Manyak!!!" Sigaw ni Keen dahil nagbibihis siya. Mali ata timing ko o tama lang? Hehehe

Tinakpan ko ang mga mata ko at sinara yung pinto. Natawa ako sa ekspresyon niya kanina. Nung nakita niya ako nanlaki yung mga mata at namula. Nakita ko kasing sinusuot niya yung undies niya pero may towel na nakabalot sa kanya.


"Buset ka!!" Sigaw ni Keen na lumabas ng kwarto at kinurot ako sa tiyan



"Ahh Keen masakit.... Masakit..." Bulong ko dahil natatawa ako sa sakit, baliw na ata ako?


"Hindi ba sasamahan mo si linta? Ehh bat nandito ka?!" Sigaw niya sa akin at inalis ang pagkakakurot




"Ehh nag-aalala ako!! Ilang beses na kitang tinawagan pero hindi ka sumasagot!!" Sigaw ko na may pag-aalala.  "Hindi pa naka-lock yung pinto sa labas tapos pati pa sa room mo! Ehh kung paano si Nash ang pumasok dito?! Edi mawawala na ang virg*nity mo na dapat sa akin!" Sigaw ko. Namula siya at ganon na rin ako ng nalinawan ko ang mga sinasabi ko



"Ang bastos mo..." Bulong niya at tumalikod sa akin dahil nahihiya.


"Pinaiyak ko si Khim..." Bulong ko sa kanya na nakayuko. Hinarapan niya ako at may pag-aalala ang kanyang mga mata..


"Bakit...?" Mainhin niyang tanong



"Bastat! Matulog ka na! Matutulog na rin ako" wika ko at ginulo ang buhok niya



Inayos naman niya ito at ngumiti.  "Dito?" Tanong niya sa akin.  Tumango ako bilang sagot at tumalon talon siya na parang bata.   "Sige matulog ka na, good night"

Namula ako sa sinabi niya... Good night? Ngayon palang niya ako binati ahh.   "G-good night see you in our dream" sambit ko at binatukan niya ako habang humahalakhak. Pumasok na siya sa kwarto niya habang ako nilock ko muna yung pintuan sa baba at natulog na rin sa room ko. Ihahatid ko na rin siguro si Khim bukas, para makahingi ng tawad....



Kinabukasan.....


3:00 palang gising na ako, naligo ako at nag-ayos dahil napag-desisyonan kona ihahatid ko si Khim.


Pagdating ko sa bahay, naka-on yung ilaw kaya gising na siya siguro. Kumatok ako at pinagbuksan niya ako ng pinto.



"Dumating ka...." Sambit niya at niyakap ako pero hindi ko siya niyakap pabalik.    "Akala ko pinagpalit mo na ako" sambit niya


Inaalis ko yung kamay niya sa pagkakayakap sa akin pero ayaw niya, ayoko naman siyang saktan


"I-I'm sorry Khim pero--" sinampal niya ako..


"Pero ano? Mahal mo pa rin si Keen?! Sige nga sabihin mo sa akin, kailan mo ba ako minahal Zirco? I love you?! Sinasabi mo sa akin yan pero ang totoo para sa kanya, hindi ba? Hindi ko alam kung anong meron si Keen na wala ako.... Pero alam ko na nakahihigit siya sa puso mo!" Sigaw niya sa akin at may luha na sa mata niya.



"You're breaking up with me? Okay... Dahil mahal kita"


"I'm sorry Khim..." Bulong ko na may luha na rin. Siya itong tumulong sa akin sa lahat pero ako pa tong makapal na nagpa-paiyak sa kanya.   "Hindi mo ko deserve Khim, isa kang mabait na tao habang ako manloloko" saad ko



"No Zirco, I'm not an angel, I am a sl*ut, b*tch and evil... Ikaw ang anghel dito si Zirco, at ang reyna mo ay si Keen.... Pinapalaya na kita" wika ni Khim at niyakap niya ako kaya niyakap ko naman siya pabalik.  Hinatid ko siya sa airport at hanggang don na lang....



Now I'm happy....




Keen's POV


Nagising ako na may ngiti, bakit? Hindi ko rin alam. Lumabas ako sa kwarto pero may kulang kaya nawala ang ngiti ko.



Nasaan na yung mabangong amoy na palagi kong naamoy kapag umaga? Bumaba ako sa kusina pero wala doon si Zirco. Tumakbo ako papunta sa room niya pero wala din siya doon.


Sinungaling... Akala ko ba naman dito natulog si Zirco, kainis... Gutom na tuloy ako at wala akong breakfast. Naisipan kong kumain na lang sa isang cafe dahil wala rin naman akog magagawa.


Pinalitan ko ang damit ko at kinuha ang wallet ko. Maglalakad na lang ako. Palabas na sana ako ng bahay ng makita ko si Zirco. Umirap ako at lalagpasan na sana siya ng hawakan niya ako sa kamay



"Saan ka pupunta?" Nakakunot na noo niyang tanong sa akin.


"Teka, may nagsasalita! May multo ba dito?" Pagpapanggap ko. Mas lalong kumunot ang noo niya dahil siguro sa sinabi ko at dahil hindi pa dumadapo an mga mata ko sa kanya



"Anong pinagsasasabi mo?" Tanong niya sa akin


"May multo nga! Lagot na baka patayin ako! Makalayas na nga" akmang aalis na ako ng pigilan niya ako.


Hinila niya ako at pinagdikit ang aming katawan at inalalayan ako sa bewang. Hindi pa rin ako tumingin sa kanya....



"Kapag hindi ka tumingin sa akin baka pagsisihan mo ang gagawin ko... O baka magustuhan mo.." Saad niya at ramdam ko ang kanyang pagngisi.

Tiningnan ko siya ng nakakunot ang noo at narinig ko naman siyang napabuntong hininga.


"Sorry na okay? Natulog ako dito pero maaga akong umalis dahil may tinapos ako" pagpapatuloy niya


"Tinapos? Ano naman?" Marahas kong tanong sa kanya


"Tinapos kona yung... Yung relasyon ko kay Khim..." Sagot niya ng mainhin at matamlay na ngumiti. Nawala naman ang galit sa puso ko dahil naaawa ako sa kanya.



"Pasensiya na...." Bulong ko at niyakap ko siya at doon na siya humagulgol sa iyak. Nakahawak pa rin ang dalawa niyang kamay sa bewang ko habang ako yakap-yakap ko siya na nasa batok niya ang mga kamay ko.



"Hindi ko na dapat tinanong..." Bulong ko sa sarili ko.



Ilang minuto rin kami sa ganong posisyon at hindi ko na ramdam ang pag-iyak niya. Nakakahiya naman kung ako ang humiwalay sa yakap.


Naramdaman ko namang hinalikan niya ang collarbone ko kaya tinulak ko siya.   "Para saan yon?!" Sigaw ko sa kanya. Humalakhak naman siya pero namamaga pa rin ang mata.


Ngumiti na lang ako dahil napatawa ko siya, hindi na siya malungkot...




-------

Salamat po sa pag-vote!!!

Tingin ko po malapit ng matapos ang story na 'to, kaya hwag po kayong magsawa sa pagsoporta!! Salamat ho ulit!!

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now