Chapter 11- Trevor vs Rome

10.9K 281 8
                                    

Zoey's POV

I kept the pain inside me. I smile when everybody is around. I laugh at their jokes, on their banters. Graduation is around the corner and I was thankful for the scholarship that Rome's parents gave me. I will leave him... He has a year before he graduated. And maybe distance will make me forget him.
If only I can unlove him so I won't feel this pain...

---------------------

After a week, umuwi na sa Country Club si Cailee at Gabriel. Naiwan ako sa Vicente kasama si Rome. Si Brook naman bumalik sa Soledad at si London, bumalik sa Manila.

Tita Diane and Tito Tristan were outside the country. Kami lang ni Rome ang laman ng bahay bukod sa mga tauhan.

Naiinip ako dahil ayaw akong pagtrabahuhin. Binilinan ni Rome ang mga tauhan na bawal akong mapagod, magbuhat, maglakad ng malayo, matagtag...madami pang bawal.

I went to the library/office dito sa bahay. Akala ko lumabas si Rome kaya nagulat ako ng pagbukas ko ng pintuan at nakita ko siya na nakaupo at busy sa binabasa. Napatingin siya sa akin.

"Sorry. Hindi ko alam na nandito ka."
"Pasok ka. I need your advice." Kinawayan niya ako para pumasok.
"Para saan?" Tanong ko sa kanya. Umupo ako sa upuan sa harap ng table.
"Okay lang ba pakiramdam mo? Hindi ka nahihilo?"
Umiling ako sa kanya. Rome became...sweet...
At nasasanay na ako na sweet siya sa akin. Ayaw kong masanay sa ganito. Natatakot akong mahulog lalo sa kanya.

"Okay... Ganito kasi. I was thinking of building hydroponics." He said. And I went blank... Ano ang hydroponics?
"Ano yung hydroponics?" I asked.
"It's a system where I can grow fish and vegetables at the same time." Pinakita sa akin ni Rome ang mga pictures nanireresearch niya.
"It looks interesting. Paano nabubuhay ang mga gulay sa ibabaw ng tubig?" I asked him.
This is what he loves the most... The innovation, the challenges of machines...
"Yung dumi ng isda ang nagiging pataba sa halaman... at ang halaman naman ang naglilinis ng tubig para sa isda. Tapos babalik ang tubig sa isda na malinis. Pwede akong magtayo ng green house tapos solar panels na ang nagpapagana ng mga machine. Ano sa palagay mo?" Excited na tanong nito.
"Magandang idea naman yun. Subukan mo muna sa maliit. Tapos kapag gamay mo na ang process, pwede kang magdagdag."
"Yup. That's the plan." Sinarado ni Rome ang laptop niya.

"Gusto mong kaymito?" He asked.
"Sama akong mamitas?"
"Sa kubo ka lang."
"Deal." I replied.
Mas okay na yun kaysa nakakulong sa bahay. Alam naman na ng buong hacienda na buntis ako. Salamat kay Mang Tonyo.

"Maam Suwe... magandang umaga. Señorito." Bati ni Mang Tonyo. Naabutan namin sila ni Rome na namimitas ng mga mangga.
"Gusto daw ng kaymito ni Zoey." Rome told him.
"Ay walang problema, ipiitas kita Maam. Upo ka na lang sa kubo at huwag kang pipitas sa puno. Mamamatay ang puno kapag nahawakan ng naglilihe."
Meron bang ganung pamahiin? Pinigilan ako ng mga trabahador ng makitang hahawakan ko ang nakalawlaw na bunga ng mangga.

Inabutan ako ni Rome ng tatlong kaymito bago siya bumalik sa mga puno para tumulong sa pamimitas.

Habang kumakain ako sa kubo at natatanaw ang mga trabahador sa mga ginagawa nila, hindi ko napansin si Kuya Trevor na dumating.

"Zoey." Tawag niya sa pansin ko. Napatingin ako sa kanya. Nakasimangot ang mukha nito at nakakunot ang noo. Shit... malamang nalaman na niya na buntis ako.
"Buntis ka?" Deretsong tanong nito.
Tumango ako. Nawalan ako ng gana sa pagkain ng kaymito.
"Sino ama?" May halong galit ang tanong ni Kuya. Ngayon ko lang nakitang nagalit si Kuya.

"Ako." I heard Rome replied. Nabaling ang tingin ko sa kanya. His smile was gone.
"Ano ginagawa mo dito Trevor? Hindi ka naman nakaschedule ngayon sa clinic dito di ba?" Tanong ni Rome. Nahinto sa pag-aani ang mga trabahador at nakatingin sa amin.
"Siya ang nakabuntis sayo?" Tumaas ang boses ni Kuya at hindi pinansin si Rome.
"Dahan-dahan ka sa mga tanong mo Trevor. Huwag kang magtataas ng boses dito." Tumaas na din ang boses ni Rome.
"Teka... Sandali... Trevor, saka na tayo mag-usap. I'm fine, really." I pushed them apart. Pumagitna ako sa kanilang dalawa.
"Siya ang nakabuntis sayo?" Ulit ni Kuya na mas malakas kaysa kanina.
"Tang-ina ka... Eh ano ngayon kung ako." Pasugod na si Rome ng umawat ang mga trabahador.

Tinulungan ako ni Mang Tonyo na pumagitna sa kanila.

"Doc Trevor, Señorito... konteng lameg ng ulo. Nakagitna sa inyo si Maam Suwe. Doc, palameg ka muna. Señorito, iume mo muna si Maam Suwe. Namumutla na oh. Dadalen ko na lang ang mga prutas mamaya sa mansion." Mahinahon na wika ni Mang Tonyo. I have never been so grateful to Mang Tonyo until now.

Masama ang tingin ni Rome kay Trevor. Hinawakan niya ang kamay ko... ng mahigpit saka nilayo sa kubo. Pinasakay niya ako sa kotse at umuwi kami sa bahay.

Walang kumikibo sa amin hanggang makarating kami sa bahay. Ano naman ang sasabihin ko? Hindi ko naman pwedeng sabihing kapatid ko si Trevor. Hindi alam ng angkan niya ang tungkol sa akin. Masakit man tanggapin, isa akong sekreto sa kanya. Hindi niya ako pwedeng kilalanin bilang kapatid.

"Huwag kang lalabas ng bahay, Zoey." Galit na sabi ni Rome. Halos matanggal ang pintuan ng kotse dahil sa pagkakasara niya ng pintuan.

"Ayaw kong makikipagkita ka pa kay Trevor, naiintindihan mo!"
Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit si Rome kay Kuya. Ang alam ko lang hindi na talaga sila magkasundo dati pa. Pero ngayon ko lang nakitang magalit ng ganito si Rome... Lalo na sa akin.
"Rome, kailangan naming mag-usap." I answered him... Almost begging him.
"About what? Sabihin mo nga Zoey, boyfriend mo ba si Trevor?"

Halos magtago ang mga kasambahay namin dahil sa galit ni Rome.
Umiling ako dahil iiyak na ako ano mang oras na magsalita ako.

"Magkalinawan tayo." Hininaan ni Rome ang boses niya para ako lang ang makarinig. Nilapit niya ang galit niyang mukha sa akin.
"Kung ano man ang meron kayo ni Trevor, putulin mo na ngayon din, Zoey. Ako ang tatay ng kambal. At kung gusto mong maging bahagi ng buhay nila, ako ang papakasalan mo at walang iba."
"Are you threatening me?" Hindi ako makapaniwala sa mga binibitawan niyang mga salita.
"I am just telling you Zoey what I can do." Umatras ng isang hakbang si Rome sa akin.
"Go to your room. Hindi ka lalabas ng bahay hanggat nandito si Trevor. And stop messaging him, Zoey."
Iniwan kong nakatayo si Rome sa sala. Umakyat ako sa kwarto ko at doon umiyak.

God, what a mess. I have a brother na kinakahiya na magkapatid kami. And I can't understand the depth of Rome's hate towards Trevor. I am in the middle and I don't know what to do... I never felt more alone than this moment.   

------------------
A/N

Sabinga sa kanta...

Jealousy, turning saints into the sea
Swimming through sick lullabies, choking on your alibis
But it's just the price I pay, destiny is calling me
Open up my eager eyes, 'cause I'm Mr. Brightside

Zoey: the Road leads to Rome (Completed)Where stories live. Discover now