"Wala lang." sabi niya sabay tayo at takbo paalis kaya naiwan na akong mag-isa dito sa garden. Ah shit. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

-----------------------------------------------------

Enzel's POV

Nadatnan ko si Dash sa garden na tulala habang hawak ang dibdib niya. Anong problema nito?

"Psst..."

"Psst Dash..."

Hindi niya ko pinapansin at nakatulala pa rin siya.

"Mahal na ata kita..." bulong niya

"Hoy gago ka! Alam ko namang magpinsan tayo at natural lang na mahal mo pero Dashiell naman, hindi mo na kailangang sabihin sakin yon. Ang baklang pakinggan." sabi ko

"Teka- huh?" sa wakas tumingin na rin siya

"Anong huh? Matapos mong sabihin sakin na 'mahal na ata kita' sasabihin mo saking huh?" pang-aasar ko sa kanya

"Tsk. Hindi para sayo yon." sabi niya at naglakad na paalis.

Hinayaan ko na siyang umalis at tumambay muna ako dito sa garden. Nalintikan na. Inlove na ang pinsan ko. Di ko talaga maintindihan kung bakit na-iinlove ang mga tao, wala naman silang mapapala don. Bakit, para ba may maka-date sila? Buti pa ko, hindi ko na kailangan ma-inlove para lang may maka-date dahil mga babae na mismo ang lumalapit sakin.

Nahagip ng mata ko si Fiona na tumatakbo. Saan kaya pupunta yon? Bukas na ang mga ilaw dito sa school dahil madilim na at maya-maya lang ay kailangan ko na rin pumasok sa dorm namin.

Ano kayang trip at tumatakbo pa siya ng ganitong oras at may hawak pa siya kahon- teka kahon!? Aish! Bakit ba hindi ko napansin agad na may hawak siya itim na kahon?

Sinubukan kong habulin si Fiona pero hindi ko na siya makita kaya nagpasya kong pumunta muna sa dorm namin para magpatulong kina Dash para maghanap kay Fiona.

"Dash! Dash!" sigaw ko

"Kung kukulitin mo lang ako tungkol sa narinig mo sakin kanina pwes sinasabi ko sayo ngayon palang na wala kang mapapala sakin at wala ako sa mood na makipag-asaran sayo."

"Dami mong sinasabi! Patapusin mo muna ako! Nakita ko si Fiona na tumatakbo at may bitbit na kahon." sabi ko sa kanya

"Huh!?"

"Ayan! Kasi ang dami mong sinasabi kung sana nakinig ka muna sakin!"

"Hoy! Kung ayaw niyong matulog magpatulog kayo! Ang ingay ingay! Dun kayo sa labas mag-sigawan kung gusto niyo!" sabi ni Pierce sabay talukbong ng unan at bumalik sa pagtulog.

"Tara na! Hanapin na natin si Fiona! Pierce! Bumangon ka na dyan!" sigaw ni Dash kay Pierce.

"Itanong niyo kay Shrek! Pwede ba patulugin niyo nga ko! Kayo nalang ang maghanap dyan kay Princess Fiona."

"Aish!" inis na sabi ni Dash at lumapit kay Pierce sabay hila patayo dito. Lumabas na ko at nakita ko namang nakasunod sila sakin.

"Dashiell! Bitawan mo ko! Hoy ano ba! Nakahubad pa ko! Kapag ako nakita ni Rhys na ganito baka gahasain ako non!" reklamo ni Pierce

"Ang kulit mo kasi! Sabi ng kailangan nating hanapin si Fiona-" napatigil kaming tatlo sa pagtakbo dahil tumambad samin si Rhys na seryosong nakatingin samin. Napatingin siya kay Pierce kaya naman nagmadali siyang magtago sa likod ni Dash. Nakatingin ngayon si Rhys kay Pierce na para bang nakakita siya ng masarap na ulam.

"Hi baby Pierce~"

"Aha-ha-ha. Y-yow Rhys. Anong ginagawa mo dito sa labas? Gabi na, bakit nasa labas ka pa?" kinakabahang tanong ni Pierce

"I'm hungry kasi kaya plano ko sanang bumili ng foods. Kaso mukhang pagkain na mismo ang lumalapit sakin." sabi niya kay Pierce

"Pa-pagkain ba g-gusto mo? Gusto mo bang i-ilibre kita? Hintayin mo ko magbibihis lang ako tapos bibilhan kuta ng pagkai-"

"Ooops. Where are you going baby Pierce?~ Hindi mo na ko kailangan ilibre ng pagkain at lalong-lalo na hindi mo kailangan magbihis." nagtangka kasing tumakas si Pierce pero napigilan agad siya ni Rhys at ngayon ay hawak na siya nito sa braso.

"K-kapag talaga ako nagahasa ni Rhys humanda kayo sakin Dash at Enzel. Pagbubuhulin ko kayong magpinsan!" inis na bulong niya samin ni Dash. Maiintindihan namin si Pierce kung sakali man na magalit siya samin dahil lahat kami ay nalagay na sa ganyang sitwasyon.
Attracted si Rhys sa abs ng mga lalaki at minsan na rin niya kaming nabiktima. Isang araw ay naabutan niya kaming nagbibihis sa dorm at bigla nalang niya kaming dinamba. Hindi kami makapalag non dahil masyadong malakas si Rhys at sa aming magkakaibigan, siya ang may pinakamalaking katawan at yun din ang dahilan kung bakit hindi halata na bakla siya. Kinailangan pang pagtulungan nina Thorn at Orion si Rhys para lang mapatigil siya. Napilitan silang bugbugin si Rhys hanggang makatulog dahil ayaw nitong magpapigil at pilit na hinahawan ang mga abs namin. Kapag nga naaalala ko yon ay kinikilabutan talaga ko. Nakaka-trauma kami ng sobra kaya simula non ay hindi na kami nagpapakitapa ulit kay Rhys ng nakahubad.

"Dash wala na tayong oras dito! Kailangan na nating hanapin si Fiona!" sabi ko

"Tara na! Iwan na muna natin si Pierce. Sabihan mo rin yung iba para makatulong sila sa paghahanap."

"H-hoy saan kayo pupunta? H-huwag niyo sabihing iiwan niyo ko dito?"

"Sorry Pierce! Babalikan ka nalang namin!"

"Hoy! Huwag niyo kong iwan!"

"Sorry!" paalam ko kay Pierce.

Nasaan na ba si Fiona?

Dumating na rin ang iba pa naming kaklase para tumulong  sa paghahanap kay Fiona pero kahit marami na kaming naghahanap ay hindi pa rin namin siya makita.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Sep 01, 2018 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

The Devil's ScriptDonde viven las historias. Descúbrelo ahora