Ang Cute ng pamilya ko.

Sana nandito si Bunso.

Kung nandito yun, paniguradong naka pula yun o asul tapos magrereklamo sya, bat hindi sya katerno tapos magdradrama payun na 'Siguro ampon nyo lang ako' Tapos magpapalit ulit sya kahit matagal hihintayin parin namin sya, kasi sya si Fyv, Ang SPOILED na bad boy pero isip bata..

I miss him.

Napansin ko naman ang malungkot na aura na bumabalot sa amin.
Nakita kong piniga ni Ipa ang kamay ni Ima at pekeng ngiti naman ang binigay ni Ima.

Mahigit isang taon narin pero hindi parin ako nasasanay, hindi parin kami sanay.

"NAGUGUTOM NAKOO! / I'M STARVING!"
Sabay naming usal ni Kuya, Napatingin ako sa kanya at ganun din sya sa akin. Pareho kaming natawa sa aming pagkasabay. Parehong utak yata ang nasaamin.

Nakitawa narin sina Ima, at sabay sabay kaming lumabas ng bahay.

"Masarap daw ang luto sa Halili Cuisine." Si Ipa, halatang nagresearch pa.

Kahit saan at kahit anong pagkain susko nagugutom nako!!

"Kahit saan at kahit anong pagkain susko nagugutom nako!!" Teka!! Yan yung naiisip ko ahh, tinignan ko si Ima, promise, ganung ganun inisip ko diba!! Diba!!

Sa tingin ko talaga may super-duper brain cell na may kakayahang kumonekta sa isip ng tao since magkakadugo kami iisang dna ng brain cell ang umiikot sa utak namin.

Uhh?! Hayss, inatake nanaman ako ng kabaliwan ko. Salamat nalang talaga at hindi nila nababasa ang naiisip ko o kaya naman narinig nila kung sakaling sinabi ko ito.

Gutom lang yan Zhy

Naglakad na kami papuntang kalsada, mukhang malapit lang yung Cuisine na sinasabi ni Ipa.

At eto kami, masayang pamilyang naka pajamas na pupunta sa isang cuisine, nauuna sina Ima kasunod kami ni Kuya, Naka kawit ang kamay ko sa braso ni Kuya, Noon dalawa sila ni Fyv na kinakawitan ko tapos mag aaway sila kasi gusto ni Fyv sa kanya lang ako kakapit, tapos hihilahin ako ni Ipa, sasabihin nya 'Ako lang dapat, kasi ako ang Tatay nyo' tapos bubusangot na sya, magrereklamo si bunso tapos sasabihin ni kuya 'Sabi ko naman sayo sakin ka nalang kumapit, alam naman naming bakla ka.' maasar sya tapos suauntukin nya sa balikat si Kuya, sasabihin nya chickboy daw sya tapos dapat sakanya ako kasi sya yung bunso, tapos bubusangot sya lalo kapag hindi ako kumibo..

Lahat ng nakasanayan hindi nagtatagal, lahat ng gusto mong makasama biglang mawawala at lahat ng ala ala sayo maiiwan kaya dapat hindi mo kalimutan dahil kapag itoy nakalimutan walang ibang tao ang makakaalala nito bukod sayo. Mawawala na ng tuluyan mga ala alang inyong binigyan ng napakahabang oras sa pagbuo at efforts upang mas mapaganda pa ito.

Maa appreciate mo lang ito kapag nawala na sya, yung akala mo normal lang, yung dati nakakairita, yung dating hindi mo pinahahalagahan. Sabi nga ng lahat, nasa huli ang pagsisisi. Nagsisisi ako kasi, pinangunahan ako ng galit ko at hindi ko man lang nasabing mahal ko din si bunso, kahit matigas ang ulo at basagulero.

Kung bakit kasi nangibabaw ang galit ko nung nalaman ko yun, Kung bakit ba kasi mas nagging isip bata pako at hindi ko sya pinansin...

Ahhhh!!

Napatingin ako sa harapan namin, nakahinto na pala kami.

Nasa loob na kami ng cuisine, nagsusumigaw sa yaman at kasosyalan ang lugar.
Nasa tapat na kami ng isang napaka gandang lamesa para sa apat. Umupo na kami.

Lahat ng nasa loob ng cuisine ay naka formal. bakit dito naisipang kumain ni Ipa? Ee dami daming ibang lugar na hindi sosyalin at nakakarelax.

Naka Pj's lang kami kaya napapatingin samin ang ibang kumakain.

Kinuha ko yung Menu sa lamesa, Ganun din sila.

May lumapit na waiter sa amin at hiningi yung order namin. Sa totoo lang hindi naman ako namili kasi puro karne ang nasa menu, yung kakainin nalang ni kuya ang inorder ko.

Bukas siguro kami kakain ng sea foods. Para walang pigil pigil.

Habang hinihintay namin yung order namin. Nagkukulitan kami.

Pero nahagip ng aking mata ang isang pamilyar na pigura, lalaking nakasalamin, nagbabasa ng libro, nakababa ang bangs, may suot na bow tie tapos pag bumuka nag bibig makikita mo ang braces nya.

Felrone Halili.

"Sir, naka handa napo ang profit sa office nyo" dinig kong sabi ng isang staff.

Hindi kalayuan ang distansya nya mula sa amin.

Pero nasa fulong bahagi sya.

Sir?! Profit?!

"Masarap daw ang luto sa Halili Cuisine." Si Ipa, halatang nagresearch pa.

Halili Cuisine

Oh, my nerd in shiny braces.

Sya ang may ari nito?!!

He's Nerd, I'm NotWhere stories live. Discover now