“Boss, kami na ang bahala dito. Mas mabuti pang magpahinga na muna kayo.” Anang isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Jeb sa trabaho nila.

“Sigurado kayo?” Anito sa kanila. “Yes boss. At ng magkaroon ka ng time para makilala mo si Miss Cataluna.” Pilyong turan ng mga ito sa kanyang kinangiti niya.

“Mga siraulo talaga kayo. Pero, gusto ko yan ng makilala niya ang gwapong si Tarzan.” Pagsang ayon niya sa mga ito. “Sige, wag niyo akong biguin sa mission nating ito ha. Gawin niyo ang lahat para mabulok sa bilangguan si Mayor Roxas ng hindi na makagawa pa ng kagaguhan. At kung meron problema ay tawagan niyo agad ako.” Anito sa kanila. Agad naman tumalima ang mga ito sa kanya.

Agad ngang umuwi si Jeb at sa halip na tumuloy siya sa bahay niya ay sa bahay nila Axel siya tumuloy. “O-oh! Mayron ka bang nakalimutan?” Gulat na tanong ni Jasmine ng makita niya si Jeb. Agad naman itong napakamot ng ulo.

“A-ah! e-e ano Jas. Sila na daw ang bahala. Magpahinga na muna daw ako.” Paliwanag nitong kinatawa ni Jasmine sa kanya. “Uhm. So, sinusundo mo ba si Vixen?” Tanong nito sa kanya.

“K-kung okay lang sayo.” Tila nahihiya niyang sagot na mas lalong kinatawa ni Jas. “Marunong ka rin naman palang mahiyang siraulo ka. Pero, don't worry. Secrets lang natin yun," ani Jasmine sa kanya. “Tawagin ko lang si Vixen. At........wag mo lang papaluhahin ang pinsan ko. Dahil kung hindi ako mismo ang magpapaassasinate sayo.” Babala nito sa kanyang kinakamot niya ng ulo.

“Um. Sa tingin ko maling ako ang tatawag kay Vixen sa room niya. Sigurado kasi akong hindi makikinig yun.” Maya ay ani Jasmine sabay tingin niya kay Jeb. “Nasa guest room siya.” Saad pa nito. Kaya walang nagawa si Jeb kundi ang umakyat at tunguhin ang kwarto kung saan naroon si Vxyl Ross.

Samatala ng makauwi sina Vxyl Ross sa bahay nila Jasmine ay agad siyang umakyat sa kanyang silid at nahiga sa kanyang kama para magpahinga. Ngunit hindi pa man niya naipipikit ang mga mata ay bigla siyang nakarinig ng katok mula sa labas ng pinto.

“Come in.” Anito mula sa loob. Dahan-dahan namang bumukas ang pinto. At dahil sa pag-aakalang si Jasmine ang kumakatok ay hindi na siya nag-abala pang bumangon. Hinayaan na niyang pumasok ang kumatok ng pintoan.

“A-anong ginagawa mo dito?” Gulat niyang tanong sabay balikwas ng bangon pagkakita niya sa pumasok. “Sinusundo ka.” Seryoso namang sagot nito sa kanya.

“Sinusundo para saan?” Taas kilay naman nitong tanong. “Sinusundo para iuwi sa bahay ko.” Sagot nito sabay sampa niya sa kama na tila pag-aari niya ito kung makaasta.

“Umalis ka nga dyan.” Mabilis na ani Vxyl Ross sabay tulak niya kay Jeb. Ngunit hindi natinag ang binata sa ginawa niya. “Paano kung ayaw kung umalis dito?” Paghahamon niya sa dalaga sabay higa niya. Kaya nalaglag ang balikat ni Vxyl Ross ng makita niyang kampante lang na nakahiga ang binata.

“Grrrr. Kainis naman oh!” Nasabi nito sabay hilamus ng mukha niya. “Dapat masanay kana kasi sa gwapong ito. Dahil hindi uubra ang pagtataray mo o pagsusungit sa akin.” Ani Jeb sa kanya na agad hinampas ni Vxyl Ross ng unan sa mukha.

“I hate you.”

“I like you.” Balik sagot naman ng binata na kinapula ng mukha ng dalaga. “Come on, get your things. Para makauwi na tayo sa bahay.” Maya ay seryosong ani Jeb.

Dahil sa tinuran ng binata ay walang nagawa ang dalaga kundi ang makinig. Agad siyang umalis sa kama at nagpapadyak na tinungo niya ang mga gamit para iligpit. Natawa naman ng lihim si Jeb na nakamata sa dalaga.

“Tapus ko nang iligpit ang mga gamit ko.” Nakasimangot nitong saad sa binata ng balingan niya ito. Nakangiti namang bumangon si Jeb mula sa pagkakahiga niya sa kama.

The Mind Reader Hunk(Completed)Where stories live. Discover now