Chapter 5

7.2K 165 1
                                    

Sumama pa si Aizen sa akin pagkakuha kay Mykiel sa bahay nila Callie.

"Huwag ka na bumaba dito sa kotse mo dahil galit sayo si Callie." Sabi ko.

"Why? Ano na naman ang ginawa ko sa kanya?" Sumalubong na ang mga kilay ni Aizen. Kibit balikat na lang ako. Hindi ko kasi alam kung bakit galit si Callie kay Aizen.

"Ako na lang kukuha kay Mykiel. Hindi naman ako tatakas kahit dumaan pa ako sa likuran nila dito rin naman ang labas ko." Binigyan na lang ako ni Aizen ng mabilis na tango kaya bumaba na rin ako ng sasakyan niya.

Pumasok na ako sa loob noong pinagbuksan ako ng katulong nila.

"Mommy!" Tumakbo papalapit sa akin si Mykiel pagkakita niya sa akin.

"Baby boy, naging good boy ka ba habang wala si mommy?"

"Opo." Tumingala siya kay Callie, nakatayo ngayon sa tabi ni Mykie. "Hindi po ba, tita Callie?"

"Oo. Mabait ang anak mo, Aya." Ngumiti ako kay Mykiel. Good boy naman talaga ang anak ko.

"Salamat, Callie sa pagbantay kay Mykiel ah."

"Ano ka ba. Ayos lang iyon."

Hindi na kami hinatid ni Callie sa labas dahil may gagawin pa daw siya ngayon. Kaya lumabas na kami ni Mykiel.

"Mommy, kanino pong car iyan?"

"Guess, baby boy."

"Hmm..." Pawang nagiisip ang anak ko pero nagkibit balikat na lang siya. "I don't know po."

Natawa na lang ako sa sagot ng anak ko pero nakita kong bumaba ng sasakyan si Aizen.

"Tito Aizen!" Tumakbo sa kanya ang anak ko.

"Hey, lad." Binuhat ni Aizen si Mykiel. Masaya akong makitang close ang dalawa kaya pag inamin ko kay Aizen ang totoo o malaman niya ang katotohanan ay sana maging maayos ang lahat. "How's your day?"

"Ayos lang po kasi marami ako naging kaibigan today and ako po yung nakakuha ng mataas na grades sa school."

"Really? That's great. Mana ka talaga sa mama mo."

"Paano po nakilala si mommy, tito?"

"Naging kaklase ko ang tito Aizen mo simulang elementary hanggang high school." Singit ko sa paguusap nilang dalawa.

"Yes, that's right." Binuksan na ni Aizen ang pinto ng sasakyan niya sa backseat. "Have you seen that gift, lad?"

"Yes po."

"Regalo ko iyan para sayo."

"Really po? Thank you po, tito." Biglang sumigla ang mukha ng anak ko. Ang lolo Caine palagi ang nagbibigay ng regalo sa kanya pero wala na ngayon si tito Caine. Hindi ko alam kung may alam na si Aizen.

"Hindi pa pala ako nagpapasalamat sayo, Aya." Sabi ni Aizen. Bakit naman kailangan niya magpasalamat sa akin? Humarap sa akin si Aizen. "You always there at my dad's side hanggang sa huling hininga niya. Late ko na rin nalaman ang tungkol doon kaya hindi ako nakauwi agad ng bansa. Noong nagkita tayo sa sementeryo binisita ko ang puntod ni dad at naisipan ko na rin bisitahin ang puntod ng mga magulang mo."

"Hindi mo naman kailangan magpasalamat sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa dad mo, Aizen." Hindi naman ako mabubuntis kung hindi inutos ni tito Caine na sundan ka noon. Pero hindi naman ako nagsisi na dumating sa buhay ko si Mykiel. Siya ang nagbibigay ng bagong pagasa ko.

May narinig akong kumakatok. Si Mykiel pala ang kumakatok.

"Mukhan naiinip na si Mykiel sa loob. Let's go. Hatid ko na kayo sa inyo."

STATUS: Married With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon