Chapter 21

4.9K 115 0
                                    

Aizen's POV

Ang dami kong pasyente na kailangan tingnan ngayong araw. Nawawalan na rin ako ng oras sa mag-ina ko. Tsk. Ayaw ko ng ganito pero wala ako mamagawa.

Bumungtong hininga ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Lalong tumatagal dumadati ang pasyente. Walang araw na walang pasyente.

"Parang ang laki ng problema natin ah." Napatingin ako sa nagsalita.

"Hindi naman pero hindi ko naman alam ang gagawin ko dahil nawawalan na ako ng oras sa mag-ina ko." Nilagay niya ang kanyang kamay sa balikat ko.

"Ilang araw ka na hindi umuuwi sa inyo kaya umuwi ka na, Aizen."

"Hindi pwede. Ang dami ko pang--" Biglang inagaw ni Alex ang record ng mga pasyente sa akin.

"Hmm... Ako na bahala sa mga pasyente mo. Ikaw may inuuwian sa bahay mo, ako wala." Abala ito tumitingin sa record na hawak niya.

"Pero may secret girlfriend?" Napatingin sa akin si Alex. Akala mo hindi ko malalaman iyon ah.

"Huy! Wala. Saan mo naman marinig ang tungkol diyan?" Nagkibit balikat ako.

"Instinct."

"Umuwi ka na. Naghihintay sayo si Aya at baka manganak ang asawa mo wala ka sa tabi niya." Tinutulak ako ni Alex. Kaya ko naman maglakad ah.

"Teka nga, Alex. Ako ang boss dito. Ibig sabihin noon vice lang kita."

"Alam ko! Inisipin mo ang kalagayan ni Aya pag wala ka sa tabi niya."

Tama si Alex. Ilang araw na rin ako hindi umuuwi ng bahay dahil busy sa ospital.

"At kailangan mo na rin ng time management." Sabi nito. Magsasalita pa sana ako pero nakaalis na siya.

Wala na ako magagawa dahil kinuha na ni Alex ang trabaho ko kaya nagpasya na ako umuwi sa bahay.

Nang nakarating na ako sa bahay ay sinalubong ako ni Mykiel kaya binuhat ko siya.

"Musta, lad?" Masaya akong makita ulit ang anak ko.

"Ayos lang po ako, daddy nandito na po kasi kayo." Lalo ako ngumiti sa anak ko. Talagang namiss ako.

"Nasaan ang mommy mo?"

"Nasa kwarto po siya. I think she's sleeping again." Binaba ko na si Mykiel pero napansin kong kalat ng mga laruan niya sa sala.

"Okay, lad. Pagkatapos mo maglaro ligpitin mo ang mga laruan mo."

"Yes, dad!"

Pagkarating ko sa kwarto namin ay sinilip ko ang loob. Tulog na tulog si Aya at mukhang nasarapan sa tulog. Tumabi na ako sa kanya at pinikit ko na rin ang mga mata ko dahil sobrang antok ko na. Ilanv araw na rin ako hindi nakakahiga sa kama dahil sobrang busy ko sa ospital.

Nagising na lang ako noong may yumuyugyog sa akin kaya dumilat na ako. Si Aya lang pala ang gumigising sa akin.

"Why, wifey?"

"Hindi ba ako nanaginip dahil nandito ka sa tabi ko?"

"Bakit ka naman nanaginip?" Humikab ako bago umupo sa kama. "Nope, this isn't a dream. Dahil nandito talaga--"

Bigla akong niyakap ni Aya. I know she really missed me as I missed my wife as well."

"Naiintindihan kong sobrang busy ka sa ospital pero sobrang namiss kita, hubby." Ang sarap talaga pakinggap sa tuwing tinatawag ako ni Aya na hubby.

"Kinuha na kasi ni Alex ang trabaho at pinapauwi na rin niya ako."

"Then, I should thank him." Nakangiting sambit niya pero biglang nawala ang ngiti sa mga labi nito.

"What's wrong? May masakit ba?"

"Wala naman. Iniisip ko lang baka wala ka sa araw ng kabuwanan ko."

"That's impossible. Kahit busy ako sa trabaho ay kasama mo ko sa kabuwanan mo, Aya. Kaya huwag mo na isip ang bagay iyan."

"Promise?" Tumingin siya sa akin kaya ngumuti ako sa maganda kong asawa.

"Yes, promise." Hinalikan ko siya sa pisngi. "Damn, sobrang miss ko kayo. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko kung hindi kinuha ni Alex ang trabaho ko."

"Bakit naman bigla kinuha ni Alex ang trabaho mo kanina?"

"Nakita kasi niya akong problemado kanina kaya siguro naisip niyang kunin na lang yung mga natitirang pasyente na kailangan kong tingnan. At saka iniisip din niya ang kalagayan mo baka daw wala ako sa tabi mo pag nanganak ka na."

"Mabuti na lang na nagkaroon ka ng mabait na kaibigan katulad ni Alex. Hindi yung katulad ng mga kaibigan mo na sina Chuck."

Natawa ako sa sinabi ni Aya. Tama naman siya mabait si Alex kumpara sa tatlong kaibigan ko.

"Mabait rin naman yung tatlo pero palagi nga lang active sa mga kalokohan."

Speaking of those three, hindi ko na sila nakikita pagkatapos ng kasal namin ni Aya. Siguro mga busy ang mga iyon sa trabaho nila. Si Chuck naging isang engineer, si Buck naman ay isang architecture at Luca isang magaling na programmer sa isang kilalang kumpanya. Hindi nga ako makapaniwala na kakayanin ng tatlong iyon ang apat na taon sa college. Akala ko nga hanggang kalokohan lang ang alam nila pero successful na sa mga trabaho nila.

Kinabukasan...

Nakaupo ako sa harap ng hapag habang umiinom ng kape. Naalala ko bigla yung panahon nagseselos ako noong kasama ni Aya si Alex kaya kinuha ko sa kanya yung hawak niyang kape. Alam naman ni Alex na mahal ko pa rin si Aya kaya wala siyang interesado kunin sa akin kung ano ang akin.

"Good morning, dad." Nakita ko si Mykiel nakasuot na ng school uniform niya.

"Good morning, lad. Kain ka na baka mahuli ka pa sa klase ko."

Umupo na rin si Mykiel sa hapag kaya inabot ko sa kanya ang fried rice at ulam para makakain na siya.

"Daddy, this weekend na po ang birthday ko."

"Really?" Tumango sa akin ang anak ko. Mykiel is turning 6 this year at ngayon lang ako nakasama ng anak ko sa birthday niya. Kailangan kasama niya ako.

"Pwede ko po kayo makasama sa birthday ko?" Tanong niya sa akin sabay subo ng pagkain sa bunganga niya.

"Sure, lad. Ngayon taon ang unang birthday mo na magkasama tayong dalawa."

"Yes po. Kahit iyon lang ang regalo na matatanggap ko. Gusto ko lang po makasama kayo ni mommy."

"Matutupad iyan kahilingan mo, lad." Tumingin ako sa orasan dahil mahuhuli na si Mykiel. "Hatid na kita sa school mo."

Pagkahatid ko kay Mykiel sa school niya ay umuwi na ako agad sa bahay baka kasi gising na si Aya.

"Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap pero wala ka." Niyakap ko ang asawa ko dahil kahit anong oras ay baka umiyak.

"Hinatid ko lang si Mykiel sa school niya." Humiwalay na ako sa pagkayakap sa kanya. "Malapit na pala ang birthday ng anak natin, Aya."

"Yes, sa weekend na ang birthday niya."

"Ang gusto lang niya ay makasama tayong dalawa at ngayon lang kami magkasama sa birthday niya kaya gusto ko lang bumawi sa anak natin."

"Walang problema sa akin as long as makita kong masaya si Myke."

~~~~

Catching Her Heart will be publish after this story.

Enzo's Story

-Skye

STATUS: Married With My ExWhere stories live. Discover now