Chapter 1

13.6K 209 3
                                    

6 years ago...

Pagkatapos nang graduation ko ng college ay ineenjoy ko na muna ang pagiging fresh graduate ko. I'm always with Caleb, siyempre hindi ko siya naging boyfriend. Naiintindihan naman niya kung bakit hindi ako pumapasok sa isang relasyon. Dala ko pa rin kasi ang sakit noong bago umalis ng bansa si Aizen. Huli na noong narealized kong hindi ko pala kayang mawala sa buhay ko si Aizen. I love him. Pero huli na dahil nakaalis na siya ng bansa na hindi kami nagkaayos na dalawa. I broke his heart.

"Hey, Aya..." Napatingin ako kay Caleb.

"Yes? May sinasabi ka ba?"

"Wala naman. Pero gusto ko sabihin sayo na bukas na yung balik ni Callie galing Italy." Sabi ni Caleb. Hindi mawala ang ngiti ko dahil uuwi na si Callie galing Italy. I missed my best friend.

"Bakit hindi niya sinabi sa akin noong huling usap namin?"

"Dunno. Baka gusto niyang surpresahin ka. Balak nga niya dati sa araw mismo ng graduation mo siya uuwi pero hindi siya pinayagan ng boss niya until she resigned. Nainis siguro sa boss niya." Natawa na lang sa kwento ni Caleb. Hindi pa rin talaga nagbabago ang kakambal niya dahil hindi marunong magpatalo si Callie. Kahit sino pa iyan. Alam niyang palagi siyang tama kaya yung mga nakakaaway niya ay sila yung mga mali. Ang laki kasi ng pagkaiba ng kambal na ito kung si Caleb ay mabait, hindi masyado nakipagaway na kahit sino pero si Callie. Baliktaran ni Caleb.

"I can't wait to see her. It is been a long years since the last I see your twin sister." Kahit gabi gabi kami nagkakausap sa skype ay miss na miss ko na si Callie, no!

"So, sasama ka ba sa akin bukas para sunduin si Callie sa airport?"

Sasagot na sana ako noong may tumawag sa phone ko, it's tito Caine. Ang daddy ni Aizen.

"I'm going to answer this call."

"Sure. Go ahead."

Lumayo ako ng kaunti kay Caleb bago sinagot yung tawag.

"Bakit po, tito?"

"It's Aizen's graduation in 2 weeks kaya kung ayos lang ba sayo na samahan mo ko?"

It is been 4 years noong naghiwalay kami ni Aizen. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Bahala na nga!

"Okay po. Wala na rin naman po ako gagawin ngayon."

"Hindi ka pa ba naghahanap ng trabaho?"

"Ineenjoy ko lang po muna ang fresh graduate and after that maghahanap na rin po ako ng trabaho ko."

"Okay. Basta wala ng bawian na pumayag kang sumama sa akin sa graduation ni Aizen." Napangiti na lang ako kay tito Caine. Ang layo talaga ng ugali ni Aizen sa tatay niya kasi ang bait ni tito Caine tapos noong nakausap ko naman ang mama niya ay ang layo rin. Iniisip ko tuloy kung anak ba talaga si Aizen.

"Of course, tito. You have my word po." Natawa na lang si tito Caine sa sinabi at nagpaalam na siya kaya binalik ko na yung phone ko sa bulsa. Bumalik na rin ako kay Caleb.

"Sino tumawag sayo?"

"Si tito Caine."

"Bakit daw?"

"Aizen's graduation in 2 weeks."

"Pupunta ka?" Tanong niya sa akin. Binigyan ko na lang siya ng kibit balikat.

"Marami akong utang na loob kay tito Caine simulang tumungtong ako ng high school. Siya ang nagpapasok sa akin sa EA noon at siya rin tumulong sa akin noong nagaaral na ako ng college. That's why I can't say no."

STATUS: Married With My ExWhere stories live. Discover now