Steps and Concerns

Magsimula sa umpisa
                                    

Nang masapit ang puwesto, pabagsak siyang naupo sa harap ng kaniyang desk. Gaya ng dating gawi, binuksan ang laptop. Sandali siyang natigilan. Nalungkot. Nakasanayan na kasi niya na ang notifications ng social media posts ng kapatid ang unang bumubungad sa kaniya.

"Palibhasa kasi makasarili ka. Mula nang umasenso ka ang taas na ng tingin mo sa sarili mo. Siguro nga wala ka nang ibang taong kailangan kundi 'yang ego mo."

Wala siyang pakialam kung ano ang impression ng iba tungkol sa kaniya, pero masakit kung mula iyon sa mahal mo. Sa pamilya mo.

Napapikit siya at tila muling narinig ang huling sinabi ng kaniyang kapatid:

"Bakit, Kuya Ghelo? Wala ka bang taong hinahangaan? Kahit minsan sa buhay mo. Isang taong gusto mong makasama, makita, makausap. Isang espesyal na taong para sa iyo pakiramdam mo, nagbibigay-pag-asa sa iyo kahit ang totoo, malabo na ang gusto mo..."

Sumandal siya sa backrest ng swivel chair. Niluwangan ni Ghelo ang suot na green na necktie at mula sa ilalim ng polo niya ay may dinukot na kuwintas.

Isang antigong photo locket pendant.

He wears it all the time since that day. Kapag ganitong pakiramdam niya ay nasa kawalan siya, tinititigan niya ang harapan ng locket kung saan mayroong built-in compass. Somehow it gives him a notion -- a sense of direction.

Pinindot niya ang pang-unlock, nagbabaka-sakaling bumukas ang photo locket ngunit bigo pa rin siya. Ilang taon na niyang hinahanapan ng solusyon para mabuksan iyon. Wala kahit isa ang nakaayos niyon dahil kakaiba ang pagkakagawa ng nasabing kuwintas. Ayaw naman niyang ipagawa lang kung saan.

Napabuntonghininga siya.

Siguro nga dahil sa masasakit na naranasan niya -- sa mga pambu-bully, panloloko, at tsismis -- nawalan na siya ng pag-asa sa mga tao. But somehow, this locket he is wearing reminds him that good is still not extinguished. There are still a few kindhearted people out there, ready to give care and share love to others...

Just like that girl in his past.

And yes, maybe, his little sister is the same as that. Maybe her fangirling is not pointless after all. One day, he may understand.

Umayos si Ghelo sa pagkakaupo. Ang reaksiyon ay tila may sumulpot na ilaw sa ulo. Inayos niya ang sarili saka nag-buzz sa receptionist. "Hello, Yumi. Send Maliksi Nuevo here. The trainee from Media Department."

***

Sa hinaba-haba ng paghihintay, sa wakas ay natawag na ang numero ni Bela. Siya lang naman ang pinakahuli sa batch ng nag-audition sa araw na ito. Lumakad na siya sa platform, sa harap ng camera.

"Pagkasabi ko ng 'go,' face the camera then state your name, age, height," instruct kay Bela ng naka-assign sa pagkuha ng VTR Profile ng network. Para iyon sa Rising Superstar.

Tumango siya habang panay breathe in, breathe out. Tinitingnan pa lang niya ang camera, pakiramdam niya gusto nang tumalon ng puso niya palabas sa kaniyang dibdib sa kaba. Mabuti na lamang at komportable siya sa outfit of the day niya -- summer shirt na pinatungan ng denim jumper pants. Hinayaan lang din niyang nakalugay ang buhok niya. Sabi kasi ni Flo mas bagay raw sa kaniya kasi nakikita ang natural flaunty hair niya. Maniniwala siya dahil ang isang iyon ang kaniyang number one critic, and of course, taga-push at the same time.

"Okay, go," hudyat sa kaniya.

Tumingin siya sa camera at masayang nagsalita, "Hi, I'm Yisabela Concepcion, 22. I stand 5' 3."

"Yisabela, do you have any experience? Commercials?"

Alanganin siyang umiling. "Wala po. But... I had experience on stage performance."

Between the Stars (RE-WRITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon