Chapter 16

4.9K 121 0
                                    

Aya's POV

Hindi ko alam kung ano ang pakulo ni Callie at sinama pa niya si Nika, ang half sister ni Aizen. Noong nagkakilala ang dalawa ay close agad. Mabait na bata si Nika. Noong umalis ako ng bahay ay pinatulog ko na si Mykiel. Siguro mamaya uuwi na rin si Aizen.

"Bakit may malaking regalo dito?" Tanong ko kasi naman may malaking regalo dito.

"Regalo namin iyan para sayo, right Niks?"

"Yes, ate Aya."

"Hindi ko naman kailangan ng regalo."

"Ayos lang iyan at magugustuhan mo naman ang laman." Sabi ni Callie kaya tinaasan ko siya ng isang kilay. Pinaupo na niya ako sa isang upuan. "Enjoy the show."

"Anong show ang pinagsasabi mo?!"

Nagulat ako noong may lumabas na tao sa malaking regalo. Shit, ano ito?!

"Callie!" Sigaw ko habang takip ang mga mata ko. Mamumula na siguro ang mukha ko.

"What? Enjoy the show."

Paano ko naman maeenjoy ang show kung may lalaking sumasayaw ng sexy dance sa harapan ko?!

"Humanda ka sa akin kung ikaw na ang ikakasal!" Sigaw ko. Takip pa rin ang mga mata ko gamit ang mga kamay ko.

"Hindi naman malalaman ni kuya Aiz ang ginawa natin ngayon. At saka mahal ka noon kaya mapapatawad ka niya agad." Kasabwat talaga ni Callie itong si Nika.

"Tama si Niks, Aya."

"Siguro ganoon rin ang ginagawa ng mga boys ngayon." Sambit ni Nika kaya napatingin ako sa kanya. Subukan lang talaga ni Aizen na mangbabae wala ng kasalanan magaganap.

"Subukan lang ng kuya Aizen mo tumabi na kahit sinong babae na kasama ng mga kaibigan niya. Hindi ako sisipot sa kasal namin."

"Huwag naman ganoon, ate. Mahal ka ni kuya Aiz dahil ikaw palagi ang nasa isip niya. He doesn't care about his ex maliban sayo."

"Ex? Nagkaroon ng ibang girlfriend si Aizen?"

"Yeah, pero isang araw lang tumatagal ang relasyon. Kung suswertehen aabot ng isang linggo."

"Talagang hindi nagiging seryoso sa isang relasyon si Aizen." Sabi ni Callie bago siya lumapit sa stripper. Gwapo sana yung stripper pero yung trabaho niya lang talaga, eh.

"Yes. Tapos ngayon alam niyang may anak siya sayo."

"That's why I don't want this. Mahal ko rin ang kuya Aizen mo, Nika. Ayaw ko siyang masaktan katulad ng ginawa ko sa kanya noon."

"Ano na ang gagawin natin ngayon?" Tanong ni Callie. Bumalik na pala siya sa amin. Nasaan na kaya yung stripper? "Pinauwi ko na yung stripper. Bibigay ko na lang sa kanya yung pera."

Pero ang totoo niyan tatawa ako kanina haban sumasayaw ni kuya ng sexy dance. Ewan ko ba kung bakit bigla ko naimagine si Aizen na sumasayaw na ganoon. Babaliw ka na, Aya.

"Girls night out naman ito. Let's have fun, girls."

Nandito kasi kami ngayon sa isang bar. Nagpareserve si Callie ng isang VIP room para sa aming tatlo. Alam kasi niya ayaw ko ang amoy ng alak o usok man lang nanggagaling sa sigarilyo.

"Order na lang tayo ng maiinom at pagkain. Nagugutom na ako, eh." Tugon ni Nika.

"Good idea. Nakaramdam na rin ako ng gutom." Pagsasang ayon ko. Pinindot na ni Callie yung isang button para magtawag ng isang waiter, may isang waiter ang dumating sa room namin para kunin ang order. Sinabi na namin kung ano ang gusto naming kainin.

STATUS: Married With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon