Dashiell's POV
Plot:
Redons Academy is just a simple school. Normal students, cool teachers and a very peaceful place.
But one day, a student received a color black box. His name is Siwon. Little did they know, the killings-
"Aish!"
Nilamukos ko nalang ang hawak kong papel at binato sa basurahan. Iyan lang ang naitatabi kong kopya mula sa sinulat kong script. Iyan na nga lang ang naitabi ko, putol pa. Sabagay, scratch lang naman yon ng script na sinulat ko. Pero kung sana ay may naitabi man lang ako kahit isa pang kopya edi hindi kami nahihirapan ngayon sa pagkalaban kay fox. Isa pang sinisisi ko ay ang memorya ko. Hindi ganon katalas ang memorya ko kaya naman wala akong gaanong matandaan tungkol sa nilalaman ng script maliban nalang sa- si fox ang pumapatay at nagbibigay siya ng itim na kahong may lamang buhangin bilang babala niya sa susunod niyang papatayin.
Napatingin ako kay Blue (ang teddy bear ni Pierce na kulay pula na bigay 'daw' sa kanya ng secret admirer niya).
"Hay nako Blue! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tatlo na sa mga kaklase namin ang namamatay at hanggang ngayon hindi pa rin namin nahuhuli si fox. Aish! Mababaliw na ko nito eh!" nababaliw na nga siguro ako. Nakikipag-usap lang naman ako sa isang teddy bear.
Lumabas ako sa dorm at nagpunta sa garden para magpahangin. Akala ko ay makakapag-isip ako ng maayos dito yun pala hindi. Hays. Guguluhin lang niya lalo ang utak ko.
"Hi Dash!" sabi niya
"A-ah hi din Cleone." mukhang kailangan ko ng magbasa ng libro tungkol na sa 'Paano ka makikipag-usap sa babaeng gusto mo?'
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Cleone habang nakatitig sakin.
"Magpapahangin lang sana para makapagisip-isip." medyo nakakahiya na dahil hanggang ngayon ay nakatitig pa rin siya sakin.
"Ganon ba? Gusto mo ba umalis muna ako? Baka kailangan mong-"
"Hindi! Huwag kang umalis! I-i mean. Hindi mo kailangang umalis. A-ayos lang. Huwag mo nalang akong pansinin." bakla ba ko? Dapat kapag gantong sitwasyon babae ang nahihiya hindi lalaki -_-
Gulat man pero hindi ko yon pinahalata kay Cleone. Bigla niya akong hinila at umupo kami sa damuhan. Pinaglaruan niya lang ang mga bulaklak na nasa harap namin.
"Dashiell..." tawag niya sakin
"Hmm?" nakatingin lang ako sa kanya ngayon. Hindi niya siguro napapansin na nakatingin ako sa kanya dahil nakatuon pang sa mga bulaklak ang atensyon niya.
Ang ganda niya. Para siyang inosenteng bata na tuwang-tuwa sa mga bulaklak na pinaglalaruan niya.
"Anong tingin mo sakin?" lumingon siya sakin at ngayon ay magkaharap na kami at sobrang lapit na namin sa isa't-isa.
"A-ano bang klaseng tanong yan?" Ano daw tingin ko sa kanya?
"Sagutin mo please. Anong tingin mo sakin? Anong tingin mo kay Cleone Hunts?" seryosong tanong niya sakin. Phew. Paano ko ba sasagutin 'to?
"Mabait." sagot ko
"Mabait?" nakakunot noo niyang tanong.
"I-i mean mabait ka. Mabait kang kaibigan. Masaya kang kasama. Natutuwa ako kasi naging kaibigan ka namin." sabi ko
Napangiti siya. Mas lalo siyang gumanda.
"Bakit mo nga pala naitanong kung anong tingin ko sayo?" nakakagulat kasi yung tanong niya. Muntik ko na tuloy sabihin sa kanya na 'maganda at mabait ka kaya nga gusto kita eh'. Mabuti nalang napigilan ko yung sarili ko.
YOU ARE READING
The Devil's Script
Mystery / Thriller"I wish life has a rewind button, so that I could go back to the day that I made that script. I'm a human. I'm not perfect. And I made a decision that I regret." -Dashiell Veyron
