Chapter 7

6.7K 176 1
                                    

Bumalik na ako sa desk ko pero napansin kong sarado ang opisina ni Aizen. Lumapit ako doon para tanungin kung gusto niya ng miryenda. Gugutom na kasi ako. Hindi pala ako kumakain ng lunch.

"Fuck. Nika, I forgot to tell you something." Natigilan ako sa pagpihit ng doorknob dahil kausap pa rin pala niya ang girlfriend niya.

"What is it?"

"Wala ng kasal ang magaganap sa atin."

"Why? Hindi mo ba talaga akong magawang mahalin, Aizen? Siya pa rin ba?"

Siya? Sinong siya?

Pero wala akong marinig na sagot galing kay Aizen. Sinong siya?

"Sì, amo ancora Aya." Kumunot ang noo ko noong marinig ko ang pangalan ko. Bakit ako nadamay?

"Huwag kang mag-Italian diyan. Alam mo naman hindi ako makakaindi, asshole!"

"Language, young lady. Baka nakakalimutan mo kung sino ang nasa harapan mo ngayon."

"I don't care."

"I'm still your kuya Aizen, Nika. Kapatid ka ni Bryce."

Wait, what?! Rebelasyon na ito! May incest ang dalawa.

"I still don't care. You know how I hate kuya Bry."

"Sorry, Nika. Kahit anong gawin mo ay magkapatid pa rin tayo. Alam mo naman palabas lang ang lahat na ito pero kinakarir mo. Hindi mo ko pwede maging boyfriend dahil magkapatid tayo. Magkapatid tayo sa ina."

Wala na ako marinig na sagot doon sa Nika. Shocks!

"Makakahanap pa rin naman ng lalaki para sayo. Um, like Alex. Hindi ko naman nirerecommend ang kumag na iyon sayo."

"I like Chuck."

"Fuck. Not that asshole, sis. Maraming matinong lalaki diyan na rerespetuhin ka."

"No, I like Chuck. Noong unang araw ko siyang nakita ay nagkagusto na ako sa kanya. Whether you like it or not... Gusto ko si Chuck."

"Fine. Bahala ka pero huwag kang tatakbo sa akin pag niloko ka ng gagong kaibigan ko. Huwag kang iiyan sa harap ko."

"Fine. Never ako iiyak sa harap mo."

Nagmamadali akong bumalik sa desk ko para makahalatang narinig ko ang pinaguusapan nila.

"You must be ate Aya." Napaangat ako ng tingin. Ang ganda naman ng kapatid ni Aizen. Mabuti na lang hindi niya talaga girlfriend ito. At sorry na lang kung nasabihan ko siyang whore noong unang pagkita ko sa kanya.

"Nika!" Lumingon ako sa loob ng opisina ni Aizen dahilan nilakihan siya ng mga mata.

"Um, pwede bang magusap tayo kung kailan ka pwede, ate Aya? Yung walang anino ni kuya Aizen." Nilingon ko ulit si Nika.

"Sure." Ngumiti ako sa kanya. Mukhang mabait naman siya sa totoo lang.

"Thank you." Lumabas na si Nika.

"Aya..." Napalingon ulit ako kay Aizen sa loob.

"What?" Pataray ko sa kanya.

"Come here." Pagtawag niya sa akin kaya napatayo na ako para lumapit sa kanya. "Close the door baka may pumasok."

Sinunod ko naman siya kaya sinarado ko na yung pinto.

"Ano ang gusto niyo?"

"Tinanong ko na sa kakilala kong doctor tungkol sa DNA test kaya hinihintay ko na lang ang magiging resulta. Kahit anong lumabas na resulta ay napamahal na sa akin ang anak mo. Kaya kahit anong mangyari payagan mo kong bisitahin siya."

STATUS: Married With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon