Part 5

1 0 0
                                    

3:24 am na, hindi parin tumitigil yung mga mata ko sa pagagos ng luha. Siguro kailangan ko nalang din harapin kung ano ang ibibigay sakin ng tadhana. Mabuti nalang at naka tulog ako.

Nagising din ako dahil sa alarm clock ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin dito sa kwarto ko. SINASABI MO NA NGA BA E! Ang laki ng eyabags ko. Nag handa na ako para sa pag pasok. Tinakpan ko ang eyebags ko gamit ang concealer. Hindi na ako nag breakfast. Pumasok na ako kahit hindi pa nakakapag paalam kay daddy.

"Bessy!!!" Tawag sakin ni Dudang.

Lumapit ako sa kanya, nakipag beso.

"Bessy? Natanggap mo na ba yung balita?" Tanong nya.

"Anong klaseng balita naman yan?" Walang gana kong tanong.

"Si Paulo daw kasi...ano"

"A-anong meron kay Paulo? Nagulat kong tanong na medyo natataranta. Hini parin sya sumasagot. "Uy bessy!"

"Bali balita kasing nabuntis daw ni Paulo si Joana."

"ANO!? E kahapon lang kami nag break a?" Nagtatakang tanong ko.

"Kasi bessy ano... ano kasi..."

"Ano?"

"Sorry talaga bessy..."

"Bakit ka nagsosorry? May nagawa ka bang kasalanan? Ha?"

"Last year kasi bessy bago ang 2nd anniversary nyo ni Paulo nakita ko silang dalwa ni Joana na naghahalikan sa bar nila Joana. Tinanong ko yung waiter kung ano ba ni Joana yung kahalikan nya, tapos ang sabi nung waiter boyfriend daw. Sorry talaga bessy ngayon ko lang nasabi sayo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpected wifeWhere stories live. Discover now