Chapter 7

701 22 1
                                    

Anne's POV

["WHAT?! Really?"] super oa na sigaw over the phone with super dilat pa ng mata

["bakit biglang napaaga? Akala ko ba next week pa?"] tanong ko sakanya with kunot noo

[" Ganun ba? Well, ano paba magagawa ko? Sige I'll wait you here. Just tell me if ever na nandito na kayo"] pagsang ayon ko

[" okay bye! Take care I can't wait to see you"] sabi ko then she ended the call, may pagkabastos din talaga ang kaibigan ko ehh

After that call, humiga ulit ako at tumingin sa kisame.

"Ano kaya mangyayari kapag bumalik na siya dito?"
Tanong ko sa isip ko. Bumaling ako patagilid pakaliwa, then another question come out to my mind

"What if mabago ang lahat? What if mali pa ang lahat ng to?"

Baliw na ata ako dahil kung anu-ano ang naiisip kong tanong.
Tatlong taon na din kasi ang nakalipas since ng umalis dito si sheryl papuntang New York. Doon sa lugar na yun, ginawa niya ang lahat para lang makalimot at tuparin ang mga pangarap niya. At sa pagpunta niya doon, ang daming nabago sa storya, nagpakasal siya kay blaster which is agree naman ako dahil tama lang naman na doon siya sa taong mahal talaga siya. Pipikit ko na sana ulit ang mga mata ko ng tumunog ulit ang phone ko.

"Another one!" Gigil kong sabi dahil sa tawag nauudlot ang pahinga ko

I answer the call then I hear the voice of my abnormal fiance

[" ohh"] iritado kong sagot
[" I heard everything babe"] sabi niya, vsa tono niya parang naguguilty siya
[" babe, ano ba narinig mo?"] medyo nagaalala kong tanong

Oo may kalokohan ang lalaking ito, madalas siya magprank call, pero hindi ganito ang pakiramdam ko tuwing ipaprank call niya ako.

["Everything was wrong babe"] sagot niya, sa tinig ng kanyang boses mas lalo akong kinabahan
["What are you talking about babe? If this is another prank call? Please babe stop it, hindi ko na talaga nagugustuhan"] pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil sa bawat babanggitin niyang salita ibang kabog sa dibdib ko ang impact

["I don't know what to do babe, they said if someone knows about it, papatayin nila"] mas naging seryoso ang sinabi niya, at sa bawat buka ng bibig niya ramdam mo ang panginginig niya sa takot kaya mas lalo akong kinabahan at hindi na ako mapakali

[" alright babe whatever it is, just calm down okay? Now where are you?" ] kalmado ko paring tanong, ayoko ng sumabay sa takot niya dahil kung sasabay pa ako baka mabaliw lang ako 

[" Im in my room right now, please help me babe"]  sagot niya
[" okay, just calm down, I'll be right there. Don't go anywhere, don't end this call okay?  Huwag mong patayin"]  sabi ko sabay kuha ng gamit ko,

I cannot lose my fiance, kahit na anong mangyari. At kung ano man yung sinasabi niyang narinig niya. 

------
Third Person's POV

Sa loob ng isang malaking kwarto, mayroong mahabang lamesa. Sa sentro nito, may nakaupong lalaki. Sa tikas ng kanyang katawan mahahalata mo siya edukado at disente.  Habang pinaglalaruan ang kanyang kopita.

TOk! Tok! Tok! Tok!

"Come in" sabi ng lalaki sa kumakatok

Sa pagbukas ng pinto, iniluwal nito ang isang lalaki din. Hindi ganun katangkaran ngunit may maamong mukha, at moreno.

"Sorry to disturb you dad. Itatawag ko na lang sana kaso mas gusto kong makita ang magiging reaksyon sa personal" sabi ng lalaking moreno

"Its okay. Ano ba yun? At sinadya mo talaga ako" tanong naman ng lalaking nakaupo.

"She's back dad" sabi ng lalaking moreno.

May gumuhit na ngiti sa labi ng lalaking nakaupo. Maging din ang lalaking moreno.

"So dad? What's your next plan?" Tanong ng lalaking moreno sa lalaking nakaupo.

"Well, for now wala. But may gusto akong ipagawa sayo." Sabi ng lalaking nakaupo

"Ano yun dad?" Tanong ng lalaking moreno na makikita mong sobrang curious din sa ipapagawa ng kanyang daddy.

"Gusto ko batayan mo siya, gusto ko bawat galaw niya ireport mo sakin. Pwede ba yun anak?" Sabi ng daddy niya walang kung anu-ano ay sumagot agad ang lalaking moreno

"Yes dad. Anything for you I will do everything" sagot nito, tumango namang ang daddy niya ng may ngiti

"Well dad I need to go" masayang sabi ng lalaking moreno

"Thank you son" sabi ng daddy niya sakanya

Tumalikod naman ang lalaking moreno sa daddy niya ng may saya. Inikot na niya ang door knob pabukas ng bumaling ulit ito sa daddy niya.

"Dad? Thats enough okay? And your medicine drink it okay?" Paalala ng lalaking moreno sa daddy niya

Sumenyas pa itong isa pa pero umiling ang anak niya kaya naman tinigil na niya ang paginom ng wine, pinakita niya sa anak niya ang pagkuha ng isang basong tubig , tinaas niya pa ito. Tumango naman at nag okay sign ang anak niya. Kaya naman tuloy na itong lumabas ng kwartong yun.

---
A/N : Hi guys! Dahil sa mga nabasa kong comments sa book 1 and dito sa book 2 na sobrang nakakatuwa, ito na yung dalawang sunod na updAte ☺️☺️
Thank you guys sa pagsupport :)
And guys! Pasuyo naman DON'T FORGET TO VOTE AND SHARE this story guys, and also also please leave a comment para naman alam ko yung mga thoughts niyo about sa bawat lines or sa whole chapter. Iloveyou guys!

-Lady_Yukisophy-

Second Chance [On-Going]Where stories live. Discover now