CHAPTER 9

10 0 0
                                        

Warning: Tadtad ng mura ang chapter na 'to. Read at your own risk.

Dashiell's POV

"Nasaan si Xyra!?"

"Ha!?"

"NASAAN SABI SI XYRA!?" sigaw ni Vera.

"Teka nga muna! Magkakasama tayo kanina dito sa room nung biglang nawalan ng ilaw kaya bakit mo samin hahanapin si Xyra?" -Parker

"Oo nga... Kung magkakasama tayo dito sa room kanina bago mawalan ng kuryente ibig sabihin-"

"TANGINA KINUHA SIYA NUNG ABNORMAL NA NAKAMASKARA!" -Clyde

Tumakbo siya papunta sa pinto para sana buksan ito pero hindi niya ito mabuksan.

"Hoy puta buksan niyo 'to!" kalampag ni Clyde sa pinto.

Tinulungan na rin namin si Clyde na kalampagin ang pinto dahil kailangan naming mahabol si fox kundi ay tuluyan ng magagaya si Xyra kay Siwon at Ray.

"Open this fucking door!" -Jon

"Kung may tarantado man na nakakarinig samin buksan niyo 'tong tanginang pintuang 'to!" -Parker

"Punyeta buksan niyo 'to! Tangina!" -Silver

"Ilabas niyo na ko dito! Lunod na lunod na ko sa mga mura nila kaya please lang buksa-  Aray! Putangina! Sinong tarantadong hayop ang nagbukas nitong lintik na pintuang 'to!?" -Pierce

Natigil sila sa pagsigaw dahil bumukas na ang pinto at pumasok si Sir Niall.

"Anong nangyayari dito? Bakit kayo sumisiga-"

"Tabi!" hinawi ni Clyde si Sir Niall at tumakbo agad palabas. Sumunod kami sa kanya at para tulungan sa paghahanap kay Xyra.

Kahit malakas ang ulan ay hindi namin ito inintindi at nagtuloy-tuloy lang sa paghahanap kay Xyra. Ilang oras na kaming naghahanap pero hindi pa rin namin 'to nakikita. Halos nalibot na namin ang buong school pero ni anino ni Xyra ay hindi namin nakikita.

"G-guys. Bu-bumalik na raw kayo sa room s-sabi ni Sir Niall." sabi samin ni Leighton na nanginginig na sa sobrang lamig.

Bumalik kaming lahat sa room at nadatnan namin si Sir na tahimik at naka-upo sa unahan.

"Ano na namang nangyari?" seryosong tanong niya

"Nawawala po si Xyra. Huwag po kayong mag-alala dahil hahanapin namin siy-"

"CLASS ANO BA!? Wala ba kayong balak itigil 'to!?" bulyaw niya

"Ano pong ibig niyong sabihin?" naguguluhang tanong ko

"Ang ibig kong sabihin ay wala ba kayong balak itigil ang ginagawa niyong kalokohan?"  sabi niya at tumingin sa buong klase.

"Kalokohan?" tanong ko

"Oo. Itong kalokohang t-"

"WALA! Ano ba talgang pinabalabas niyo!? Na kalokohan 'to? Pwede ba! Kung kami ang pinagbibintangan mo sa mga nangyayari pwes nagkakamali ka!" makahulugang sabi ni Thorn.

"Hindi ko sinasabi na mamamatay tao kayo! Ang gusto ko ay itig-"

"ANO BA!! PWEDE BANG MANAHIMIK KA NA!! TEACHER KA! BINABAYARAN KA NAMIN KAYA GAWIN MO ANG TRABAHO NG ISANG TEACHER HINDI YUNG PINAPAKIALAMAN MO KAMI!" sigaw ni Thorn kay Sir Niall.

Kahit pamilya man ni Thorn ang may-ari nitong school ay ni minsan hindi nagmayabang o nagmataas si Thorn dahil hindi niya yon ugali. Ngayon ko lang nakita si Thorn na nanigaw at nambastos ng teacher.

The Devil's ScriptNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ