Part 4

1 0 0
                                    

Bigla akong nawalan ng gana. Nakaramdam ako ng galit, hiya, at sakit. Tumayo sya at naglakad na palayo sakin.

Mas lalong bumuhos ang luha ko. Sa 3 years na pagsasama namin, mawawala nang dahil dito! Hindi ko maiwasang kamuhian si daddy.

Pumasok ako sa school nang lutang hanggang maguwian hindi na ako nakapag lauch dahil Hindi ko pa din maalis sa isip ko yung huling salitang lumabas sa bibig ni Paulo. Bakit parang ganon nalang kadali sa kanyang makipag hiwalay sakin?

Nang uwian ay hindi muna ako umuwi. Sa halip ay pumunta muna ako sa Plaza para mapagisa. Nakakainis lang dahil nagmuka akong nakakaawa dito, puro couples! Umalis ako sa inupuan ko dahil nga ako lang yata single don. Habang nag lalakad ay tumitingin ako sa likod ko. Dahil parang may pamilyar na lalake akong nakita.

BOOG!

Shet! May nakabangga sakin. Nahulog tuloy yung mga dala kong papers. Pinulot ko ang mga ito, tumulong din naman yung lalakeng nakabangga sakin.

"Sa susunod kasi ay titingin ka sa dinadaanan mo!" Singhal ng lalakeng nakabangga sakin.

"Ay! Pasensya naman ho! Nakastorbo siguro ho ako sa paghahalikan nyo ho ano?" Pangiinis ko

Hindi na sumagot nag lalake, itinuloy nalang nya yung pakikipag halikan dun sa babaeng naka mini skirt at tube na pantaas lang! Sayang, gwapo sana sya!

At dahil nga puro couples dito, nagpasya nalang akong umuwi. Mabuti nalang at hindi ko naabutan si daddy paguwi ko kaya dumeretso na ako sa kwarto ko tsaka naligo bago kumain. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ulit ako para matulog.

Unexpected wifeWhere stories live. Discover now