Makalipas lamang ng ilang sandali nakarating nadin ako sa Cave, Isa itong bahay, mukhang Korean house, malayo sa syudad kaya tahimik. Hindi mo aakalaing kuta ng Gangster ang lugar dahil napaka ayos nito, kahit sa loob, parang isang natural na tirahan lamang. pero sa Ilalim nito, maraming armas ang nakatago, Oo armas, ang mga Dragons ang nagsisilbing taga tago ng mga armas alinsunod sa isang Mafia Organization na ang pinuno ay malapit umano kay King, protektado din kami ng mga Mafia kung kaya't malakas ang loob ng mga Dragons na gumawa ng kalokohan. Si King naman, hindi sya mahilig makipagusap sa mga Dragons, kung kaya minsan ko lang din sya makausap...

Pero ngayon, hihingi akong muli ng tulong kay King para kay Zhy......

Pagpasok ko ng bahay, dumeretso nako sa office ni King, which is the library.

Pagpasok ko naratnan ko si King na nakaupo sa kanyang trono, Oo trono, yung upang pang hari... Nagbabasa sya ng libro habang suot suot ang kanyang salamin.
Napakaamo ng kanyang mukha, mas mukha pa syang nerd kesa leader ng isang gang.

Hindi naman ako napansin ni King nung tuloy tuloy ako sa pagpasok.

Pero sa totoo lang alam kong nararamdaman nya ang presensya ko, ganun sya. kaya naman nawawala ang mga doubts ko sa pagiging leader nya.

It's not about the looks, It's about the attitude and behavior of a person.

You can't judge them just by looking at them. Better know them first.

Pero hindi ko sya lubusang kilala pero sapat na ang pagiging mahusay na pinuno upang hindi ako magduda sa kanya.
Pagka hinto ko sa kanyang harapan magalang kong nilahad ang aking pakay.

"King, Hihingi po sana ako ng tulong para sa Kaibigan kong si Z."

Tinignan naman ako ni King dahil sa sinabi ko.

Medyo matagal din nya kong tinitigan.

Ibinalik nya ang tingin sa librong binabasa nya, kinakabahan ako baka hindi sya pumayag...

"I'm going somewhere tomorrow, state your needs now, I might not be able to help you tomorrow."

Thanks to God.

~~~~~~~~~~~~'''~~~~~~~~~~~~~~~~~~'''''''~~~~~

Zhairhyxe's PoV:

One

Two

Three

Four

Five

Six

Seven....

Seven Hours Kaming bumyahee...
Akala mo naman napakalayo ng palawan...

Anak ng nanay at tatay ko andaming stop over bago pumunta sa airport!!

Nandito kami sa Coron Palawan.
//Insert heart emoji sa mata with sparkling silver and gold//

Alas sais na ng hapon.
Which mean, hindi na kami makakagalaa!

Pero maglalakad kami mamaya sa may tabing dagat. Nasa isa kaming Rest House... Malayo sa dagat pero matatanaw mo sa third floor sa may veranda ang mga islang nakakalat sa dagat...

Balak kong pumunta sa Ursula Island... Maganda daw ruon, tahimik at maputi daw ang buhangin. Medyo malayo lang daw yun dito pero okay lang. Worth it naman siguro no!

Gusto ko ding ma experience ang diving at snorkeling, I love water!! Naeexcite ako sa kung anong laman nito, sa mga kaya nitong gawin.

Nasa kwarto ako ngayon...
Typical Room, yung ambiance nya halatang relaxing.

He's Nerd, I'm NotWhere stories live. Discover now