Chapter 17- Secret Siblings

9.8K 250 5
                                    

Zoey's POV

Dahil sa kalokohan ni Khal at Cailee, nahanap ako ni Kuyang British. Iisa lang pala kami ng University na pinapasukan at classmate niya si Cailee sa isang subject.

And he is asking me to see a movie...

I don't want to go, dahil hindi siya si Rome.

-------------------------

I told Kuya Trevor that it is better kung hindi muna kami magkita. Alam kong may alitan sila ni Rome and ayaw kong magkasakitan sila.

Last day ni Allison sa Country Club ngayon, babalikna sila sa Baguio ni Khal bukas. Jack is busy on saving the world. Nakatulong ang binigay na information ni Allison, salamat naman.

Nasa bahay kami nila Khal ngayon. Ako, si Cailee, si Allie at Khal. Wala ang mga boys. They are somewhere na malayo kay Allison.

Hindi ko inaasahan na dumating si Kuya Trevor. Hindi alam ng mga kaibigan ko ang nangyayari kay Rome at Trevor so they welcomed him.

"Pwede ko bang mahiram muna si Zoey?" Nakangiti si Kuya. Si Cailee lang ang nakakaalam na magkapatid kami.
"Isauli mo lang ng walang galos at baka mapagbintangan kami ni Rome." Khal answered jokingly.
"Sa likod lang kami Khal." Paalam ko sa kanya.
"Sure. Wala namang ibang tao." She replied.

Umupo kami sa lounge chair sa tabi ng mini swimming pool nila Khal.

"Sorry for what happened on Negros." Simula ni Kuya.
"Naiintindihan ko naman." I replied.
"Ano ang plano nyo ni Rome?"
"Magpapakasal muna kami sa civil." I replied. Ang totoo, si Rome ang may plano hindi ako.
Tumango si Kuya.
"Are you happy with him?" Tanong niya.
I smiled and nod. "Very."
"And I heard you will have a twin. Sana naman sinasabi mo sa akin directly at hindi ko nababalitaan sa iba."
"Sorry... Everybody is excited about my babies. Pero blurred pa rin ako. I should have told you before."
Kuya hold my hand.
"Gusto kong sabihin kay Rome kung ano tayo talaga."
Umiling si Trevor. "Sorry. I can't Zoey."
Nalungkot ako. Hanggang ngayon secret siblings pa rin kami. His family on his mother side is prominent. They have issues about our father. Hindi nila tanggap na isang simpleng empleyado si papa. Na anak sa labas ni Trevor. He had a hard time growing up with those scrutinizing eyes.
"Ayaw kong madamay ka pa sa kabaliwan ng pamilya ko." He replied.

"You know, I'm always here for you, right?" Sincere na humarap sa akin si Kuya.
Tumango ako.
"Just call me when you need me Zoey. Hindi man kita mapakilala sa public, alam mong nandito ako para sayo." He kissed my head and slightly hugged me.
"Lagi kang mag-iingat. Lalo na sa mga volunteer works mo." I told him. He smiled at me sadly.

"Ikaw ang legal na anak, pero ako ang natatakot na ipakilala kang kapatid kita." Bulong nito sa akin. Kahit mas matanda si Kuya sa akin ng ilang taon, ako ang legal na anak ni papa.
"Naiintindihan ko." I replied softly. I rested my head on his shoulder and westayed that way for a while.

Naunang umalis si Kuya. Nagpaiwan muna ako sa likod before I join my friends.

"Zoey, nakita ka ba..." Natigil ang sasabihin ni Cailee ng makita niya akong nakasandal sa isang haligi sa porch palapit sa kanila. Hawak-hawak ko ang tiyan ko.

"Zoey?" Lumapit si Cailee at Khal sa akin.
"Masakit..." Hindi ako makapagsalita. Masakit ang tiyan ko.... Masakit.
"Ambulance... tumawag kayo ng ambulance..." Nataranta si Cailee ng mapaupo ako sasahig ng porch. Hindi ko kaya ang sakit.

"Emergency... sa bahay namin... Si Khal Sebastian ito... Pakibilisan..." Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Khal.
Basta masakit... Naluha ako sa sakit... Ang mga baby ko...

"Allison, tawagan mo si Rome..." Sigaw ni Cailee. "Huwag kang tumulala diyan."

"Hindi niya sinasagot." Allison said after a while.

"Masakit, Cailee." I said although I can't breath normally.
"Hinga lang Zoey..." Cailee's trying to calm me.

Naririnig ko ang tunog ng ambulance. Hindi ko kaya ang sakit... At natatakot ako.
Nasaan si Rome?   

--------------
A/N
Okay... so babalaan ko na kayo...
Magsisimula na ang malungkot na part. 😭

Zoey: the Road leads to Rome (Completed)Where stories live. Discover now