We found a 'Build-a-bear' shop, I went in and picked out a bear for Devin. I designed it to look like her, I picked a plaid shirt for the bear to wear as well as a hard hat. 

After stuffing it and recording my message for her which was 'I love you, always Devin.' Ipinatago ko na ito kay Batch.

January 21, 2017

Today is Devin's birthday. Excited akong batiin ito. Pero tulad ng plinano namin ng mga ka-bandmates niya at ni Batch. I refrained myself from greeting her. Natapos ang araw at successful ko siyang naiwasan. Nagpeprepare kami ni Batch at Abby sa venue ng birthday ni Devin. Which is sa pad ni Cara, kung saan sila nagpapractice ng mga kabanda nila. Syempre ako ang punong abala. I was finishing some decorations and laying out the table. 

Ilang oras pa, natapos na kaming mag-ayos. Cara, informed us via text na 5 Minutes na lang eh nasa tapat na sila ng pintuan niya. Pagbukas ng pinto ni Devin, si Batch at Abby na may hawak na party poppers ay pinaputok na nila. Sabay-Sabay kaming sumigaw ng Happy Birthday Devin. Nagulat si Devin, halata naman. Hawak ko ang isang malaking cake na may number 19 na candles. Lumapit ako sa kanya habang kinakantahan na siya ng Happy Birthday. 

After nila kumanta at ng mahalata kong wala pa siyang balak hipan ang kandila nagsalita na ako.

"Love, make a wish and blow out the candles." sabay ngiti ko sa kanya. 

Tila naman bumalik na sa ulirat si Devin, saglit itong pumikit at hinipan na ang kandila. Matapos nito ay ibinaba ko na sa table ang cake niya. Namiss ko siya, dahil isang linggo ko itong tinataguan. After kong maibaba ang cake, agad ko siyang niyakap. 

"Love, nasurpresa mo ko ah?" bati nito sa akin. 

"Syempre naman love, makakalimutan ko ba?" natatawa kong sabi sa kanya. 

Bago kami nagkainan, si Cara ay nagsalita muna. 

"Devin, mayron kaming isang munting presentation para sa'yo. Kasi tong si Myrtle nahihiyang kumanta ng live, so gumawa na lang siya ng MV para sa'yo. In fairness my friend, may talent din tong bata na to ha?" Natatawang sabi naman ni Cara.

Agad nang bumaba ang projector and the MV we made last week played. Tove Lo's Habits. Medyo nasabukan ang pagka-sexy ko dito. Si Cara ang nag direct ng video na ito kaya medyo sumexy yung dating. Tahimik lang na nanonood si Devin. Habang nagtatawanan naman ang mga kabandmates niya. Matapos ang Music Video ay nagsalita naman ako para kay Devin. 

"Love, pasensiya ka na sa pinag-gagagawa ko sa Music Video na yun, it was Cara's fault. But, I want to wish you a happy birthday. May all of your wish come true and may you have many more birthdays to come. I love you Devin Lennon, always." nakangisi kong sabi dito.

"Love, ok lang pero wag mo nang uulitin yan." Natatawang sabi naman nito sa akin.

Sinimulan na nila ang mini programs nila, nagprepare sila ng ilang kanta na kakantahin. Including one of Devin's compositions na kinanta ni Arden at Aria. Si Drei at Si Charlie at Si Cara ay kumanta din ng kanya-kanya nilang kanta. 

The night went on, nag-enjoy naman kami sa inuman at tugtugan. Syempre pinaunlakan kami ng ilang kanta ni Devin. Pagtapos nito ay nag-decide na kaming umuwi, hinatid namin si Abby at Batch na wasted na wasted. After that we went home, pagkapark niya sa parking space agad ko namang inabot sa kanya ang paper bag na dala ko kanina pa. 

"Love, before the day ends, eto na yung totoong gift ko para sa'yo." Sabi ko naman sa kanya sabay abot ng paper bag.

Binuksan niya ito at sumilay ang isang magandang ngiti sa labi niya ng makita ang bear na bigay ko. Pinindot niya yung left paw ng bear at tumunog ito. Niyakap niya ako. 

Two Steps BehindWhere stories live. Discover now