Frustration

17 1 0
                                    

"Kyaahhh" kasabay ng pagtili ko ang pagtalon ko mula sa aking pagkakahiga. Kung paano ko yun ginawa huwag niyo na itanong dahil di ko din alam kung paano nangyari yun.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa naman nun ang aking papa na bakas ang sobrang pag aalala sa kanyang mukha.
"Bakit? Anong nangyari? May masakit ba sayo? Ano?! Sumagot ka!" sunod sunod na bato ng tanong sa akin ni papa
Kinalma ko naman ang sarili ko dahil ramdam ko na ang pagkacramps ng kamay at paa ko. Umupo ako at ngumiti lang kay papa.
"Pa hinay hinay sa tanong. Paano po ako sasagot kung tinadtad mo ako ng tanong." pabirong sagot ko dito at umiling iling pa.
Tinignan lang ako nito ng may seryosong tingin kaya't umayos ako ng upo sa aking kama at ngumiti sa kanya.
"Wala pa. Pero pa..." pangbibitin ko sa dapat kong sabihin
"Ano?" tanong nito at lumapit na sa akin.
"Pwede po ba ako manuod ng.."
"Hindi" hindi ko pa natatapos ang tanong ko ay may sagot na agad si papa
"Pa.." pagmamaktol ko dito
"Rica alam mo kung bakit ayokong pumayag, para sayo din ito. Madaming tao dun, baka di mo kayanin." sagot ni papa at halata sa mukha at boses nito ang pag-aalala sa akin.
Huminga na lamang ako ng malalim at tumango
"Okay po.." sagot ko at humiga sa aking kama.
"Hay, ikaw talagang bata ka oh, siya sige. Kapag napapayag mo mama mo papayagan na din kita." pagsuko ni papa. Napabangon naman ako mula sa aking pagkakahiga at hinarap si papa ng may malapad na ngiti.
"Talaga po?" ramdam ko na kumikislap ang aking mata ngayon dahil sa aking narinig mula kay papa.
"Oo, pero kumbinsihin mo mama mo." sagot ni papa
"Yay, Thank you pa." sabi ko kay papa at niyakap ito.
Nabuhayan ako ng loob dahil mas madaling mapapayag si mama kaysa kay papa kaya labis na lang ang tuwa ko ng marinig ko ito kay papa.

"Ma." pagtawag ko kay mama noong sa wakas ay sinagot na niya ang tawag ko sa telepono.
"Oh, nak napatawag ka." pagsagot ni mama
"Ma, kasi ano e.." wooh! kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako hindi naman ako laging ganito.
"Bakit? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ni mama
"Wala po. Kasi ma, gusto kong manuod ng..."
"Nak, sorry." agad na sagot ni mama sa akin. Hindi pa nga ako tapos magsalita ay sumagot na agad si mama at alam ko na ang ibig niyang ipahiwatig sa akin.
"Ma, antagal ko na pong gustong manuod nito, ilang taon na yung pinalagpas ko kasi sabi niyo noon hindi pa pwede kasi bata pa ako. Sabi niyo ngayong taon, nangako kayo ii." paglalabas ko ng sama ng loob kay mama
"Alam ko naman yun nak, alam ko na nangako kami ni papa mo noon. Pero nak, iba na kasi yung sitwasyon ngayon. Concert yun at paniguradong madaming tao doon, magulo, maingay at mainit. Paano kung magkastampede? Paano kung di mo makayanan yung init doon? Paano kung di mo makayanan yung gulo? Sa school nga lang nak di ka makapasok dahil sa sitwasyon mo tapos papayagan ka naming manuod ng concert? Nak, huwag mo namang isiping hindi ka namin mahal ng papa mo. Mahal ka namin kaya namin ito ginagawa. Mahal ka namin kaya ayaw ka naming payagan. Mahal ka namin at ayaw naming malagay ka sa kapahamakan. Ngayon kailangan mo na lang sigurong tanggapin na di pwede. Di ka na katulad ng dati, di na katulad ng dati ang lahat. Di na kasing lakas ng katawan mo ngayon sa katawan mo noon. Ayaw naming mawala ka kaya nak, sana maunawan mo kami ni papa mo." mahinahong sabi sa akin ni mama
Pinunasan ko muna ang luha ko at lumonok bago ako magsalita hoping na di mabasag ang boses ko.
"O-kay lang po ma. Naiintindihan ka po namin. Naiintindihan ko po kayo ni papa. Sorry ma, tinry ko lang naman po at baka makalusot." sabi ko at nagpeke ng tawa.
"Sorry talaga anak, hayaan mo at kapag gumaling ka na ay ako pa mismo bibili ng ticket para sa concert na yan." pagpapalubag ng loob ni mama sa akin
Napangiti naman ako at may luhang pumatak sa aking luha hindi dahil sa nasasaktan ako well part of it pero mas nangingibabaw yung pagpapasalamat ko na nagkaroon ako ng magulang na katulad ng mga magulang ko.
"Okay lang po ma. Thank you and I love you." sabi ko upang gumaan din ang loob ni mama.

Si mama ay kasalukuyang nagtatrabaho ngayon sa Dubai. Isa siyang office worker doon.
Hindi kasi sapat yung kinikita noon dito sa Pilipinas kaya't kinailangan niyang umalis ng bansa para makapag ipon. Habang si papa naman ang naiwan sa amin dito ng mga kapatid ko. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay pero sa kalagayan ko ngayon ay parang ako pa ang bunso.
That was exactly five months ago isang buwan na lang din ang hinihintay para makauwi na si mama dahil binabalak na lamang na magnegosyo na lang dito para magkasama-sama na kami pero nagbago ang lahat noong araw na iyon,  hindi hindi ko makakalimutan yung araw na iyon ng magising na lang ako na kaharap na ang puting kisame ng hospital. Lumingon ako sa paligid ko at nakita ko si papa na nakadukmo sa kama ko at hawak ang aking kamay habang ang pangalawang kapatid ko naman na si Vincent ay nakahiga sa sofa dito sa kwarto.
"Pa, mahinang tawag ko kay papa at hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya na naging dahilan upang magising siya.
"Pa, ano pong nangyari?" tanong ko
Umiling lang si papa.
"Saglit lang nak ha. Tawagin ko lang ang doctor." sabi sa akin ni papa
Tumango na lamang ako bilang sagot at naging senyas iyon ni papa para umalis ng kwarto pero bago pa man siya makalabas ng kwarto ay ginising niya muna si Vincent at may binilin at alam kong ako lang din ang binilin nito kay Vincent hindi ko alam kung anong nangyayari, naguguluhan pa din ako ang huling alam ko kasi ay nasa bahay lang ako pero bakit dito ako nagising? Maya maya pa ay may dumating ng doctor. Kahit na ako'y naguguluhan ay hinayaan ko na lang ang doctor na tignan ako. Pagtapos niya akong tignan ay lumabas ito kasama si papa at doon sila nag usap. Ano ba talaga ang nangyari? Bakit kailangang sa labas pa sila mag-usap?

Noong araw din na iyon ay nakauwi kami ng bahay ang sabi sa akin ni papa ay hindi daw nila ako magising noong umaga kaya dinala na nila ako sa hospital dahil matagal na daw nila akong ginigising pero walang response, pero ang sabi naman sa akin ni papa ay okay naman daw ako kaya narelief namanrespons
Pero hindi natapos dun ang lahat dahil nag-umpisa akong makaramdam ng pagkahingal, sa simpleng paglakad, pag-akyat sa hagdan, pagbuhat ng gamit ko ay hinihingal ako na hindi naman nangyayari sa akin noon. Itinago ko pa iyon hanggang sa hindi na din nagiging maganda ang katawan ko, biglang bumagsak ang aking katawan ang laki agad ng pinayat ko, at lumalim ang mga mata ko at makikita mo na sa akin ang pagkahingal.
Kaya't nagdesisyon si papa na mag patingin na ako sa doctor.
Dahil sa ako'y 17 years old pa lang ay sa pedia pa ako ngunit sa unang pagsusuri pa lamang sa akin ay inirefer na ako sa isang specialistang doctor. Noong puntong palang iyon ay alam ko ng may mali at hindi ito biro dahil hindi ko naman siguro kakailanganin ng isang specialista sa larangan ng isang field kung simple lamang ang sakit ko, at hindi ako nagkamali sa aking espekulasyon dahil sa proseso at sa mga ginawang test ay nalaman na ako ay may Rheumatic Heart Disease, this is a heart condition which is your heart valve is broken. In my case, hindi lang heart valve ang may problema, even the left lower part of my heart is (inflamed), and I have another two conditiom in heart which I don't know the term that the doctor used. But lahat ng iyon ay napapaloob sa malaking category which is Rheumatic Heart Disease. And this condition changed my life. Mula noong nagkasakit ako ay hindi ko na nagawa yung mga bagay na hilig kong gawin noon. At pati pag-aaral ko ay kailangan kong i-give up. For the past month, most of time is spent here in my room and nilipat din ang room ko sa baba para di na ako umakyat pa.
Hindi na rin muna tumuloy si mama sa pag uwi dahil treating my condition is not a joke. We need financial at hindi sapat yung naipon para doon.

Nahiga na lamang ako at pumikit ng ibaba na ni mama ang telepono dahil may kailangan pa siyang gawin. Hindi madali ang pinagdaanan namin for the past five months. Lagi kaming nasa hospital at hindi na din biro ang nilalabas na pera nila papa. Hindi naman kami mayaman para magkaroon ng maraming pera para sa pagpapagamot ko, kaya nga kinailangan pang pumunta ni mama sa ibang bansa e. At kaya din pinili ni mama na manatili na muna doon. Hindi naging madalipara kay mama ang lahat. Alam ko at aware ako sa pinagdadaanan nila mama. Lahat ibinibigay nila sa akin, lahat ng gusto ko at pangangailangan ay binibigay nila sa amin. Kung nahihirapan ako sa kalagayan ko ay alam kong mas nahihirapan silang nakikita akong nahihirapan. Dahil walang magulang na gustong mahirapan ang anak. Narinig ko pa nga one time sila mama at papa na nag uusap. Boses lang ni papa ang naririnig ko pero nasasaktan na ako sa naririnig ko. Noong mga panahong iyon alam kong gustong gustong umuwi ni mama dito sa Pilipinas, gustong gusto ni mama na siya ang mag alaga sa akin pero kailangan din nilang isaalang salang yung financial na gagamitin. Kaya ginagawa ko din ang lahat ng aking makakaya para gumaling na ako. This is a long process kaya hangga't kaya kong ngumiti para sa kanila ginagawa ko. Noong una kong malaman ito ay hindi ko sineryoso. Hindi ako aware na ganun pala ka seryoso yung nangyayari sa akin. Not until the day when everything that I used and love to do is now prohibited.
Katulad na lamang nito, isang taon kong pinaghandaan ito. isang taon akong nag ipon para dito kasi ayoko namang hingin ko pa sila mama ng pambili ko ng ticket.  Pero wala, ito at hindi naman pwede. Hindi na pwede kasi andami ng dapat isa-alang alang.

I met HimWhere stories live. Discover now