Chapter 9

819 30 6
                                    

Sheryl's POV

"Is she okay?"
"She's okay na, sa pagod lang kaya siya nagpassed out kanina"
"Thanks God"

Sa timbre pa lang boses niya alam ko ng si Blaster yun, ang asawa ko. Teka, nasan naba ako? Bakit parang nararamdaman kong malambot ang nasa likod ko? Tsaka bakit parang wala kami sa plane. 

"Hon?" Boses na naman ng asawa ko

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko, para masilayan ko ang mukha ng asawa ko. At sa pagbukas ng mga mata ko, nakita ko ang mukha ng nagaalala kong asawa.

"Hon. Thanks God your awake" bungad niyang sabi sakin

Ngumiti ako sakanya, niyakap naman niya agad ako.

"Im okay na hon, huwag ka ng magalala masyado" sabi ko sakanya, kumalas siya ng yakap sakin

"Nasan na pala tayo?" Tanong ko sakanya

"Nandito tayo naglanding sa Cavite, mabuti na lang at malapit na lang tayo kaya nakapagland agad tayo at nadala ka dito sa ospital" pagsasalaysay niya sakin

Ganun pala ang nangyari.

"Well, ano pala sabi ng doctor? Bakit daw sumakit ang ulo ko?" Tanong ko na naman ulit sakanya

Kung kanina sobrang nagaalala ang kanyang mukha, ngayon naman ay may bahid na ng pagaalinlangan. Lumayo siya sakin ng may kunting distansya sa pagitan naming dalawa.

"Why hon?" Pagtataka kong tanong

"Wala hon, sabi ng doctor sa pagod at stress daw kaya ka biglang nakaramdam ng pananakit ng ulo" sabi niya sakin

Ganun ba? Ganun lang ba yun? Bakit iba yung sakit na nararamdaman ko? Hindi naman ganito ang nararamdaman ko kapag sobrang pagod ako.

"Thats all?" Pagtataka ulit
"Yes hon, why?" Balik na tanong niya din sakin , umiling lang ako. Lumapit siya ulit sakin, inayos niya yung kumot ko.

"Kaya, you need to take a rest, and if okay na at pwede ka ng ilabas. Diretso na agad tayo sa manila. " sabi niya tinitingnan ko lang ang mga mata, sa sinasabi ng kanyang mata halatang may hindi siya gustong sabihin sakin?
Ano yun? At bakit?

"Okay hon? Magrest hah?" Sabi niya ulit sabay kiss sa forehead ko.
"I love you hon?" Pahabol niya

"I love you too" sagot ko

Maglalakad na sana siya palabas ng kwarto nato,

"Hon?" Tawag ko sa kanya, nilingon naman niya ako

"Yes?" Tanong niya

Wait, huwag na pala. Hintayin ko na lang siya ang magsabi sakin. I can wait. Umiling ako sakanya then I smile.
Then he continue to walk para makalabas ng room, pinagmamasdan ko lang ang likod niya hanggang sa sinarado na niya ang pinto

Why Do I need to feel this? Bakit parang may pagdududa akong nararamdaman? And.... and... and....
also the picture?

Nakatingin lang ako sa puting kisame. Habang nakahiga. That picture.. there is something about that guy in the picture...  I can feel it.. I can feel na parang may connection...

Iniisip ko rin ang biglang pagsakit ng ulo ko, habang sumasakit ang ulo ko, may mga image akong nakikita pero malabo.. ano yun? Bakit bigla nangyari sakin yun?  I think I need to talk to the doctor kung sino man ang nagcheck up sakin, pero hindi dapat malaman ni blaster. Hindi ako nagddoubt sakanya, kailangan ko lang talagang malaman sa sarili kong paraan.

"Stole magazine" bulong ko.. that magazine company? I need to go there..

"that guy.. Mr. Hillary Sebastian.." bulong ko ulit I need to talk to him..

Kailangan na talaga namin magmadaling pumunta ng manila.. kailangan kong tawagan si Anne.. oo tama si Anne ang Vice Chairman ng Stole Magazine...
-------

Anne's POV

"So ma'am ganun po ang magiging concept natin ngayon. "

"Hmm, Ma'am Anne? "

"O-okay ifinalize na yan" out of the world kong sabi

"Ma'am are you okay po?" Tanong sakin ni vans

"Yes Im okay Vans. Alright meeting adjourned. You may go back to work" sabi ko sa lahat tsaka ako tumayo at naglakad palabas ng Conference room

"Anong nangyayari kay ma'am?"
"Ewan ko ba, tara balik na tayo sa trabaho baka satin ibuntong"

Mga bulungan nila habang naglalakad ako papuntang office ko. Well, wala akong paki muna sakanila. Dire-diretso akong pumasok sa office ko. Nang makapasok ako, umupo agad ako sa Swivel chair ko. Hayy, ngayon ko nararamdaman yung stress ..

Tok! Tok! Tok!
Tok!tok! Tok!

"Come in" sabi ko
"Ma'am coffee po, uso din po kasi magpahinga, yung eyebag niyo po pantay na sa ilong niyo" sabi ni vans

Nailing na lang ako dahil sa sinabi ni vans, he was very annoying person, naughty but caring one.

"Well I hope so" sagot ko, ngumiti lang siya sakin tsaka lumabas

Uminom ako ng kunti sa kape  na sinerve ni vans, masarap din siya magtimpla ng kape. After nun, sumandal ako sa swivel chair ko, inikot ko ito tapos ay hinarap ko sa glass window ng office ko. 

Bakit ba ganun? Ang daming problems.

"AYOKO NA TALAGA SA ERT! " sigaw ko, Im sure narinig ng mga nagtatrabaho sa labas pero wapakels. Kailangan kong irelease ang stress ko..

"PROBLEMS GO AWAY! Please don't come in another day!!" Damn! I hate this f*cking life.. kami naiipit ni sherwin..

And speaking of sherwin.. I need to call him , kinuha ko yung phone ko then Dinial ko ang number niya, ilang ring palang sinagot na niya ..

["did you sleep well?"] bungad kong tanong agad

["I think so, Thank you babe"] sagot niya, mukhang kagigising palang niya

["its nothing babe, don't think about it hah? Everything will be okay"] paalala ko sa kanya

["okay, but when we can tell them?"] tanong niya.. napaisip din ako pero its not the right time to tell them the truth

["when its right time babe, ang mahalaga masecured natin ang kaligtasan mo at natin.. "] sabi ko

["okay"] tipid niyang sagot

[" kumain kana, pagkatapos ng mga ginagawa dito, pupuntahan kita jan. Kumain kana rin"] sabi ko

[" I will babe, thank you again"] sabi niya then I ended the call

Sa totoo lang parang suntok sa buwan ang lahat ng sinabi sakin ni Sherwin, para akong binangungot dahil doon, kaya alam ko ang nararamdaman ni sherwin, kaba, takot at pagaalala. Pero dahil nga sitwasyon namin, kailangan muna namin manahimik, ayokong mangielam sa lahat ng nangyayari ngayon.. okay ang lahat ngayon.. hindi na dapat pang guluhin..
----
Keep on voting guys! Thank you ☺️
Don't forget to leave a comment ☺️

Please subscribe on my Youtube Channel JinAndAj ☺️ so that we can have some bond.

-Lady Yukisophy-

Second Chance [On-Going]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora