Chapter 51 Bonding

283 9 0
                                    

BLASTER

I hate this feeling, I'm his husband pero bakit pakiramdam ko nakikihati pa din ako ng pagmamahal Kay Sheryl. Taon kaming nagkasama ni Sheryl pero bakit ganito?

Tuwing makikita ko silang magkausap o magkasama pakiramdam ko out of place ako sakanilang dalawa.

Ilang beses ko na silang nakikitang dalawa na magkasama na Hindi Alam ni Sheryl na parang tinataon talaga na Makita ko.

Ano to? Isasampal talaga sakin na Kaya Lang ako minahal ni Sheryl dahil sa nangyari sakanya?

One time, I saw them eating a street foods. They are laughing na parang Hindi ako kasama ni Sheryl, ngumingiti siya kay hillary na ibang-iba sa ngiti na binibigay niya sakin. That time Sabi Niya sakin magccr lang siya, pero Hindi sinundan niya si Hillary, di ko din Alam Kung bakit sinundan ko siya, para akong nanigas sa kinatatayuan ko nun pero kinaya ko, bumalik ako ng table namin na parang walang nakita.

Second time, yung sinamahan niya ako mag table tennis. I said to her na tuturuan ko siya pero ayaw niya. Yes she doesn't like indoor games dahil more on siya sa mga outdoor and extreme activities or games.  Nagpaalam siya ulit sakin na magccr lang siya. Ilang minuto ang nakalipas ang tagal niyang bumalik. Pinuntahan ko siya sa c.r pero Wala siya doon, saktong pabalik na ako nang makita ko na naman silang magkasama, si sheryl na mukhang nageenjoy sa pagtuturo ni Hillary sa kanya ng basketball. Matagal ko silang tinitingnan pero Hindi din ako nagtagal dahil lalo lang akong nasasaktan. Bumalik ako sa room ng table tennis. Tiningnan ko ang buong pinaglalaruan ko, pakiramdam ko mag-isa ako, iniisip ko na tinuturuan ko si Sheryl dito pero hindi.ll

At panghuli, kagabi naramdaman ko na bumangon siya sa kama Kaya nagising din ako pero di ako nagpahalata, Nakita ko siyang pumunta sa balcony, pamaya-maya nagsuot siya ng jacket. Inayos niya pa ang kumot ko bago siya lumabas ng kwarto namin. Dumilat ako, "saan siya pupunta ng ganitong oras?"

Tanong ko sa sarili ko, bumangon ako. Pumunta ako sa balcony. Nilibot ko ang mga mata ko, saktong pagtingin ko sa baba nakita ko sila hillary at Sheryl,nung nakita ko sila pumasok agad ako sa loob,  Hindi ko lubos maisip na lalabasin pa ni Sheryl si Hillary Ng ganitong oras.  Bakit? Saan ako nagkulang para gawin sakin to ni Sheryl?

Nasasaktan man ako pero kailangan ko itong kimkimin hindi sa takot ako na mag-away kami kundi takot ako na iwanan niya ako. Yes, I'm so selfish pero dahil yun sa sobrang pagmamahal ko kay Sheryl. Kahit di niya Alam araw-araw akong humihingi ng patawad sa kanya sa mga ginawa ko o ginagawa ko. Wala pa man din nakikita ko na ang magiging resulta ng lahat once she finds out.

Right now, andito kami sa beach. Sila nandoon sa may burn fire, ako nandito sa may bar ng beach tapat lang din naman. Pakana ni Anne, dahil kapag daw nakauwi na kami realidad na naman ang kahaharapin namin.  Magkasama sila ni Anne, nagsasayaw.

"Hey!" Sigaw sa likuran ko, lumingon ako ng pasimple.

"Hey" Sabi ko sa lalaking kinaiinisan ko, umupo siya sa tabi ko may dala siyang bote ng alak.

"Why are you here?" Tanong niya

"Same as you drinking" sagot ko

"Bakit di kayo magkasama ni Sheryl?" Tanong niya ulit

Kailangan talaga itanong pa niya Kung bakit di kami magkasama?

"Hindi naman sa lahat ng oras kailangan magkasama kami, actually we have more time to be together" Sabi ko.

Natahimik siya.

"By the way, congratulations na agad" Sabi ko

"For what?" Tanong niya

Second Chance [On-Going]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin