Chapter 86

42 3 2
                                    

IAN

"dad?" tawag ko agad kay daddy pagdating sa bahay

"anak" sagot naman nito

Ang sarap lang din talaga sa feeling na may magulang kang madadatnan sa bahay pag-uwi mo kaya nakakawalang pagod.

Lumapit si dad sakin gamit ang wheel chair niya. Until now kasi hindi pa rin magaling ang mga paa na dala ng aksidenteng nangyari sakanya pero winowork out namin ang legs niya pinapatherapy every week. Dedicated din si dad na makalakad agad kaya hindi kami na hihirapan kaya every week may good results.

"kumusta ang lakad mo kagabi?" tanong nya agad sakin. Nagmano ako sakanya bago ko sinagot ang tanong niya tsaka inalalayan na syang itulak papuntang sala.

"Ayos naman dad, ikaw ba dito kumusta ka?" tanong ko din. Hindi kasi alam ni dad na galing ako kila sheryl

"okay din anak medyo nabored lang ako kasi wala ka dito." sagot niya na sobrang na-touch ako 

"oyy! si dad namimiss din  pala ako kahit madalas mabwesit sakin" pang-aasar ko sakanya akmang babatukan niya ako pero nakaiwas na agad ako.

Umupo ako sa harapan niya para makapag-usap kaming dalawa.

"kumain ka na ba dad?" tanong ko 

"oo, ikaw ba ? meron pa namang natirang steak jan" sabi niya

"Kumain na po ako , actually may gusto akong sabihin sayo" pag-oopen ko sa sasabihin ko.

"oh ano yun? napainom ka na naman ng madami kagabi? Hinabol ka ng mga babae kagabi? ano?" sagot agad ni dad sakin, nangingiti na lang ako dahil naaalala pa ni dad yung mga kagaguhan ko

"hindi dad iba 'to, actually nakapag-usap na kami ni sheryl" sabi ko , narinig palang niya ang pangalan ng unica ija niya halatang mas lumiwanag ang aura ng mukha niya

"and then ?" excited syang malaman ang napag-usapan naming dalawa

Kung malalaman lang ni dad kung paano nangulila si sheryl sakanya sigurado akong sisissihan na naman nya ang sarili niya pero alam ko din sobra syang matutuwa kung malalaman niya na namimiss na syang ni sheryl at ginagawa niya lahat para mabuo sila.

"Well, we talked about our backgrounds nagulat nga sya about sakin dahil di niya inexpect na heredero pala 'ko and napag-usapan din namin yung mga bagay na maaaring makatulong satin para makaganti kay Amanda." sabi ko pero mas excited pa ata syang malaman kung tinanong sya ni sheryl sakin

"and syempre knwento kita sakanya dad" dugtong ko walang mapaglagyang excitement ang nakikita ko sa daddy ko

"ano sabi niya?" tanong niya

"ayun! sana soon magkita daw kayo at makapag-usap. Kaya ikaw bilisan mo na ang recovery mo para mapuntahan mo na sya pero huwag ma-pressure okay? nandito ako para alalayan ka.." sabi ko sakanya para mas motivate syang magpagaling.

Hindi ako nagseselos na mas excited pa syang makita at makausap si sheryl dahil alam naman ng sarili ko na hindi ako ang tunay na anak niya. Nakita ko rin ang sobrang pangungulila niya sa pamilya niya na  naramadaman ko noon. Parehas namin binuo ang isa't isa simula nung parehas kaming nadapa sa pangungulila kaya mula noon nangako ako na tutulungan ko sya sa kahit na anong paraan, hindi rin naman sya nagkulang para suportahan ako at paalalahanan sa lahat ng bagay o sitwasyon at higit sa lahat sa pagiging ama nya sakin ng mahabang panahon na kahit alam nyang 'di niya ako anak itinuring niya akong pamilya kaya kahit matalim minsan ang bibig ng tatay ko na 'to sobrang mahal na mahal ko 'to kaya nga ganun na lang ang saya ko nung nagkita sila ng asawa niya si tita rachelle sobra yung saya ko dahil paunti-unti nagpprocess na yung mga pangarap niya.

Second Chance [On-Going]Where stories live. Discover now