Kabanata 15

19 2 0
                                    

Mad

"Teka lang muna... wait! May emergency ba?"

Habol sa akin Mau, dumaan pa kami sa gilid ng gymnasium at may maga sasakyang naka park. Wala kaming car pass kaya hindi naman naipasok ang sasakyan.

"Wala naman... hinahanap na ako ng nanay ko"

Siguro naman may karapatan akong makaramdam ng ganito. Ano bang dapat maging reaksiyon sa nakita ko? Why I am feeling like this? Anger brewed in my mind. Hindi naman ako naiiyak dahil mas nangingibabaw ang galit. Are they really that close? Bakit parang may punyal na tumutusok sa dibdib?

"Tara na nga" napahimas pa siya sa kanyang batok.

Diretso lang ang tingin ko at nakita ang atong pamilyar sa akin kahit may kalayuan. Palapit na kami sa isa't isa at nakumpirma ko na si Gela itong kaharap ko. Panandaliang nawala ang pait na aking nadarama.

"Anong... ginagawa mo dito?" tanong ni Gela.

"Nanuod lang ng game" diretsong sagot ko.

Pinanglakihan niya pa ako ng mata at halatang nagdududa. Hindi naman nalalayo ang edad namin ng pinsan kong ito. Isang taon nga lang ang agwat namin. Magpapaalam na sana ako na kanya na aalis kami ngunit nabitin sa dulo ng dila ko ang sasabihin dahil may tumunog na car alarm sa di naman kalayuan. Napalingon kaming tatlo kung saan galing ang tunong na yon. Kung nagulat kami ni Mau mas gulat si Gela at napatakip pa sa kanyang bibig. Si Papa Ben ang may ari ng sasakyan at kapapasok niya lang. Ano naman ang sadya niya rito? Naguguluhan na ako, ilang beses ko na siyang nakita.

Gela gave me an accusing look. Her eyes were gloomy " Nakipagkita ka sa...sa lalaking iyon?"

Umiling ako.

"Alam ba ni Tita? Liv , naman!"

"Hindi, Gela. Iba ang pinunta ko dito"

Nagpalipat lipat ang tingin ni Mau sa aming dalawa. Nawala nga ang sakit na naramdaman ko kanina lumala naman ngayon.

"Sana lang hindi ka nagsisinungaling" pagkatapos niya sabihin yon nilagpasan na niya kami.

Naglalakad akong lutang ngayon na nakasunod kay Mau palabas. My emotions mixed up and Gabb spice it up again. We're inside the car already and he and Deo were standing at the entrance gate. He was about to run but Deo stopped him. Mau didn't try to ask me. I know there's a lot theories circulating in her mind but she chose to shut up.

"Nandito na tayo " she spoke and finally breathing silence

"Thank you"

She close her eyes the sighed "Ayos ka lang?"

I bit my lip and nodded my head.

Gusto ko ng maligo at maghilata sa kama hindi ko pa lubos maproseso ang ma nangyari at naramdaman ko kanina.

"San ka ba galing?" nakasalubong ko si Mama sa hagdan.

"Ma..." I kissed her cheek "Ma... I " hindi ko kayang ituloy.

"Hey...what's wrong?"

"Nothing" tumakbo na ako papuntang kwarto. Nais kung sabihin lahat sa kanya lalo na tungkol kay Papa Ben.

Ang gulo-gulo ng isipan ko. Sianna. Papa Ben. Gabb. They occupied my mind. I opened my instagram account to divert my mind from thinking what happened earlier. I uploaded beach photos during our trip in CARAGA. I was lying on my bed then Rojan called.

"Hey! Rojan" I tried to sound happy.

"Uy! May new post ka sa instagram, nilakad pa naman kita sa mga kaklase ko, nagwawala na yon" he laughed.

Find Peace In PainWhere stories live. Discover now