Avoiding❤️❤️

4.1K 109 2
                                    

                       Chapter 53
Keen's PoV

Tapos na ang weekend, makikita ko na naman si Zirco, bat parang excited na akong makita siya. Ngayon naniniwala na ako na na-fall ako kay Zirco dati, pero wala na talaga akong nararamdaman para sa kanya ngayon ehh..


Pagpasok ko sa room nakita ko agad si Zirco na malalim ang iniisip


"Zir--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sinuot ni Zirco ang headset niya, sa tingin ko kasi hindi na niya ako maririnig.





Umupo na lang ako sa tabi niya at nagbasa ng libro. Ilang oras ay dumating si Psycho


"Morning!" Bati niya

"Morning." Bati ko pabalik. Friends na kami ngayon ni Psycho, yehet!! Wala na akong kaaway!!

-
-
-

-lunch time-

*ring!!!*

Yehet! Favorite subject ko na!! Lunch time!!!


Pagtayo ko sa upuan ko para ayusin ang gamit ko ay paalis na si Zirco. Hinabol ko siya para naman may kasabay akong kumain.


Pero paglabas ko nakita ko siyang may kasamang babae. At hawakan pa ang kamay ahh. Sige maglandian kayo... -_-


Naglunch na lang ako kasama si Psycho tutal mabait naman siya ngayon.

-cafeteria-

Habang kumakain kami ay eto si ako, nabubusit. Pano naman kasi yung babae kanina kung makakapig kay Zirco wagas, kala mo asawa niya *irap*


At narinig kong tumawa si Psycho. Tiningnan ko siya at mas lalo pa siyang natawa

"Para kang timang" saad ko at umirap


"May problema ka ba??" Tanong niya saken

"Wala..." Sagot ko

At tumingin ako sa paligid, bat wala pa kasi si Zirco?? Maya-maya matatapos na yung lunch time.


"Hinahanap-hanap kita~~" biglang kanta ni Psycho. Pinaparinggan ba ako nito??

"Pinariringgan mo ko no?? Wag ka ngang kumanta panget boses mo. Atsaka wala lang si Zirco hinahanap-hanap agad?? Shu, no way~~" sambit ko at tumawa siya


"Its obvious Keen, don't deny it. Wala naman akong sinasabing hinahanap mo siya diba?? Ang totoo hinahanap mo talaga siya, kilala kita.." Wika ni Psycho, kala mo naman boyfriend mo siya. Kung makaasta nga para mo na siyang kuya ehh -_-

Ilang sandali....

"Uuy si Zirco ooohhhhheeewww may kasamang chiks ganda" saad ni Psycho at tumingin ako si Zirco nga kasama si linta.

"Whatever~" bulong ko at biglang dumapo ang mata ko kay Psycho tinitingnan niya ako habang nakasmile


"Cute mo naman" sambit niya

"Hehe, makaalis na nga, nakakabad trip ka ehh" wika ko at umalis na. Hinabol naman niya ako


"Uuuyy joke lang! Joke lang yun nu ka ba?!!! Cute ka naman talaga, anong gusto mo panget ka??"


"Oo panget ako, panget nga ako ehh. Tingnan mo tumataba ako, tingnan mo yung mukha ko parang baboy, tingnan mo yung buhok ko bagay na bagay para sa mankukulam" sarkastiko kong sabi



"Kaya nga nagustuhan kita ehh" a-ano?? Gusto niya ako??

Ramdam ko naman na umiinit yung mukha ko. Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Mamamatay na ata ako??


"Uuy, gusto nga kita. Gusto kitang gawing adobo. Perfect!!!" Pang-aasar nito.

Langhiya! Napagtripan ako!!


"Dyan ka na nga, baka makapatay pa ko!" Sigaw ko at tumakbo na. Walang masabing maganda tong kasama ko


Papunta ako sa library ng mapansin kong nakalimutan ko yung wallet ko sa cafeteria. Bumalik ako pero wala na don. Lagot na nyan, nandon pa naman yung allowance ko in 1 month.
Nakita ko na may iba ng nakaupo kaya naisipan kong magtanong


  "Ammm excuse me, may nakita ba kayong wallet dito??"


"Ahh yun? Kinuha ni Zirco, sayo ba?? Kinuha niya kasi at tumakbo palabas baka hinahanap ka" saad ng isang lalaki na napagtanungan ko


"Ahh talaga?? Salamat!" Pasalamat ko.

At tumakbo ako, pero san kaya siya pumunta??

"Amm excuse me, nakita mo ba si Zirco??" Tanong ko sa isang lalaki

"Ahh oo, tumakbo ata papunta sa library" sagot niya at tumango ako at nagpasalamat. Dali dali akong pumunta sa library. Pagpasok ko, parang may nagf-flashback sa utak ko.


Dito kami madalas ni Zirco, napangiti naman ako dahil dito kami madalas magkasama na masaya. Pumunta ako kung saan ko siya nun tinuruan. At nandun nga siya. Nakaupo siya at umiiyak. Nalungkot naman ako


"Z-Zirco??"

At tumingin siya. Pinunasan niya muna ang mga luha niya at tumayo

"Ah-amm yung wallet mo nakalimutan mo kanina" wika niya

"Zirco may problema ba??" Tanong ko sa kanya



"W-wala, napuwing lang ako. Sige aalis na ako" pero bago pa siya makaalis...


"Zirco may problema tayo." Naglakas-loob kong sabi




"Hindi Keen, dahil magtatapos na ang problema mo. Alam mo hindi mo na kailangang isipin at alalahanin ang dati nating napagsamahan dahil 'wala' naman talaga" aray parang ang sakit nun ahh.

"A-anong ibig mojg sabihin??" Tanong ko sa kanya



"Gaya nga ng sinabi ko hindi mo na kailangan pang isipin. Wag kang mag-alala pagpasok mo bukas isipin mo na lan na naglaho na ako" at umalis na siya.

The Play Boy's Good Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now